Chapter 7
"Clear your mind, take a deep breath, and jump." ulit ko sa sinabi ng guide kanina sakin.
Isang beses akong humakbang at dumungaw sa baba. Tila nag-iimbita ang malinaw na tubig sa baba ng mataas na bangin na kasalukuyan kong tinatapakan.
I licked my lower lip and tried to clear my mind for the third time. Pero sa kalagitnaan ng pagpikit ko, muling pumasok sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Gaddiel.
Napadilat muli ako. I rolled my eyes and cross my arms.
I can't concentrate! Damn it.
Linggo ngayon at ngayon ko naisipang mag-cliff diving. Kung tutuosin ay sobrang delay na nitong balak kong ito.
Dalawang linggo na ang lumipas mula nang mag-transfer si Gaddiel sa school at hindi na niya nilubayan ang pag-iisip ko muna no'n.
We become really close. Araw-araw ko siyang nilalandi which made my friends really proud of me.
Clueless naman si Gaddiel sa mga pinaggagagawa ko sa kanya at madalas lang mahiya sa mga galawan ko.
Sabay kami laging mag-lunch kahit na madalas nag-aalala siya dahil hindi na raw ako nakakasama sa mga babae kong kaibigan.
Kita mo nga naman, sa sobrang bait niya naisip niya 'yon. Tuwing vacant naman, lagi kaming dalawa sa library. Nagpapaturo ako sa kanya ng mga kung ano-anong tungkol sa subjects namin kahit alam ko naman ang mga 'yon. Pero aaminin kong sobrang talino talaga niya. Tingin ko siya ang magiging top 1 ngayong quarter. He's a genius na clueless sa makamundong bagay.
I love it when his face turns completely scarlet.
Napailing ako. Sa huli ay nagdesisyon akong umuwi nalang sa bahay. Pag napasama ang bagsak ko sa tubig, hindi ako makakapasok sa school bukas. At hindi ko makakasama si Gaddiel.
Ayoko no'n.
Sa susunod nalang ulit ako susubok. Marami pa namang panahon para mag-cliff diving.
I was already inside the car when I decided to text Gaddiel. He doesn't have any social media accounts so I can't message him online or whatever. Number lang talaga.
Pagkatapos naming maglunch noong unang beses ko siyang niyaya ay noon ko rin kinuha ang number niya. Tuwang-tuwa pa ako nang makita ang pangalan ko sa bilang lamang niyang contacts. Para akong dinuduyan nang makita ang 'Lia' roon.
He's the only one who call me Lia, by the way. He's also the one who made it up. At first, it sounds foreign for me. Nasanay ako sa Kye na siyang tawag sakin ng lahat. But eventually, I liked the 'Lia' from him.
To: Gaddiel Ivan Sandoval
Hey, you ruined my weekendI pursed my lips after I send it. Kinuha ko ang earpods para makinig nalang muna ng music habang hinihintay ang reply niya.
I was about to play some random song when I got notified by his fast reply.
Isang linya ang labi ko iyong binuksan.
From: Gaddiel Ivan Sandoval
Sorry for ruining it.Napanguso na ako. Nai-imagine ko siyang gulong-gulo sa natanggap na text galing sakin. Pero dahil anghel siya at bumase lamang sa nabasa niya, nag-sorry naman agad-agad kahit alam niyang wala siyang kasalanan.
"Engot," I chuckled.
Mabilis ko siyang tinawagan nang hindi na ako makatiis.
Nakailang ring rin bago niya iyon masagot.
"S-sorry,"
"What?" natatawa kong wika dahil may bakas ng pagkataranta ang boses niya. Napalingon sakin si Kuya Kito na nagda-drive kaya umiling ako saglit sa kanya.

YOU ARE READING
his innocence
Teen FictionI saw how his lips tremble upon my touch. I never touch a man like this but I'm no innocent. This is also my first but I know what I'm doing- while he obviously have no idea about these things. "Are you ready?" I asked with my unusual raspy voice. H...