CLUE 19

47 2 0
                                    

EGG

Ren

I woke up early in the morning feeling sick. Sana hindi nalang ako nagising. Sobrang sakit ng katawan ko.

Kaunting hawak ay parang may nabali pa ata na buto.

Bakit buhay pa ako?

Inikot ko ang paningin sa buong kwarto. Puro puti. Nasa hospital ako.

I was startled when someone barged in. Malakas na bumukas ang pinto. Dalawang sunod na putok ng baril dahilan para mabasag ang dalawang lampshades sa tabi ko.

"Wake up!"

Hindi na ako nagulat ng makitang galit na nakatingin sakin si Ryleigh mula sa pinto. Umagang-umaga at ako na naman ang trip nyang pagtripan.

"I'm gonna shoot you again kapag hindi ka pa tumayo dyan ! You need to train harder today! The clock is ticking!"

Tumingin ako sa benda sa kanang braso at kinapa ang benda na nasa ulo.

Ha. Talagang gusto ata nila ako patayin. Baldado na ako pero itutuloy pa din yung training?!

"Pwede 'bang magpahinga na muna ako.. hindi pa naghihilom sugat-"

"Those will heal! Wag mong baby-hin injuries mo! Marami ka pang gagawin! Wag kang mag-inarte!"

"Good morning- huh?!" Nagtatakang pumasok ng loob ng kwarto ko si Ten. Nataranta sya at agad kinuha yung baril ni Ryleigh.

Napailing ako.

Parang nangyare na 'to ah.

"Ano ba?! Lagi nalang ba akong aatakehin sa puso tuwing pupunta 'kay Nervena! Wag mo nga lagi tutukan ng baril! At saan mo ba 'to nakukuha? Tinago ko na lahat ng mga baril ah!"

Umirap lang si Ryleigh sakanya at nag walk out.

"Ay! Oh! Kayong magpi-pinsan lahat ma-attitude!"

Hindi ko sya pinansin, nilagpasan ko lang si Ten.

"Tingnan mo! Magpi-pinsan nga kayo!"

Thruought the weeks wala akong ibang ginawa kundi ang gumising sa putok ng baril sa umaga at ang naghihikaos at halos himataying si Ten tuwing naabutan akong tinututukan ng baril ng pinsan.

Nasanay na ako. Naging alarm clock ko na yung baril tuwing umaga.

Kahit puro sugat, bali ang buto at kung ano-anong injuries ang natatamo ko sa trainings hindi nila hinihinto. Tuloy-tuloy. Kaya bawat sugat ko kahit hindi pa naghihilom halos nadadagdagan pa araw-araw.

"Kagatin mo 'to medyo masakit 'yan. Utos ni Rush na wag kang paturukan ng anesthesia habang tinatahi sugat mo e!"

Miserable. Yun ang made-describe ko sa buhay ko dito. Parang mas naiinis pa ako tuwing umaga kapag nagigising ako.

Ito na ba yun? Araw-araw nalang ba ako hahabulin ng bala ng baril? Panibagong araw panibagong katarantaduhan?

"Tang ina dahan-dahan naman!"

Gago 'to ah! Ang bigat ng kamay! Hindi pa dinahan-dahan ang pag alis ng bubog sa braso ko!

"Ano ba ayusin mo nga! Dahan-dahan daw!" Segundo ni Ten. Hinampas niya pa yung nurse kaya ang nangyare mas nagalaw yung sugat ko!

Ngumiwi ako sa nag-daang sakit. Pucha sa sobrang sakit pati ulo ko magka-kamigraine pa ata!

"Labas muna, patient lang maiiwan sa loob."

May pumasok na matangkad na lalaki. His wearing his hospital gown with hairnet and face mask. Sa pagpasok niya palang ramdam ko na bumigat ang paligid. O pakiramdam ko lang yun?

The Life of a Secret WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon