CLUE 20

60 3 0
                                    

DECODE
Ren

"Goodnight!"

"Sige."

"Sungit wala 'man lang goodnight din tsk." Nakangusong lumabas ng kwarto ko si Ten.

Nakabalik na ako sa kwarto ko mula sa hospital. Nang masigurong umalis na si Ten tumayo ako at nilock ang pinto.

Dahan-dahan kong inangat ang kutson ng kama. Na-crack na yung itlog na naipit ng kutson. Hinati ko sa gitna at tiningnan ang loob. I even ate some kahit na busog naman na ako.

It's because he said I should eat it.

I saw a paper inside. Maliit lang, kung siguro sinubo ko 'to ng buo hindi ko mapapansin na merong papel sa loob at baka nalunok ko pa.

"Huh?"

.. --  .... . .-. .

What the fuck is that?

Nabura ba yung letters o talagang ganto ang nakasulat?

Drawing ba to o ano?

Tinitigan ko ng masama yung papel. Ginagago ako ng nurse na 'yun ah.

I was about to throw the paper when I remember something. The text message. It's similar to the message that I got!

Dali-dali kong hinalungkat para hanapin yung phone ko na naka ducktape sa ilalim ng kama ko.

"Aray," nauntog pa nga!

I saw the message.

Unknown number

.. -- .. ... ... -.-- --- ..-

.-- .- .. - ..-. --- .-. -- .

Oh hell!

This are not coincidence right? There's a meaning behind it. Damn.

Pero ano?

At ang tanong.. sino ang nagpadala?

Lengguawahe ba 'to ng mga taga ibang bansa?

I opened the google and search for differrent languages in the world. I stayed up late browsing my phone. Minsan ay tulalang tinititigan ang puting papel at pilit iniintindi ang nakasulat.

Even when I go to the bathroom tutok padin ang mata sa cellphone. Sobrang daming lengguawahe. They have different ways to write too. At sa totoo lang puro noddles na sulat lang naman ang nakikita ko sa google!

I then came back to my bed habang inuubos ang itlog at sinasawsaw sa asin sa kamay habang nakatitig naman sa papel.

They have similarities..

But I don't know what's the meaning of this!

Sumasakit ang ulo ko. Pucha, akala ba ng nurse na 'yun matalino ako?!

Kung may gusto siyang sabihin pwede nya namang sabihin nalang! Bakit kailangang may pa-ganto pa!

"Ugh," I groaned out of frustration.

Natigilan ako.

Kung galing sakanya itong sulat meaning.. Wait. Galing din ba sakanya yung text message?

Suminghap ako.

Kilala niya ako.

He wanted to tell me something but he wanted it to remain a secret.

Pero ano?! Puro tuldok lang naman 'to e!

King ina nya kapag nakita ko siya bukas papasakan ko siya ng itlog sa bibig! Kung sino 'man sya!

The Life of a Secret WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon