CLUE 21

58 2 0
                                    

KALATRen

Maze, south part.
3AM. Meet me.

That's what I wrote at the paper in morse code. Hopefully hindi nya nilantakan ang itlog at nabasa yung sulat ko.

We can only meet at those time because that's the only time na wala ako sa paningin ni Ten. Makakalabas ako. Siguro tatalon nalang ako sa balcony mamaya.

Iniisip ko yung bagong tahi ko.. baka bumuka mamaya kapag tinalon ko yung balcony. Ayoko namang makipagkita na parang sasabak sa horror movie. Baka imbes na makipagtulungan sakin e natakot.

Shit. Kailangan kong mag isip ng ibang strategy. Hindi ako pwede dumaan sa frontdoor. That's fucking heavily guarded.

That nurse, his presence... his voice. The way he talks to me in a soothing way. I have an idea who he might be but I don't want to keep my hopes high.. but deep inside I'm hoping that it's him.

Please, let it be him...

It's now 2:40am. I checked my door. Nilapit ko yung tenga ko sa pinto at pilit na pinapakinggan. Tahimik. I bet Ten's in dreamland right now.

Dali-dali akong bumalik sa kama at kinuha sa ilalim yung pinagtagping kumot, bedsheets at punda. I even used my own t-shirts and pants para lang maidugtong.

Wag lang sanang maputol 'to mamaya kapag pababa na ako.

Tinapon ko mula sa balcony at dali-daling sumampa para bumaba. Ngumiwi ako ng maramdaman ko ang tahi sa braso at tagiliran ko. Mukhang bubuka ata talaga!

Within just a minute nakababa na ako. Dali kong kinuha yung buho na pasimple kong tinago kaninang umaga sa likod ng puno malapit sa kwarto ko. Sinungkit ko yung bedsheets para bumalik sa loob at para walang ebidensyang maiiwan habang wala ako. Mabubulyaso ang plano kapag nakita nilang may nakalambitin na gan'to sa kwarto ko.

"Gago, sakit ng tahi ko ampu-" pinigil ko ang mura at sinarili nalang.

Tinakbo ko ang distansya ng lugar kung saan ko sya tatagpuin.

Parang makikipagtanan lang ako ah.

Ilang minutong lakad at takbo at todo ingat na pag iwas sa lahat ng mga bantay ay nakarating ako sa lugar ng walang aberya.

Madilim nang nakarating ako dahil napapaligiran ng puno pero hindi hadlang para hindi ko makita ang nakaputing lalaking nakatayo mula sa malayo. Kung hindi ko lang 'to katatagpuin mapapagkamalan kong multo! Puti ba naman ang suot mula taas hanggang talampakan!

Habang papalapit ako kumunot ang noo ko nang may mapansin.

"Hi," bati nya.

Confirm.

"Hindi ikaw."

Bakit iba ang nandito? Nasan siya?

Ngumisi siya nang makitang napansin ko agad kahit papalapit palang ako. Hindi sya yung nurse na binigyan ko ng itlog.

"You noticed that fast huh." tumawa sya.

"Asan siya? Bakit ikaw ang nandito?" luminga-linga ako sa paligid nagbabakasakali na nagtatago lang sya sa gigilid.

"Naipit siya sa shift at bantay sarado ng doctors. Hindi makatakas kaya ako ang nandito. Aren't you happy to see me?"

Umirap ako. "Tang ina mo Al."

Mas lumakas ang tawa niya. "Namiss ka namin Ren at 'yang pagmumura mo!"

I can't help but to smile too. It's like meeting your old friend that you didn't saw for years. Sila lang naman yung maituturing ko na kaibigan kahit na saglit na panahon lang kami nagkakilala.

The Life of a Secret WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon