Note: This chapter feels so off when I read it again myself kaya in-edit ko talaga. So if you're also rereading, you'll notice na nag-iba yung flow and dialogues as you probably remember huhu. Anyway, thank you po for reading my work!
Chapter 14
"Let's kiss," bigla kong nasabi kay Gaddiel isang hapon. Uwian at kaming dalawa nalang ang naiwan sa classroom. Matagal siyang mag-ayos ng gamit niya kaya madalas talaga kaming mahuli dahil hinihintay ko pa siya. Sobrang hinhin kasi kaya 'yan. Pero imbes na tulungan siya ay mas gusto ko pang panoorin ang pino at conscious niyang mga galaw.
Tumaas ang kilay ko kay Gaddiel nang mahulog ang isa niyang libro. Laglag ang panga niyang nakatingin ngayon sakin. Ang mga mata niya ay bahagya pang namimilog.
Humalukipkip ako at sumandal sa teacher's table. May kalayuan ang distansiya namin pero kitang-kita ko pa rin kahit ang mumunti niyang galaw at reaksiyon.
"L-lia..."
I rolled my eyes. "Ako naman ang hahalik, Gaddiel. You just have to stand there and I'll do the work," I said, wiggling my brows.
Taranta niyang pinulot ang nahulog niyang libro saka nag-iwas ng tingin sa akin. "Nasa classroom t-tayo, Lia."
"Oo nga, pero tayo lang naman ang nandito." hirit ko. "May nakita nga ako kaninang naghahalikan sa garden..." I said because it's true. Inggit na inggit ako.
He blushed. Nakita kong biglang bumilis ang pag-aayos niya ng gamit niya.
Kumunot ang noo ko at humakbang papunta sa kanya. He froze when he felt my presence beside him.
"Wag mong sabihing tatakasan mo na naman ako," kunwari ay seryoso kong ani. "It's just a kiss Gaddiel. It won't harm us both."
Lumayo siya nang bahagya sa akin saka nagbaba ng tingin. Mukha na naman siyang inaapi. Kaya napagkakamalan akong bully niya e. "But we're inside the classroom, L-Lia."
"Then should we go out?" I sarcastically suggested while grinning from ear to ear.
Nakita kong ngumuso siya sa sinabi ko. Malikot ang mga mata niya at puno ng pag-aalangan. Pero alam kong konti nalang papayag na siya.
Alam kong sinabi ko na kontento na ako sa conservative na relasyon namin ni Gaddiel. But can you blame me? Araw-araw akong iniinggit ng mga kaibigan ko. And the curiosity is really maddening!
And besides, from the very beginning, kiss was the main reason I want to get a boyfriend.
I want to try it but if Gaddiel doesn't really want it, wala naman akong magagawa. May relasyon naman kami kaya walang masama roon pero ayoko naman siyang pilitin talaga.
"Okay..." he suddenly muttered that almost made me want to bulged my eyes. Saglit akong natigilan pero agad ding nakabawi.
Humakbang ako papalapit kay Gaddiel. Naging alerto ang ekspresyon niya ngunit tila mayroon ring tila nagpapaubaya nalang.
Napalunok siya nang tuluyan akong makalapit. Nakaisang linya ang labi ngunit hindi rin iyon nanatili nang pasadahan ko ng daliri ko ang pisngi niya pababa sa kanyang panga.
"Okay what, Gaddiel?" I muttered.
Titig na titig ako sa buong mukha niya. Gano'n rin siya sakin.
He only purred that made me gasping for air and wanting to just eat him out. He's so adorable!
His lips immediately tremble upon my touch. I never touch a man like this but I'm no innocent. This is also my first but I know what I'm doing... while he— obviously, have no idea about these things.
I am actually seducing him right now— which I also doubt if he's even aware of.
"Are you ready?" tanong ko.
He hardly gulp couple of times after my question. "L-Lia... this is..."
"What?" I whispered as my eyes wandered all over his pretty face until it settled on his cherry red lips.
There's the beautiful orange flares on half side of his face coming from the afternoon ray of sun on the room's window. Nakababa ang blinds sa bintana pero tila nagsasaya ang hangin kaya sumasama rito ang tila usok naming kurtina. Ngayon ko lang yata na appreciate ang blinds sa classroom namin.
Bahagyang inililipad ng hangin ang itim na itim na buhok ni Gaddiel, gano'n rin ang sa akin ngunit nasa kay Gaddiel ang buong atensiyon ko. He's so beautiful to look at right now. Para siyang totoong anghel sa harap ko ngayon.
"W-what?" he stuttered. The small cabinet on his back creaked when he uselessly tried to step backward for the nth time.
I shook my head playfully and grin as I pull his big eye glasses off his face. My grin widened. If he's the angel, I'm probably the evil wanting to taint his innocence.
Sinalubong ko ang kinakabahan niyang mga mata. I tilted my head in amusement.
This boy is mine.
"Buckle up, nerd." I said before I gripped on his uniform's collar and crashed my lips to his... taking away his first sugary sweet kiss.
×××
Kinabukasan ay hindi makatingin nang diretso sakin si Gaddiel. Tuwing magtatama ang mga mata namin at ngingisihan ko siya ay mabilis na mamumula ang buong mukha niya o di kaya ay sasapuin niya ng likod ng palad niya ang bibig niya saka mag-iiwas ng tingin. He's so cute that I want to kiss him again and again.
Yesterday was a blast. Lagpas kalahating oras yata kaming nanatili sa classroom kahapon. Hindi ko mabilang kung ilang beses ko siyang hinalikan sa labi. Sobrang rami na para bang nasa dulo parin ng dila ko ang lasa ng labi niya.
Damn, he taste like milk and honey!
Tumigil lang ako noong mapansin kong halos maiyak na siya. Muntik pa siyang mapaluhod nang tuluyan akong lumayo sa kanya. Namanhid daw ang binti niya sa ginawa namin.
Of course, because he look like an unmoving statue yesterday! Titig na titig sa akin at kukurap lang tuwing hinahalikan ko. Sinong hindi mangangalay sa gano'n?
Next time, I should teach him to loosen up and just hold on my waist every time we kiss.
I love it when he put me inside his frail arm. It's like he's being possessive of me innocently.
Ngumisi ako nang may maisip na kalokohan.
'Let's kiss again later at the library,' I wrote on a piece of paper before I crumpled it and secretly throw it on Gaddiel's armchair in front.
"Yes!" I whispered when the crumpled paper perfectly landed in the middle of his open book just above his arm chair.
Mabilis na napalingon si Gaddiel sa likuran niya. Hawak na niya ang nilukot kong papel. Kinindatan ko siya nang magtama ang mga mata namin. At siyempre, agad naman siya naglihis ng tingin habang bahagyang napapailing.
Nakita kong binuklat niya ang tinapon kong crumpled paper sa kanya. I saw his back tensed after a seconds. He probably read it already.
Ilang segundo ang lumipas bago ko siya nakitang biglang dumukdok sa lamesa niya. Namumula ang puno ng tenga niya.
Nasapo ko ang sariling bibig para hindi tumakas ang malakas na pagtawa.
"Ms. Hernandez, anong nakakatawa riyan sa likod?"
Mabilis akong napalingon kay Ma'am na nasa harap. Kumurap ako, hindi pa gaanong naiproseso ang pagsaway sa akin. Nakatingin rin sa akin ang mga kaklase ko.
Nakita kong nanatiling nakadukdok si Gaddiel sa armchair niya kaya itinikom ko nang mabuti ang bibig ko saka nagkibit-balikat kay Ma'am.
"Nothing at all, Ma'am," I said while hardly suppressing my weird grin.
![](https://img.wattpad.com/cover/284117506-288-k904563.jpg)
YOU ARE READING
his innocence
JugendliteraturI saw how his lips tremble upon my touch. I never touch a man like this but I'm no innocent. This is also my first but I know what I'm doing- while he obviously have no idea about these things. "Are you ready?" I asked with my unusual raspy voice. H...