Part 31

321 10 0
                                    

Playboy + Man-hater = Secrets unvield

"What the hell, Lala?"

Iyun kaagad ang sinalubong ko pagkadating ng bahay at naabutan si Lala na kakarating lang din mula airport.

Kung makabiyahe talaga ito ng Cebu ay tila nasa sunod na eskinita lang ang Maynila.

I wonder nga minsan kung di ba to tinatablan ng hilo sa kakaparoot-parito sa Maynila at Cebu. Napakaulirang empleyado ni Diego eh.

"Stopp cussing Alecx, dumadalas na iyan," tinaliman na niya ako ng tingin.

Kaagad naman akong natahimik habang hindi pa rin madrawing ang mukha habang tinitingnan kung ano ang nakalapag sa aking kama na dala ni Lala.

"Ang ganda-ganda kaya maam ganda," sabat naman ng kamukha ni Dora the explorer na halos hindi magkamayaw.

Nagmukha akong tanga kanina doon sa classroom pero si Lala pala ay gumagawa na ng disisyon ng hindi ko man lang nalalaman.

Kung hindi dahil sa dala niya ngayon ay hindi ko malamang she already confirms my attendance sa upcoming senior's ball ng Celestian High.

"I-try mo na maam ganda panigurado akong sobrang bagay nito sa iyo," dagdag ni Dora na kaagad ko itong binigyan ng masamang tingin.

At kapagkuway hinarap ko ang may dala nun.

"Lala naman eh, ayoko ngang pumunta sa senior ball na iyun,"

At anong inis ko ng makitang pinaningkinitan lang ako ng mata ni Lala.

"Give me a valid reason then, why you don't want to go?"

"Because I simply don't want to," mabilis kong sagot.

"Ayaw mong gumradweyt?"

Kaagad akong napairap.

"Para namang bata ako kung maniwala ako roon,"

"Hindi iyun siguro applied na pananakot sa mga estudiyanteng matinong nag-aral pero sa iba na transferee na nga pero agarang napatawan ng suspension, I guess not,"

Ang sama ng tingin ko kay Lala sa sinabi niya. Minsan talaga ay may pagkamaldita din 'tong chief of staff ni Diego na minsan ay pinangarap kong sanay tinanggal na ito sa trabaho.

"I try mo muna kaya Alecx, Francis Libiran wants to see you fitting it para sa huling adjustments,"

Sandaling napataas ang isa kong kilay pagkabanggit niya ng pangalan ng designer. At pagkalingon ko nga kay Lala ay pinakita na niya sa akin ang hawak na cellphone.

"Hello pretty young lady," anang tao sa video na nasa cellphone.

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Kanina pa ba siya roon sa Facetime? And am I really talking to Francis Libiran?

Well, I woudn't think its impossible knowing Diego's connection.

"Dayne Alecxis right?" anito.

Wala sa loob na napatango-tango lang ako na ikinangiti nito.

"You're so pretty, Dayne Alecxis,"

Bahagya akong namula kahit alam kong bula lang iyun.

"You're so pretty that I'm afraid the dress I made may look so simple in you,"

Hindi ako sumagot.

Darn, wala akong balak na dumalo sa pa-ball ng Celestian High my God!

"Can you fit your gown, I want to see it in you,"

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon