Part 57

359 17 23
                                    

Playboy + Manhater = Unfriend







"K--Kasal?" ulit ko sa sinabi ni Dora ng tuluyan na akong makabawi.

"Ako, i--ikakasal?" I can't help but laugh this time. What a big joke. I think this is the funniest joke I've ever heard all my life.

Potchang Dora kasi, kung anu-ano nalang talaga nai-imagine siguro nito kaya kung anu-ano nalang din ang nadidinig.

"Pero maam ganda, narinig ko talaga..."

Napailing-iling lang ako. Ito na ang epekto ng pagkatsismosa niya at palaging pagbabasa ng mga romance pocketbooks. Ito iyung dalawang hobbies na di maganda ang resulta kapag pinagsama. "You know Dora, you should really stop reading pocketbooks dahil kung anu-ano na tuloy ini-imagine mo. At iyang pagkatsismosa mo tigilan mo na din."

"Pero maam ganda--"

Pinanliitan ko siya ng mga mata at kapagkuway pinutol ulit. "Let's go, lagot ka talaga kapag mahuli kang nakikinig dito sa labas." At akmang hihilahin ko na sana siya palayo sa pintuan ng library ni Diego ng siya ding pagtaas ng tinig ng nasa loob na agad kong nakilala na si Kuya Drae.

"What the hell dad! You announced Alecx's engagement on national television when you haven't even tell her yet?!"

Bahagya akong napaatras sa narinig. Tulala at nanlamig.

Ano daw?

Ako?

Engagement?

"And I thought it was already agreed of both you and tita Lalaine that you'll only arranged Alecx into marriage once she graduated college? Bakit biglang nagbago?"

Sa sobra kong panghihina ay di ko namalayang nabitawan ko na si Dora mula sa pagkakahila. What the hell am I hearing?!

"The brat will surely go ballistic once she finds this out." sabat ng tinig ng nakilala kong si Luke.

No! No! I heard it wrong. Yes, it happens at times. Mishearing things are normal.

Right. I convinced myself.

"This is for her own good." Narinig ko ang boses ni Diego.

"Dad!" magkapanabay pa na saad ng dalawa kong kapatid.

"My decision is final. She'll get married as soon as possible.

Kulang nalang ay sumalampak ako sa sahig sa sobrang panghihina. Mabuti nalang at maagap si Dora at agad niya akong hinawakan.

Gising naman ako diba?

Para makasiguro ay pilit kong pinagkukurot ang sarili. And to my dismay I can feel the pain. I am awake. This is not a dream.

Wait, is this a prank?

Am I being pranked like what those vloggers do for their contents? Napalinga-linga ako but there are no signs that I am being pranked. Yeah, I remember my family isn't fan of jokes how much more with pranks.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Dora ngunit kaagad din akong kumawala. I need to clarify this myself.

At sa pamamagitan ng nanginginig na mga kamay ay kusa kong pinihit ang seradura ng pinto ng library ni Diego.

I saw how their heads turned into me. Eyes wide in seconds but returned to normal immediately like they anticipate my presence anyway.

"W--Who's getting married?" pilit kong pinapalakas ang boses habang nagtatanong.

I know, I just misheard things a while ago.

"Alecx."

"Brat."

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon