Flutters
I stared at my classmates with my lazy eyes. Nakasuot na sila ng maid uniform at nakaayos na rin ang classroom. May tables, chairs and creative counter na.
8 AM magbubukas ang lahat ng booths at 7 palang. Nagmamadali naman yata ang mga ito. It's good that everythings ready though.
Pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng ginawang cafe naming classroom nang may lumapit sa aking kaklase na nakasuot ng maid uniform.
"Kye."
Tinaasan ko siya ng kilay. Nag-iwas siya ng tingin.
"Ano kasi. . ."
Humalukipkip ako. Napaatras siya at tila natakot. I really don't know exactly why everyone's feeling intimidated everytime they approach me. Nakasuot na nga ako ngayon ng clean girl aesthetics, gaya ng vibes ni Gaddiel. Natukso pa nga ako kanina nina Jorge na nag-iba daw ako ng style, pang mukhang mabait daw ang damit ko ngayon.
Damn, do I really look that evil?
"'Yong naiwan kasing o-outfit ano. . . Baka ayaw mo," my classmate said nervously. "Hindi ka kasi nagsukat kahapon kaya. . ." di na niya nadugtungan.
Kumunot ang noo ko. Iniintindi ang sinabi niya. Pangit ba 'yong naiwang maid uniform? Gano'n ba?
I secretly rolled my eyes. Whatever, kung pangit edi uupo nalang ako sa table buong araw habang ipinagse-serve ako ni Gaddiel ng Latte.
"How about Gaddiel's?" sambit ko sa halip.
Napa-angat ng tingin ang kaklase at bahagyang nataranta. "A-ano, nasa likod ng curtain. Dito, Kye." Sumunod ako sa kanya.
Wala pa si Gaddiel. Kaninang pagpasok ko sa gate ay nag reply siya sa text ko na naliligo palang siya. Akala niya daw ay 9 pa ang umpisa ng booth namin.
Kinuha ko ang plastic na inabot ng kaklase saka tiningnan ang loob niyon. Nandoon ang itim na three piece suit para kay Gaddiel saka isang maid uniform na off shoulder at feathers. Tanging itim at puti ang kulay niyon. Hindi gaya ng sa kanila na may ribbon at iba't-iba ang kulay.
Inangat ko iyon at itinapat sa sarili.
Anong problema dito? I quite like the design!
"'Yan ang natira kanina Kye kasi hindi kasya samin. Nahuhulog sa. . ." my girl classmate blushed and look away. "Sa bandang dibdib."
Bumaba tuloy ang mata ko sa dibdib niya. Mas lalo siyang namula.
Oh, I get it.
I smirked to myself. "This will fit me," I said. "Can you stay outside the curtain for a bit? I'll wear this," I said. She nodded eagerly before she got out of the curtain.
Sinapo ko ang bibig ko para walang lumabas na tunog sa pagtawa ko. I'm so mean.
Napailing ako bago nagsimula nang maghubad at isuot ang maid uniform na para sakin lang nga talaga. I put on the white stockings and the black doll shoes. Lastly, I tied the apron's lace on my back.
And I knew it! It fits perfectly on me. Hindi nahuhulog sa chest part.
Napangisi ulit ako bago tuluyang lumabas sa kurtina. Nandoon ang babaeng kaklase na pinagbantay ko sa tapat ng kurtina.
She gasped when she saw me.
"How do I look?" I asked, definitely fishing for compliment.
She blinked three times. "Perfect," tila wala sa sariling ani ng kaklase.
I grinned. "I know, thanks!" mapagbiro kong sambit bago siya nilampasan.
Mabilis na napalingon sa akin ang mga kaklase kong nasa loob ng classroom. I even saw Ichika in her white and pink maid uniform who's now looking at me in wide eyes and mouth hanging open.
Oh shit, do I really look that good? Na halos lumuwa ang mga mata nila? Damn. The dress' not even that revealing! Hindi nga lumalabas ang cleavage ko. It's just my collarbone and shoulders.
Oh sorry, I sounded so arrogant!
