BOSS
Coco
"Kuya, may charger ka po?"
"Bakit?"
"Kakainin ko kuya, gutom na kasi ako." tiningnan ako nung tanod na parang tinubuan ako ng tatlong ulo.
"Kuya, nagtatanong ako tapos sagot mo sakin tanong din." napakamot ako ng ulo ko.
Wala akong kuto ha, balakubak ata meron.
jowk.
Tinitigan lang ako nung masungit na tanod na kalbo tapos umalis din sa harap ko. Nilagpasan lang ako?!
Luh?!
Bakit ang sungit ng mga tao dito?!
Makikicharge lang eh,
"Kuya, may bayad ba makicharge? saglit lang naman twenty percent nalang po kasi ako."
Lumapit ako dun sa nagkakapeng tanod habang nanunuod ng tv, "kuya, yun oh, may saksakan pa. Makikisaksak ako."
"Sige toy, saksak mo lang." humigop ulit sya ng barako habang hindi nakatingin sakin.
"Saka, pahiram naman ng charger mo. Ang tagal ko na dito kanina pa ako nagchachat sa kasama ko hindi talaga sya nagrereply,"
"oh, kaya nga hindi ka uuwi hanggat hindi nagrereply 'yang kaibigan mo kuno," inirapan nya ako!
"Luh, sungit." inismidan ko yung tanod na masungit.
"Sinabi ko na nga kuya tanod hindi sya magrereply kasi tulog sya sa loob ng bahay nila, gigisingin ko palang."
"Bobo ka ba?! nakalock gate ng bahay tapos nasa loob yung may-ari?!"
"Kanina ko pa po sinasabi sayo kuya, na-lockan sya sa loob! Bakit ba ayaw n'yo maniwala sakin?"
"Kilala na kita toy, hindi mo ako maloloko matagal kanang pabalik-balik sa barangay na to, nung una hinahayaan lang namin kasi baka kakilala mo yung babaeng lagi mong sinusundan pero mali na 'to na sinubukan mong pasukin yung bahay nya-"
"HINDI NGA PO AKO MAGNANAKAW!"
I clicked my tounge, "stalker ako pero hindi ako magnanakaw,"
"Attempted."
"Huh?" naguluhan ako bigla kasi nag-english kasi sya bigla.
saglit syang nag-isip. "yung nag attemp magnakaw, basta yun."
"Teka nga kuya, se-search ko sa google kung anong meaning."
Kinuha ko yung cellphone ko, "Kuya pahiram ako nitong charger mo ha, hindi ko masearch kasi hindi to gumagana cellphone ko kapag palowbat na."
"Okay, sige i-charge mo na, nasa dulo na ng dila ko eh, hindi ko masabi." tumingin pa sya sa kisame, kunwari nag-iisip.
Kala mo naman may isip.
"Okay, kuya saglit." Napakamot ako sa ulo ng may maalala.
"Kuya, anong password ng wifi n'yo?"
"Hindi ko alam,"
"Luh, damot mo naman kuya."
"Sinabi ko na password toy, bilisan mo i-connect mo na."
"Kelan mo sinabi kuya? Ikaw na nga magtype dito. Hirap mo kausap,"
"Alam mo toy, gwapo ka lang pero bingi ka," inis na lumapit sakin yung tanod at pabalikwas na hinatak yung cellphone ko. Nanlaki pa mata ko kasi nakaconnect pa sa saksakan, hinatak nya nalang bigla!
BINABASA MO ANG
The Life of a Secret Writer
HumorOnce upon a time there's a secret Author and a Reader. He just want to meet the person behind the famous book. The author refuses. Out of curiosity, he stalks her. Later on he realize.. "So, this is your main reason of hiding for years.." "Now that...