GENDER
Tumaas ang dalawa 'kong kilay. So many bashers. Mabuti pa dito sa isa 'kong account.
Peaceful.
I turn off my two cellphones. Inilagay sa bulsa ang huli at ang naunang ginamit kanina ay inilagay sa tagong bulsa sa loob ng bag saka nilagyan ng lock ang zipper.
Inilugay ko ang mahabang buhok na hanggang bewang at hinayaang magulo upang ipang-takip saaking mukha.
Sinuot ang hoodie, sinukbit ang bag at naglakad na papuntang classroom.
"Vena, pahiram ako cellphone mo. Pa-selfie ganda ng camera mo eh."
Sandali akong natigilan. Nag-isip ngunit sa huli ibinigay din ang cellphone mula sa bulsa.
Agad syang umiling ng makita ang inaabot ko.
"Hindi 'yan! Yung isa, yung iphone! Nakita ko kanina sa canteen inilabas mo. Dalawa cellphone mo? Iba talaga, richkid!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Hindi ako makapagsalita."Nilagay mo kanina sa loob ng bag mo! Nakita ko! Dali na, damot naman nito makikiselfie lang!"
Akmang hahablutin ang bag ko, agad kong iniwas.
"H-hindi saakin yun.." humigpit ang hawak ko saaking bag.
"Hindi ako naniniwala! Ayaw mo lang talagang magpahiram! Damot!" Umirap sya bago pumasok sa classroom.
Saka lamang ako nakahinga. Muntik na.
Nang makapasok sa classroom. May nagkukumpulan sa isang gilid na mga kaklase ko. Hindi pinansin, agad akong dumiretso sa upuan ko. Sa harap mismo dahil ang aplyedo ay pangalawa sa alphabet.
"Baka naman namisplace mo lang?"
"Ano 'bang unit? Ang burara mo naman kasi ka- bago bago winala mo agad!"
"Nasa bag ko nga lang yun! Hindi ko pa inilalabas! Iphone pa naman kabibili lang kahapon ni daddy."
"Naku hindi na ibabalik 'yan! Iphone yan eh!"
"Iphone? Si Vena nakita ko kanina sa canteen may hawak na bagong cellphone, iphone.." tumahimik ang paligid.
Kumuyom ang kamao ko.
Walang pang segundo, nasa harap ko na ang babaeng namumula ang mata.
Unti-unti akong nag angat ng tingin.
"Vena, pwede ko ba makita ang hawak mong cellphone kanina?"
"Bakit?"
"May titingnan lang."
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa.
"Hindi 'yan, android yan. Yung iphone kanina. Dalawa na cellphone mo diba?"
"Anong kulay ng iphone mo Vena? Iyo ba talaga yun? Magkano bili mo?!" Si Natasha, umiiyak nanaman dahil sa cellphone na nawala.
I knew it. Pinagbibintangan nila ako.
"Ako ang bumili kaya akin. Pinagbibintangan nyo ba ako?"
"Hindi naman gusto lang sana namin makita."
Tinitigan ko sila at ang iba kong mga kaklase na nakikiusyoso na sa nangyayare.
"Kulay puti iphone mo diba, nakita ko kanina sa canteen puti yun."
"Puti din ang akin!" Umiyak muli si Natasha.
Bumuntong hininga ako at inilabas ang susi ng padlock. Binuksan ko ang bag at kinuha ang cellphone. Pinakita ko sakanila.
Nagsinghapan ang lahat. Mas lalong umiyak si Natasha ng makita ang cellphone ko.
"Akin 'yan Vena eh! Yan yung cellphone ko na kabibili lang kahapon! Tingnan mo wala pang casing, kasi bagong bili pa lang!" Mas lumakas ang iyak nya. Humagulhol na.
Tangina naman.
Akmang kukunin nila ang cellphone ko na agad kong niyakap.
"Cellphone ko 'to, kung gusto nyo papakita ko ang resibo bukas na ako ang bumili." Kahit sa totoo lang natapon ko na ang resibo.
"Sabi mo kanina Vena, hindi sayo yung phone?"
Nagsinghapan ang paligid. Agad nagbulungan ang mga kaklase ko. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang nakikita ang mapanghusga nilang tingin.
"Vena, pwedeng patingin ng phone mo ulit? Buksan mo. Kung sayo 'yan may pictures at ibang app yan. Yung akin kasi twitter at yung app na pangbasa ng stories palang na-dodownload ko kasi kabibili lang. Titingnan ko lang loob ng phone mo."
Nanlamig ako sa narinig. Parehas kami. Yun lang din ang dinownload kong app. Ni wala akong picture dahil hindi naman ako mahilig sa ganun.
"Pinagbibintangan mo ba akong kumuha sa nawawala mong cellphone?"
"H-hindi naman Vena, i-checheck ko lang sana. Regalo kasi yun ng daddy ko Vena.."
"Bakit ba ayaw mong ipabukas! Kung totoong sayo yan hindi ka matatakot na ipabukas ang cellphone! Parang titingnan lang! Hindi kaba naaawa kay Natasha, kanina pa sya umiiyak!" Iritado narin ang kaibigan ni Natasha.
"This is my phone. Pinakita ko na sainyo. This is my private property kaya ako ang masusunod kung bubuksan ko o hindi."
"Titingnan nga lang namin! Sa ginagawa mo mas lalong kaming nagdududa. Kung talagang sayo 'yan, hindi ka kakabahan na ipahawak at ipatingin saamin yan!"
"Namumutla kana Vena, siguro talagang hindi yan sayong cellphone!"
Fuck! Bakit ba ito ang napili kong unit parehas ng kay Natasha?
Kung ako lang naman ipapabukas ko sakanila. Kaso alam kong bubuksan nila yung dalawang app ko at sa oras na mabuksan nila mabubuko ang sekreto ko. Hindi nila pwedeng makita.
"Ipapakita ko ang resibo sainyo bukas. Hindi na kailangang buksan ang cellphone ko." Tiningnan ko si Natasha. "Baka namis-place mo lang cellphone mo. Wag mo akong pagbintangan na kumuha ng cellphone mo dahil may pambili akong akin."
"Akin na 'yan!"
Hindi ako nakabawi ng hablutin bigla ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
The Life of a Secret Writer
HumorOnce upon a time there's a secret Author and a Reader. He just want to meet the person behind the famous book. The author refuses. Out of curiosity, he stalks her. Later on he realize.. "So, this is your main reason of hiding for years.." "Now that...