CLUE 26

26 4 0
                                    

JUMBO

Cosmo


"Ayun boss o! May alimango ang laki!"

"Tsk. Kaya ko namang humuli nalang nyan, bakit bibili pa."

"Boss one week ka nang pabalik-balik sa hulihan. Ni isang alimngo wala kang naiuwi diba?!"

"Shy type kasi sila."

"Ewan sayo boss, palusot.com ka lagi e!"

Akmang kukutusan ko siya nang may biglang humila samin.

"Oh mga pogi bili na bagong huli 'to!"

"Si ale naman oh, nambola pa! Magkano ba kilo nito?!" nangingiti kong pinirat yung lato. Pasimple namang hinampas nung ale yung kamay ko. Nangiwi pa ako kasi ang talas ng kuko!

"Kayo ba yung bagong salta r'yan malapit sa baybay? Ngayon ko lang kayo nasilayan at totoo nga ang chismis ang po-pogi!"

Ngumiti ako ng hilaw.

"Taga sa'n ba kayo iho? Kelan lang lang ata kayo namalagi dito, bago ang mukha nyo!"

"Ah, taga d'yan lang po kami sa gigilid." kamot ulo si Al sa pag-sagot.

Pinisat ko naman ngayon yung isdang mukhang dehydrated.

"Saan dyan banda? Alam mo iho, kakilala ko lahat ng taga dito! Isang tingin ko lang sainyo alam kong dayuhan kayo."

Hinampas uli ni ale yung kamay ko.

"Naku hindi po. Matagal na kaming naninirahan dito, ngayon-ngayon lang namin naisipang lumabas. Shy type po kasi kami."

Pinagsasabi neto?

Siniko ko sya sa tadyang.

"Ack-" dumugo ilong niya.

"Iho ayos kalang?"

"Ah, opo naubo lang..." hindi sya tuloy magkanda-ugaga kung anong uunahin, kung gagantihan nya ba ako o yung nag-me-mens nyang ilong.

"Naku ang po-pogi nyo talaga! Ay, alam nyo bang pinagpepyestahan kayo ng kadalagahan dito?! Baka meron kayong napupusuan sabihin nyo lang at agad namin kayong ikakasal!"

Nasinok ako.

"Ah, hehe. No comment po." di na mapakali si Al.

Tumalikod ako at hinayaan ko silang magbolahan. Nakita ko ang tinderang malaki na ang ngiti sakin bago ko pa man mapansin. Sinuyod ko ang mga isdang dehydrated. Nang sa wakas may nakita akong isdang nandidilat ang mata-- "Magkano po kilo nito?"

"120 po, isang daan nalang para sayo..."

"Sus ginoo! 180 kilo nyan!" sinakal siya nung ale.

Paborito 'to ni Ren e. Lalo kapag minarinate magdamag at kinabukasan pi-prituhin.

"Sige, isang kilo po."

Kumunot ang noo ko ng kumindat muna sya saka nagsimulang tumimbang ng isda habang hindi naaalis ang ngiting may kasamang kindat. Sa buong oras na nagtitimbang sya, nakasengkwenta ata syang kindat. Parang tanga e 'no.

"Ito po," inabot na ang plastic na agad ko namang kinuha. Lalo namang kumunot ang noo ko nang pasimple syang humaplos sa palad ko.

"Hoy, butchay kitang-kita ko kerengkeng mo! Wag mo namang ipahalatang nag-nanasa ka!" siniko siya ng aleng kausap ni Al.

Simangot na pinunas ko yung kamay ko sa katabing si Al.

"Aba't--" nakitang masama na ang timpla ko kaya hindi na nakahirit.

The Life of a Secret WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon