Part 53

947 27 20
                                    

Part 53

Playboy + Man-hater = F.O as in Friendship Over

Habang lulan ng taxi ay pilit kong kinakalma ang sarili. Ayokong magmukhang basang itik pagdating ng bahay. Knowing Dora, I know she'll dig more about what happened kung di ko aayusin ang sarili.

Inignora ko naman ang mga tawag ni Keith. I send him a text though assuring him i'm fine and at the same time apologizing for my sudden disappearance na walang paalam.

Tadtad din ako ng text messages ni Carrie ngunit di ko inabalang buksan.

Eksatong alas-siyete na ng gabi ng makarating ako ng bahay. And as expected ay nakaabang nga sa pagdating ko sina Dora, Manong Austing at aling Diday.

Napabuntung-hinga lang ako. I am silently hoping na di mahahalata ng maliwanag na ilaw sa salas ang pamumula ng mga mata ko mula sa pag-iyak kanina.

"Bakit ka nagtaxi maam ganda? Saan na si Kessler Vinn? Akala ko ba ihahatid ka niya pauwi? Iyun ang sabi ni Manong ah." magkasunod-sunod na tanong kaagad ng Dora.

"Sana tinawagan mo ako Alecx, nasundo sana kita. Hinayaan kitang magpagabi sa labas kasi akala ko siya ang kasama mo." dagdag naman ni Manong Austing.

"Nag-away na naman ba kayo?" sabat din ni Aling Diday.

Kaagad namang umismid si Dora.

"Panigurado iyan Aling Diday, di iyan matatapos ang araw sa kanilang dalawa nang di sila nag-aaway."

Napailing-iling lang ang kusinera.

"Pero sana di niya hinayaan si Alecx na magtaxi mag-isa lalo't gabi na." si Manong Austing.

Muli akong napabuntung-hinga. "Okay lang naman po ako Manong. I got home safely naman." wala sa loob kong sagot at kaagad tinungo ang hagdanan.

"Saan ka pupunta maam ganda?"
Pagod na nilingon ko lang si Dora.

"Magdi-dinner ka pa ah."

Mabilis akong umiling-iling. "Tapos na ako Dora. Kayo, kumain na kayo." matamlay kong sabi habang diri-diritso lang sa pag-akyat ngunit kaagad din akong napaurong ng muli itong magsalita.

"Kaninong damit iyang sinuot mo maam ganda? Panglalaki iyan ah!"

Sandali namang nanlaki ang mga mata ko. Noon ko lang naalala na suot-suot ko pa pala ang Baseball uniform ni Timothy at dahil sa pagmamadaling makaalis ay nakalimutan ko nang magpalit ng damit.

"Ahh ito?" sabay kong tingin sa suot at kapagkuway nag-isip ng mairason. "Ahm nabasa ng ininum kong juice kanina ang uniform ko kaya hiniram ko to. Pakilabhan to bukas Dora, isusuli ko to agad."

Tiningnan lang ako ni Dora  ng nagdududang tingin halatang di benta sa kanya ang naisip kong rason.

"Kanino mo hiniram maam ganda? Hindi naman nagbi-baseball si Kessler Vinn."

Hindi ko napigilang mapatiim-bagang sa huling narinig. I am already damn fed up with everything that happened today and here's Dora pushing my patience to the limit.

And as much as I want to scream at her that the last thing I wanna hear right now is the asshole's name ay nagpipigil pa din ako. Ayokong sumabog sa harap nila.

"Bakit, sa kanya lang ba ako puwedeng humiram ng damit Dora?" sarkastiko kong balik dito.

"Nagtatanong lang naman maam ganda kasi si Kessler--"

"And can you please stop mentioning his name? Nakakairita!" There! Talagang di ko na napigilan ang pagtaas ng boses at kaagad binirahan ko na ng talikod.

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon