Part 6

432 14 0
                                    

Playboy + Manhater = Aso't-pusa



"Alecxis, bumangon ka na."

Sandali kong minulat ang mga mata ng marinig ang pamilyar na boses ngunit sa sobrang antok ay napapikit akong muli.

There's no way she can be here.

"Alecxis!" tumaas na ang boses.

Automatic akong napabangon.

"Pashnea!" mura ko ng makita kung sino ang gumigising sa akin.

Ang sama ng tingin sa akin ng babae. Pashnea talaga, buong akala ko ay nanaginip lang ako ng boses niya but damn it, she's really here!

"Get up now Alecxis! You need to prepare for school," anito sa kalmado ngunit nagpipigil na tinig.

Ngayong tuluyan ko nang napagtanto na hindi nga ako nanaginip ay talagang nasa harapan ko nga si Lala ay tila gusto kong pagsisihan kong bakit nagising pa ako. Tssk.

"Alecxis!" muli na namang tumaas ang boses ng staff ni Diego ng hindi pa rin ako tuminag sa hinihigaan.

I've been absent in school for three days straight matapos ang unang araw ko doon at wala pa rin akong balak na bumalik roon. Duhh.

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kumot.

"When did you come, Lala?"

Tinaliman lang niya ako ng tingin.

"I just arrived from the airport Alecxis, so get up now and i'll send you in Celestian High."

Nanlaki ang mga mata ko. Para lang talagang Quezon City to Makati kung ituring nito ang Cebu at Maynila. Tssk.

"What the f*ck, Lala!" sigaw ko ng tangkain nitong tanggalin ang nakabalot sa aking kumot.

"Stop cussing young lady!" galit na ngayon ang boses ni Lala.

"Why are you here?"

"Because you didn't show up to school for three days, dear. Do you think palalagpasin 'to ng daddy mo?"

Kaagad akong napatiim ng bagang. Pashnea, umagang-umaga ay sira na ang araw ko.

Sa sobrang inis ay bumalik ako sa pagkakahiga at kaagad nagtalukbong ng kumot. Dinig na dinig ko naman ang pagbuntunghininga ni Lala.

"Alecxis, please get up now. Mali-late ka na sa klase mo."

Kaagad akong napangiwi sa ilalim ng kumot. Alam kong di talaga susuko si Lala kaya nga paborito 'to ni Diego na siyang magmando sa akin eh.

"I'm sick Lala." at sinabayan ko pa ng pilit na ubo para mapaniwala ito.

     At sa gulat ko nang bigla nalang tanggalin ni Lala ang kumot na binalot ko sa sarili.

"Don't fool me young lady, I know you're not. Ang galing mo pa ngang magmura at sumagot-sagot sa akin kanina eh."

Muli akong napatiim ng bagang. Kailan kaya 'to magresign na chief of staff ni Diego?

"Darn Lala, aren't you busy in Manila?"

"I am Alecxis. Alam mong kasalukuyan ngayong may session sa congress."

"Then why are you here?!" inis kong sambulat.

"Because I need to send you to school."

Kaagad akong napairap sa kawalan. Bata lang ang peg ko ganoon?

"I'm not a kid anymore Lala."

"Then stop acting like one. Stand up and go to shower, now!"

Shet! Galit na ang lola.

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon