MEMORY
Ren
"Tsk." Umirap ako sa hangin.
Inalis ko ang tingin sa aking cellphone at pabalyang tinapon sa kama.
This fucking man.
Hindi talaga lumalampas ang araw na hindi ako pikon sa kanya. Biruin mo pati sperm ng magulang nadadamay.
Napahawak ako sa labi ng mapansing ang lawak ng ngiti ko.
Shit.
Para akong tangang nagsusungit sa hangin pero nakangiti!
Parang gago.. ito naman kasing si Cosmo!
Tinanggal ko ang aking salamin at minasahe ko ang bridge ng aking ilong.
A familiar feeling occured me. Nahihilo na naman ako. Pero dahil nasa kama ako at wala namang malapit na matulis na bagay sa paligid, hinayaan ko ang sarili at hindi na nag abala pang tumayo.
Niyakap ko ang mabigat na pakiramdam kasabay nang pagbigat ng talukap ng aking mga mata.
I can't fight it.
Here we go again.
This will be my fourth time fainting in this day.
Everything went black. I passed out.
A familiar noise lingered as I entered the dark gate. Madilim ang paligid dahil gabi na at rinig ang mga ungol mula sa mga suntok na natatamo. Nakarinig pa ako ng putok ng baril sa isang banda kaya kamuntik ko pang nabitawan ang hawak na notebook at ballpen sa gulat!
Humiwalay kaluluwa ko dun ah?!
This place feels illegal.
Pero nasan na ba yung lalaking 'yun?
Kanina lang nasusundan ko pa siya, pero sa dilim ng paligid at labo ng mata ko tuluyan ng nawala sa paningin ko. Ngayon naglalakad ako para hanapin ang familiar na mukha.
Mukhang papahirapan pa ako nito, gusto ko lang naman ng inspirasyon sa pagsusulat. Perfect role siya para sa story na sinisimulan ko.
May grupo ng mga lalaking dumaan at pabalya akong pinagtutulak. Kaya napaatras ako at kamuntik 'pang natalisod. "Woah, easy, dahan-dahan sa pagtakbo."
"Parang mga toro." Bulong ko.
Nanlaki ang mata ko ng bigla ay huminto sila sa paglalakad at sabay-sabay na tumingin saakin ng masama.
Sabi ko nga tatahimik ako.
"I wonder kung paano ka napakasok dito at ang lakas ng loob mong pumasok na wala ka manlang dalang kahit isang armas."
Kumurap-kurap ako sa talim ng salita nung mukhang leader nila na nasa gitna.
Mabuti nalang at mukhang nagmamadali sila kaya ipinagsawalang bahala nalang nila ang kagustuhag suntukin ako at mabilis na umalis. Hindi nakalampas saakin ang mga matutulis na dagger at ilang parang tinidor na kumikinang sa talas at nakasabit ang mga 'yon sa bewang nila!
Napatakip ako sa bibig ng may mapagtanto. Is this the underground battle?!
Wow!
"Mukhang naliligaw ka ata, bawal ang babae dito."
Isang lalaking naka leather jacket ang lumapit saakin. Bakas ang mapaglarong ngisi sa labi.
"Uh.. hindi.. meron akong hinahanap, yung lalaking naka-hoodie. Meron siyang kasama na lalaking naka-cap kanina. Kapapasok niya palang dito kaso nawala ko siya." Luminga linga ako sa paligid. "Baka nakita mo kuya?"
BINABASA MO ANG
The Life of a Secret Writer
HumorOnce upon a time there's a secret Author and a Reader. He just want to meet the person behind the famous book. The author refuses. Out of curiosity, he stalks her. Later on he realize.. "So, this is your main reason of hiding for years.." "Now that...