EXPRESSIVE EYES
Ren
Tulala ako habang tinitingnan ang nag-iisang mensahe sa inbox ng cellphone ko. Bakit puro linya 'to? Baka nang-titrip lang.
Parang tanga naman.
Tiningnan ko ang contacts. None. Wala ring kahit anong apps ang nakalagay. May um-open ng cellphone ko para burain.. lahat walang tinira. It's like they formatted my phone. Linis na linis.
Hindi ko saulo number nila Al. Tang ina naman. Wala din akong ibang pwede tawagan. Wala akong kaibigan. Ngayon ko mas narealize na ang tagal kong nabuhay na wala 'ni isang matatawag na bestfriend.
Kung buhay pa si Cosmo siya una kong tatawagan... kaso... wala na sya.
Kung nasan ka 'man, alam kong nakabantay ka sakin. Madaya ka, inunahan mo ako. Pakyu.
Tinabi ko ang cellphone dahil wala naman na itong silbi. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa dati kong buhay. Yung ang pinoproblema ko lang naman e kung paano sasaktan at sirain ang buhay ng main character ng sinusulat ko.
I don't even know if I can still continue writing.. with this kind of place? I bet I'll conciously write a plot about illegal killings and murders. Not a good plot for my below eighteen readers.
Since, they formatted my phone I can't open my social media accounts anymore. I can't even remember my passwords. Well, it's okay. I can contact some I.T. experts para mapaayos. Hindi lang naman ito ang unang beses na nalimutan ko password ng social media accounts ko.
I woke up early because of a loud alarm around the building.
Punyeta?!
Sinong nagpapatugtog ng ganto kalakas umagang-umaga?!
I was about to go back on my sleep regardless of the loud sounds when suddenly my door opened loudly kasabay ng dalawang putok ng baril!
Napabalikwas ako sa kama.
Nanlalaki ang matang tinitigan ang dalawang lampshade sa gilid ko na butas at umuusok pa dahil sa bala ng baril!
"Wake up! It's 6am and your still sleeping?! You should be on training now! Pano ka mamumuno kung ganyan attitude mo sa oras?!" Ryleigh shouted at me. She angrily looked at me.
I look at her confused. Sino sya para bumaril na parang wala lang dito?! Pano kung mali ang asinta nya at sa ulo ko mismo tumama? Hindi sa nagrereklamo ako pero ayokong mamatay habang tulog. Walang thrill kapag ganun.
Inis dahil wala akong ginagawa kahit sumisigaw na s'ya, tinutok nya ang baril sa akin.
"Nervena, gising na- tang ina?!" gulat na gulat si Ten ng sumilip sa kwarto ko at nakitang nakatutok ang baril ni Ryleigh sakin.
Tinakbo nya ang distansya at hinablot ang baril kay Ryleigh. Na siya namang sinamaan ng tingin ng pinsan ko.
"Ano ba?! Ang aga-aga nagtututukan kayo ng baril?! Aatakihin ako sa puso sa kaba! Mamaya niyo gawin yan! Magbreakfast muna!"
Nilingon ako ni Ten at para na naman s'yang aatakehin sa puso ng makitang basag ang dalawang lampshade ko.
"Jusko mahabagin,"
"It's her fault! She's late, she must be punished!"
"Ate, pinapasundo ka ni mama." sumilip lang saglit si River at agad ng umalis. Walang pakialam na muntik na akong patayin ng ate nya!
"Tsk."
"Bumaba ka na Ryleigh." Rush came in wearing his specs. Mataas nga pala grado ng mata nya at tuwing umaga at gabi nagsasalamin kapag walang suot na contacts.
BINABASA MO ANG
The Life of a Secret Writer
HumorOnce upon a time there's a secret Author and a Reader. He just want to meet the person behind the famous book. The author refuses. Out of curiosity, he stalks her. Later on he realize.. "So, this is your main reason of hiding for years.." "Now that...