Part 29

300 11 0
                                    

Playboy + Manhater = Maling akala




Although I was embarassed to the whole Celestians the other day ngunit nagawa ko pa ding pumasok kinabukasan.

Duhh, I wouldn't let them know I am affected.

Sobrang gaan sa pakiramdam na pumapasok akong isang notebook nalang laman ng bag ko. Wala na ang sangkatutak na libro na miminsan lang nabubuksan at notebooks na hindi ko naman sinusulatan.

Blessing in desguise na din ang pagtapon ng gagong playboy sa gamit ko. I realized na wala naman palang halaga iyun para dala-dalahin ko araw-araw na halos magkandakuba pa ako. Tssk.

Lala has no idea at all sa mga nangyayari sa akin sa Celestian High. Panigurado, ako din naman ang sisihin niya pag nalaman niya eh kaya mas mabuti ng wala siyang alam.

Pagkadating ko ng Celestian High ay bandang alas siyete na ng umaga. Not the usual me paano ba naman si Lala kasi, ang tagal akong hinatid. Buong akala ko pa naman ay babalik na siya ng Manila pero hayun at hatid-sundo ako takot sigurong magka-cut ako ng klase. Hmp.

Pagkapasok ko pa lang sa golden gate ng Celestian High ay pinagtitinginan na ako ng mga estudiyante.

Iyung paraan ng tingin na nangungutya, nang-aasar.

Ay iba din sila, tagal makapag move on.

May iba pang di mapigilang tumawa habang sinisenyas ng mga kamay ang hugis panty.

Gustuhin ko mang isa-isa silang kutusan sa singit ay mas pinili ko nalang na magtaas ng noo na tila walang nangyari kahapon at sinabayan pa ng plastic na ngiti.

The best way to get back to your enemies is to fuel thier annoyance. Duhh, mamatay sila sa ngitngit.

Pero sa isip ko ay kinakatay ko na silang lahat habang iniisip na mga multo at aswang ang mga ignoranting nangungutya sa akin.

Walang tigil naman sa pagtagis ang aking mga bagang habang tinatahak ko ang hagdanan patungo sa classroom.

Pinilit kong huwag pansinin ang mga pang-aasar ng mga estudiyanteng nakakasalubong ko.

Nasa pathway na ako patungong high school building ng makita kong makakasalubong ko si Carri na hinuha ko'y doon nangaling.

Automatic na napataas ang isa kong kilay kasabay ng mahina kong pagtiim-bagang.

Eh di siya na! Siya nang magaling at kung makalabas-pasok sa Celestian High ay daig lang ang kusina nila sa bahay.

Ano ba naman daw ang anak ng main stakeholder ng eskewelahang ito.

I couldn't help but to smirk sa kaalamang iyun. Nitong nakaraang araw ko lang di nalaman buhat ng mabasa ko ang school history ng Celestian High. Isa ang mga Sebastian sa may pinakamalaking shares sa eskwelahang iyun but the 80 percent still goes to the Celestians.

Nakasuot na ito ng school uniform ng St. Anne kaya panigurado akong nagdrop off lang ito roon para makitsismis.

Muli akong napatiim-bagang.

For sure kumukuha lang ito roon ng dagdag detalye sa nangyari sa akin noong nakaraan para gawing laman ng tsismisan doon sa St. Anne Academy..

Automatic akong napakagat labi. Mukhang may magdidiwang naman ngayon sa St. Anne.

Aakma na sana akong lilihis ng dadaanan ng marinig kong tinawag ako ni Carrie.

"Alecxis,"

Hindi ko mapigilang magbuga ng malalim na buntung-hininga at kapagkuway kunot ang noong nilingon ko siya.

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon