Chapter 6

4.4K 175 28
                                    

Chapter 6

Doon natapos ang usapan namin ni Gaddiel. Gusto ko pang tumatagal ang usapan namin pero nagsidatingan na ang mga kaklase namin kaya bumalik na ako sa upuan ko kahit ayaw ko pa sana.

But of course, before that...

"Let's have lunch together later," bulong ko kay Gaddiel bago ko siya tinapik sa balikat at tuluyan nang bumalik sa upuan.

Nakita ko ang tipid niyang pagtango kaya kagat-kagat ko ang ibabang labi buong klase. Para akong baliw na nangingiti habang nagle-lecture si Ma'am sa harap.

Samantalang si Adi sa tabi ko ay baling nang baling sa akin. Then she'll whisper 'weirdo' every damn time.

Nang mag-break ay sa tatlo ako sumabay. Nasa cafeteria kami at pinipilit nila akong sabihin sa kanila ang plano ko para kay Gaddiel. Parang kidnapper naman ang tunog ko no'n kaya irap ako nang irap sa kanila.

I actually don't have any plans on how to get him but I know... I'll have him one of these days. Hindi ako papayag na hindi ko siya magiging unang boyfriend. At mas lalong hindi ako makakapayag na hindi ako ang magiging first girlfriend niya.

"You look like a weirdly obsessed freak in the class earlier." sambit ni Adi pagkatapos sumipsip ng smoothie niya habang may gum parin sa bunganga niya. That's a talent!

"Yeah, tuwing titingin ako sa inyo kanina, I always see her staring at Gaddiel's back." Thelma said.

"Ang creepy lang," natatawang usal ni Jorge, may halong panunukso.

Umirap lang ako sa kanila. Kanina pa ako hindi nagsasalita habang nakikinig sa kanila. Ang atensiyon ko ay nahahati sa kanila at sa entrance ng cafeteria. Natutuon doon ang tingin ko sa tuwing may pumapasok na naka-eye glasses.

Natapos ang break at hindi ko siya nakitang pumasok sa cafeteria. Pagbalik namin ng classroom ay nakita ko siya sa upuan niyang tahimik na nagbabasa ng libro.

He didn't took a break?

Nang makaupo ako sa upuan ko ay nakita ko ang bahagyang paglingon niya sakin dito sa likuran niya.

Nakadikit ang hintuturo niya sa gitna ng eyeglasses niya, tinutulak iyon para maayos.

Nginitian ko siya agad nang magtama ang mga mata namin.

Kumibot ang labi niya, tila bahagyang ngumuso bago ibinalik ang tingin sa harap.

Nagsimula rin agad ang klase pagkatapos no'n. Muntik na akong makatulog dahil puro lectures lang ang nangyari buong klase.

Nabuhayan lang ako nang lunch break na. Sinigurado kong nakaayos ang mga butones ng blouse ko bago ako tumungo sa harap niya.

Ipinatong ko ang isang palad sa armchair ni Gaddiel habang siya ay mabagal na nag-aayos ng mga gamit niya.

Umangat ang inosenteng mga mata sa akin kaya mas lalong bumagal ang pag-aayos.

"Come on, let's grab lunch together. Saan mo gusto? Sa cafeteria o sa labas tayo?" tanong ko saka hinanap ng tingin ang mga kaibigan.

Ngumisi ako nang makita silang tatlo malapit sa pintuan. Nakatigil sila roon habang nakatingin sa akin. Si Thelma ay sapo ang bibig habang ang dalawa ay bahagyang nakaawang ang labi.

I smirk even more before I looked down on Gaddiel again. Naabutan ko siyang nakatingala parin sa akin.

Greyish light brown eyes, looking on mine... he'll surely ruin my life if he won't be mine.

Kusang umangat ang kamay ko at inayos ang salamin niya. Agad naman siyang tila nagising dahil doon at nagpatuloy na sa pag-aayos ng gamit niya.

Napansin ko ang mga kaklase namin na naiiwan ang mga mata sa amin habang lumalabas ng classroom.

his innocenceWhere stories live. Discover now