Part 25

351 11 0
                                    

Playboy + Manhater = Warning




Lunes ng umaga.

As usual nagkakagulo na naman ang mga Celestians sa kung anu-ano.

Hindi ako nagtagal sa locker dahil sa sobrang ingay ngunit pagdating ng classroom ay ingay din sa walang tigil na tsismisan ang naabutan ko.

Humihikab na nagsuot ako ng earphones. Nah, bahala silang mag-ingay wapakels ako.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang biglaang pagkatahimik ng lahat.

Automatic akong napairap ng mapagtanto kung sino ang mga dumating.

I realized now na hindi lang pala pagdaan ng isang anghel ang dahilan ng miminsang pagkatahimik ng lahat, minsan mga devil din.

Halos hindi magkaundagaga ang mga kaklase ko sa kakatitig sa dumating.

Fine. I wouldn’t deny the fact na malalakas nga ang karisma ng lima.

They are all intimidating and captivating at the same time. That’s why most of the time ay nakukuha nila ang atensiyon ng lahat.

But duhh, aanhin naman iyung mga hitsura nila eh ang lalangsa naman ng ugali.

Mas nilakasan ko pa ang volume ng pinapakinggang tugtog sa cellphone.

Unang pumasok ang may blonde na buhok na madalas tinatawag na Carl, kasunod nito ang dalawang magkaakbay na may maraming hikaw sa teynga habang ang isa ay may malalim na biloy sa pisngi.

I can't help but to roll my eyes. Puro pasikat lang talaga ang alam nila.

- photo of Carl

Sumunod naman sa pagpasok ang tila dinatnan ng dalaw sa sobrang pagkaseryoso ng mukha. Nakasabit sa isang balikat nito ang isang strap ng Jansport na backpack at tulad ko ay nakasuot din ito ng earphones.

I guess sa lima ay siya ang hindi masyadong mahilig sa atensiyon ng iba.

Huling pumasok ang manyakis na playboy. May hawak-hawak ang kamay nito na bottled water at isang pineapple juice in can habang ang kabilang kamay nito ay may nakalingkis na braso ng babae.

Hindi ko mapigilang mapailing-iling. Kawawang Cheska. Nagpapakatanga na nga sa isa pang playboy na walang kwenta.

At nang magsalubong ang mga titig namin ng manyakis na playboy ay hindi ko mapigilang mapangiwi.

Naalala ko ang pagdala niya kay Cheska sa motel, ang pakikipagmake-out niya sa isa ding slut sa club, ang pakipaglandian niya sa crew ng isang fast food.

Darn, he’s nothing but the grossest human being!

Sinuklian lang ako ng gago ng walang emosyon niyang tingin.

Himala, wala siya sa mood kahit may nakalingkis na babae.

Hindi ko tuloy napigilang mapairap sa kawalan bago muling binalik ang atensiyon sa librong binabasa.

Ngunit hindi pa man ako makabasa ng isang linya mula sa librong kaharap ay narinig ko na ang pagbagsak ng tila lata sa aking mesa.

Automatic akong nagtaas ng tingin at agad sumalubong sa akin ang playboy at hawak-hawak nitong pine apple juice in can na nagyeyelo pa sa lamig.

Agad ko siyang tinaasan ng kilay sabay palipat-lipat tingin sa kanya at sa pineapple juice na nasa lata.

Ngunit ang gago at sinagot lang din ako ng pagtaas ng kilay.

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon