Part 56

246 8 12
                                    






I acted like nothing happened when I got home. I ate my dinner together with Dora and Aling Diday then I went to sleep.

Ramdam kong gustong-gusto ni Dora na magtanong ngunit pinipigilan nito ang sarili. Mukhang na brief na siya bago pa ako dumating.

Bandang alas nuwebe na ng gabi ng dumating si Kuya Drae at Luke na dumiritso kaagad sa kwarto ko. Mabuti nalang at magaling ako sa pagpapanggap na tulog.

"Did she eat?" narinig kong tanong ni kuya Drae kay Dora sa labas ng aking kwarto.

Kaagad din silang lumabas ni Luke ng makitang tulog ako.

"Opo, kumain po siya."

"How was she?" si Luke.

"Okay lang naman po siya. Pero basang-basa siya sa ulan ng dumating."

Parehong nagpakawala ng mahihinang mura ang dalawa kong kapatid bago tuluyang umalis sa labas ng kwarto ko.

Pumasok din sina Lala at Diego sa kwarto ko pagkauwi nila mga bandang madaling-araw. Diego kept on apologizing habang sinusuklay ng marahan ng kamay niya ang buhok ko.

"I'm so sorry princess if I failed to protect you again and again."

I couldn't feel anything. Kahit ilang beses pa sigurong humingi ng tawad si Diego ay hindi ko na maramdaman ang senseridad niya.

Kinaumagahan, I continued my daily routine. I greeted them casually pagkadating ko sa hapagkainan during breakfast.

"How are you brat?" si kuya Luke na pinaghila agad ako ng upuan.

"Normal, I guess."

Ang bilis kong nakatanggap ng pitik sa noo.

"What the heck, Luke!" sigaw ko. Ang sakit kaya.

Ngumisi naman siya. "Now it feels like the normal you."

Ang lakas ng tawa ni Kuya Drae.

"Stop you two. Let's eat." utos ni Diego.

Like how I acted, everyone at home did not brought up anything related to what happened yesterday.

No one dares to open the television and watch local o national news. It's like an unspoken rule sa bahay sa mga panahong ganito. My phone is also turned off since yesterday pa.

So far, my day goes smoothly. After breakfast ay inaliw ko ang sarili sa panonood ng Netflix sa living room habang walang tigil akong ginugulo nila kuya Drae at Luke.

"Go away, Luke!" sigaw ko ng ilang beses niyang tinangkang icancel ang pinapanood kong series habang nilaro-laro ang remote. Very grown-up act. Tssk.

It's Sunday at himalang nasa bahay silang lahat. Even Luke and Kuya Drae na di napipirmi ng bahay kapag nandito sa Cebu ay di umalis.

"Aren't you going to go out and meet your girls?" di nakatiis kong tanong sa dalawa.

Pareho lang silang nagkibit-balikat.

It was after lunch ng biglang nag-iba ang atmospera sa loob ng bahay. May dumating na taong di ko kilala at kinausap ni Diego ng masinsinan sa library niya. Pagkaalis ng lalaki ay pinatawag kaagad silang dalawa ni Kuya Drae at Luke. Lala is already in the library. General meeting eh?

Wala pang limang minuto mula ng iwan ako ng dalawa sa living room ay nakarinig ako ng kalabog sa loob ng library ni Diego na tila may sinuntok na matigas na bagay at ang malalakas na mura.

Kinakabahan na napatayo ako.

Mukhang umabot din sa kusina ang ingay mula sa library ni Diego dahil napalabas din sila aling Diday at Dora.

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon