Part 27

302 12 0
                                    

Playboy + Manhater = Surprise




"Maam ganda, gising na po. Late na kayo sa klase," anang nakakabanas na tinig umagang-umaga.

Bahagya akong gumalaw ngunit hindi man lang nag-abalang buksan ang mga mata. Alam kong magtatanghali na dahil nagtalsikan na ang sinag ng araw sa loob ng aking kwarto pero ni kaunti ay hindi man lang ako nakaramdam ng pagkabahala.

"Naku maam, sobrang late na talaga kayo kaya gising na," pagpapatuloy ng tila wang-wang sa ingay na boses ni Dora.

Kinusot-kusot ko ng mahina ang mga mata at inabot ang niyayakap na unan ng isang kamay at nilagay iyun sa teynga.

Nakakasira ng eardrums ang tinig ni Dora umagang-umaga.

"Hala maam uy, segi na po bumangon ka na at baka mapagalitan ka na nang teacher niyo,"

Kahit nakapikit pa ang mga mata ay hindi ko mapigilang mapairap habang nakadapa ang mukha sa malambot kong unan. As if naman may guro pa'ng magagalit sa akin ngayon. Tssk.

"Nasaan na si Lala?" wala sa loob kong tanong habang nakapikit pa rin ang mga mata.

Noong Sabado ko pa hinintay ang agarang pagdating ni Lala matapos ang ginawa kong panibagong kalokohan sa Celestian High.

"Tumawag siya kanina at tsinek lang kung may kulang ba sa supply natin dito," ani Dora na sobrang nagpataas sa isa kong kilay.

"What?! Lala aren't here yet?" napabalikwas na ako ng bangon.

Lunes na at walang Lala na nandito? Imposible.

Kaagad namang sumalubong sa akin ang nakakunot na noo ni Dora.

"Bakit naman maam ganda? Sa katapusan pa ang schedule ng pagbisita dito ni Miss Lala ah,"

Tiningnan ko lang ng masama si Dora at padaskol na tumayo at kaagad na hinagilap ang cellphone.

Hindi maipinta ang mukha ko habang pinapakinggan ang pagring ng nasa kabilang linya.

Bakit walang Lala na nagkandarapa ngayon dito para hanapan ako ng panibagong eskwelahan?

"Hello Alecxis, napatawag ka? May nangyari ba? Are you in school right now?" sunod-sunod agad na tanong ng nasa kabilang linya na kaagad nagpalukot sa aking mukha.

Hindi ba talaga siya na-informed o nagdrama-dramahan lang ang katiwala ni Diego?

"Why aren't you here, Lala?" tagis ang panga kong sabi.

Ini-expect ko pa naman na ngayon ang walang tigil na sermon ni Lala. And I'm also expecting na may hinanda na siyang panibago kong eskwelahan.

"Huh, bakit naman? May meeting ba sa school niyo? Wala akong natanggap na notice ah,"

Tuluyan na talagang nag-abot ang dalawa kong kilay.

What's happening?

Bakit tila may pakiramdam akong may ibang nangyayari sa aking paligid?

"Alecxis, are you still listening?" untag sa akin ni Lala.

Hindi ko namalayang natahimik na pala ako.

"Damn Lala, you need to find me a new school," kamot-kamot ang ulo kong sabi.

"Don't tell me you did something again to your new school Alecxis. You don't, right?"

Mas humigpit ang pagkahawak ko sa aking mga kamay.

"You don't know? Walang tumawag sa iyo na staff ng Celestian High?"

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon