Saved
Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong tulog. Nakakatamad gumising. Nakakatamad magmulat ng mga mata.
I know, I'm alive. I know because I saved myself. Ako ang nagligtas sa sarili ko sa pagkakalunod. It was no one's fault but myself kaya dapat ako rin ang gumawa ng paraan. It's my life to save dahil ako rin naman ang nagpahamak ng sarili ko.
Hindi kay Gaddiel. Alam ko 'yon. Hindi ko siya sinisisi.
Ilang beses niya akong pinigilan nang ginusto kong bumaba sa tubig pero pinadaig ko ang gusto ko. Ipinahamak ko ang sarili ko kaya walang dapat na magligtas sa akin kundi sarili ko lang din.
Nasa ospital parin ako ngayon at paulit-ulit lang ang iniisip ko. Siguro nga weird talaga ako dahil ako mismo ang nagpasok ng sarili ko dito sa ospital.
Noong araw na iyon, nang mapagtanto kong hindi ako ililigtas ni Gaddiel, pinilit kong umahon.
It was life and death situation. I just thought that I can't die yet. The feeling was raw, primal, and very disorienting.
The survival feeling during a near-death experience is like. . . Your body's on high alert, adrenaline's pumping, and your mind's racing to stay alive.
Buong lakas kong inahon ang sarili ko kahit na ayaw kong makita ang ekspresyon ni Gaddiel ng mga sandaling iyon. Tuluyan akong nakaalis sa tubig, inuubo, sugatan ang binti, habol ang hininga at namamanhid ang sistema.
Sinabi kong ayaw kong makita si Gaddiel pero hindi ko alam kong bakit nag-expect ako na tatakbuhin niya ako at mag-aalala siya sakin sa oras na iyon.
Pero wala na siya. Wala na siya sa kinaroroonan niya. Wala akong nakita ni anino niya.
Naisip ko pa ngang baka naman mag-isa talaga akong pumunta roon sa talon. Baka naman hindi talaga sumama sakin si Gaddiel. Na sa sobrang humaling ko kay Gaddiel, nag-ilusyon na akong sinama ko siya rito.
But who am I kidding? Nangyari lahat ng iyon.
Pinilit kong lumabas sa gubat. Mahapdi ang mga mata, basang-basa ang buong katawan at namamaga ang paa. Wala na akong pakialam sa paligid ko. Naglakad ako sa kalsada at tila nahamig lang nang marinig ang serena ng emergency vehicle. Hindi ko alam kung saan iyon galing pero ako na mismo ang nagsabi sa kanila na dalhin ako sa ospital. That's all I remember before I fainted.
And here I am! Nasa ospital pa rin at tinatamad buksan ang mga mata.
Alalang-alala sa akin ang mga magulang ko pero wala silang nakuhang salita mula sa akin. I'm too lazy to even talk now. Thinking about what happened in the falls is making my head ache so bad.
"Lia. . ."
I heard Mom's voice but I didn't bulge. Sa katunayan ay gutom na rin ako pero ayaw ko talagang magmulat ng mga mata.
"We already knew what happened. Nagalit ang Daddy mo--"
Mabilis ang nagawa kong pagbangon nang marinig ang sinabi ni Mom. "What?" Halos hindi ko pa maimulat ang mga mata dahil siguro sa tagal ng pagkakapikit. I tried to widen my eyes at Mom nevertheless.
I saw her roll her eyes modestly at my sudden bounce off the bed.
"Nagalit si Dad?" ulit ko sa malat na boses.
"Yes, kay Gaddiel--"
"Kay Gaddiel?!" my loud voice echoed around the room. Ilang mura na ang nasabi ko sa isip ko. Nasapo ko ang noo at huminga nang malalim.
"Yes, and lower your voice because Gaddiel is just in the next room," Mom said calmly.
Nalukot ang mukha ko habang nakaawang ang labi. "Oh my God," singhap ko.
BINABASA MO ANG
his innocence
Fiksi RemajaI saw how his lips tremble upon my touch. I never touch a man like this but I'm no innocent. This is also my first but I know what I'm doing-while he obviously have no idea about these things. "You okay?" I asked with my unusual raspy voice. He hard...
