Chapter 18
Tahimik sa loob ng sasakyan. Pareho kaming nasa back seat ni Gaddiel pero halos dumikit na siya sa kabilang dulo. Sobrang laki ng space sa gitna naming dalawa.
Panay ang baling sa amin ni Kuya Kito sa rear mirror. Sinabi ko kanina na susunduin namin sa school ang kasama kong mag-aaral sa bahay pero ang inaasahan niya yatang kasama ko ay sina Jorge. Naninibago siguro siya dahil ni minsan ay hindi niya ako nakitang nagkaroon ng lalaking kaibigan o kasama.
Kung babanggitin man ito ni Kiya Kito kina Mom at Dad ay sasabihin kong boyfriend ko si Gaddiel. We'll meet them after exam anyway.
Isa pa walang mag-iisip na masama si Gaddiel. Sa aming dalawa mukhang ako pa nga ang pwedeng gumawa ng masama.
Muli kong binalingan si Gaddiel na mahigpit na yakap ang mga libro niya habang nakayuko. Hindi na naman kita ang mga mata niya pero kitang-kita ko kung gaano kadiin ang pagkakakagat niya sa ibabang labi niya.
He's wearing a white Polo shirt, gray pants and a pair of white Nike shoes. He looks so plain but I'm starting to like his style actually. His style always looks clean and pleasing in my sight.
Hindi ko na muna siya kinulit habang nasa loob kami ng sasakyan. Nakarating kami sa subdivision hanggang sa ipinasok na ni Kuya Kito ang sasakyan sa gate ng bahay namin.
Agad akong lumabas nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng stone stairs. Nakita ko naman si Gaddiel na parang batang nahihiya na bumaba na rin saka dahan-dahang lumapit sakin. May bag sa likod niya at may yakap paring mga libro. Nakaangat ang tingin niya sa bahay namin habang hawak ng daliri niya ang gilid ng eye glasses niya.
"Come in," wika ko bago siya iginiya papasok. Nakita ko nahihiyang nag-bow pa siya kay Kuya Kito na tumango lang sa amin.
Nag-aalinlangan pa rin ang ekspresyon ni Gaddiel kahit noong nasa sala na kami.
"Lia, is it really okay--"
"I already told you, it's alright, Gaddiel." Magaan ko pang hinampas ang balikat niya para mas hindi siya ma-awkward. Nahihiya niyang inilibot ang tingin sa buong sala namin. Napailing na lamang ako bago iginiya si Gaddiel sa staircase.
I already gave instructions to our helpers earlier about our snacks kaya dumiretso na kami sa library na tabi lamang ng kwarto ko. Iba iyon sa main library kung saan ang study nina Dad.
"This is my own library. My collection of books," ani ko kay Gaddiel na manghang-mangha pagpasok namin.
Then I suddenly remembered his book. The one I borrowed from him to get his attention. Hindi ko pa pala iyon naibabalik sa kanya. Maybe later, pag-uwi niya.
"Y-you read a lot," komento ni Gaddiel habang nakatingin sa mga shelves na puno ng libro.
"Hmm," I shrugged. "Pero bilang lang ang educational books dito. I'm more on thriller, fantasy, dark books and comics— you know, manga. And lately romance,"
Panay ang tango ni Gaddiel habang nagsasalita ako. Napangiti ako sa pagkaaliw niya. He's really a nerd who loves books, huh.
"I know you'll bring our school books kaya hindi ko na kinuha 'yong sakin sa locker kahapon." ani ko bago humakbang papuntang sofa kung saan ako madalas humilata tuwing nagbabasa ako ng libro.
Napatingin sakin si Gaddiel. Tinapik ko naman ang espasyo sa gilid ko para makaupo na rin siya.
Naninimbang ang tingin ni Gaddiel sakin habang lumalapit siya. Alerto rin ang ekspresyon niya at tila kinakabahan na may gagawin ako bigla sa kanya. He's very conscious again.
Lihim akong napangisi.
Dahan-dahan ang ginawa niyang pagbaba ng bag niya sa may carpet na sahig bago niya inilapag sa ibabaw ng coffee table ang mga librong yakap niya kanina pa.
YOU ARE READING
his innocence
Novela Juvenil[EDITING] I saw how his lips tremble upon my touch. I never touch a man like this but I'm no innocent. This is also my first but I know what I'm doing- while he obviously have no idea about these things. "Are you ready?" I asked with my unusual rasp...