I laughed at the back of my mind.
Naupo na lamang ako sa sulok na table nagtipa ng mensahe kay Gaddiel.
To: Gaddiel Ivan Sandoval
Otw ka na?
Halos limang minuto akong blangkong nakatitig sa screen ng cellphone ko bago ako nakatanggap ng reply galing sa kanya.
From: Gaddiel Ivan Sandoval
What's otw?
Umawang ang labi ko bago ko iyon mariing itinikom para hindi tumakas ang pagtawa. I suddenly imagine my boyfriend's confuse face while reading my message. Damn.
To: Gaddiel Ivan Sandoval
On The Way ka na, Gaddiel?
Then I inserted a laughing GIF.
From: Gaddiel Ivan Sandoval
OTW to classroom now, Lia.
He send me back the laughing GIF.
Agad akong napatingin sa pintuan ng classroom. Tatlong segundo lang ang lumipas nang pumasok si Gaddiel na kagat-kagat ang ibabang labi habang hawak ang cellphone. He's wearing his simple white shirt and black pants.
Nakita kong gumala ang mga mata niya sa classroom. Saglit iyong namangha sa mga decorations ngunit natigilan nang magtama ang mga mata namin.
I smiled and wave at him with my fingers.
Dahan-dahang umawang ang labi niya na mas nagpalapad ng ngiti ko. "Come here," I mouted slowly.
Agad niyang naitikom ang labi bago mabilis na yumuko at naglakad papunta sa direksiyon ko.
"G-good morning," unang bati ni Gaddiel.
A good morning indeed. "Mornin',"
Alanganin siyang umupo sa tabi kong upuan habang nakayuko parin. I tilted my head to take a look at his face. His face redened when he meet my eyes again.
I chuckled.
"I. . . I should c-change na rin." Sumulyap siya sa suot ko pero agad ring nahihiyang nag-iwas ng tingin.
"Alright, come with me behind the curtain."
Masunurin siya tumango at sumunod sa akin. His expression became very cautious when we got behind the curtain.
"Here you go." Inabot ko sa kanya ang itim na three piece suit. "Now, change."
Sinisipat niya ang damit nang biglang mamilog ang mga mata niya sakin. "H-here?" Taranta niyang inayos ang eye glasses niya.
"Yes, here."
He panicked even more. "I mean--"
"Okay, okay. I'll turn my back. I won't peek," natatawa kong putol sa kanya bago tumalikod sa kanya.
Nagbilang ako sa isip ko habang pinakikiramdaman ang kilos ni Gaddiel sa likod ko. I already counted up to 100 when I decided to turn around and see him.
Natawa ako nang malakas nang makitang walang nagbago sa posisyon niya kanina nang talikuran ko siya. Napanguso si Gaddiel sa pagtawa ko saka unti-unting nakulayan ang buong mukha niya.
"Lia," he muttered like a child.
"What? Gusto mo bang bihisan nalang kita?" I said to tease him even more.
"N-n-no!"
"Parang gusto mo eh. . ." Lumapit ako sa kanya saka tinanggal ang eye glasses niya. Parang maiiyak na siya habang aliw na aliw ako sa reaksiyon niya. "What's next?" Bumama ang mga mata ko. "Your shirt?"
"N-no!" Mabilis niya akong tinalikuran para umiwas.
I giggled like mad before I hug him from behind. He immediately stiffened but didn't push me away anyway.
"L-Lia. . ."
"I'm just teasing you, alright. You're such a baby."
I burried my face on his neck. My giggles muffled.
"Damn, how can you make my insides flutter without even trying, Gaddiel?" sambit ko na alam kong hindi niya naintindihan dahil nasa leeg na naman niya ang mukha ko.
#1 in teenfiction
#1 in filipinoteentiction
01/04/2026
BINABASA MO ANG
his innocence
Novela JuvenilI saw how his lips tremble upon my touch. I never touch a man like this but I'm no innocent. This is also my first but I know what I'm doing-while he obviously have no idea about these things. "You okay?" I asked with my unusual raspy voice. He hard...
