PART 66

233 8 14
                                    

Playboy + Man-hater =  FAMILY





Four days.

Apat na araw na magkasunod-sunod akong naghihintay na makita maski likod lang ni Kessler Vinn sa labas ng bahay pero wala. Para akong mababaliw sa kakaisip kung anong nangyari. I know him. At alam kong hindi siya maglalaho na parang bula ng walang malalim na dahilan. Oo, gusto kong tumigil na siya pagka-camping sa labas dahil alam ko namang di mababago ang pasya ni Diego pero sa loob-loob ko ay hindi ko maiintindihan ang nararamdaman. A part of me also want to see him. Ayokong magpatuloy siya sa paghihintay sa akin sa labas pero may bahagi sa aking isip na gustong andun siya. Nakakainis. Nakakalito.

Paano kung may nangyari sa kanya na hindi maganda? Di naman siguro siya pinabugbog ni Diego, diba? Nangako naman siyang di niya papakialaman ang asshole at pinaghahawakan ko iyun.

"Ang kaunti na naman ng kinain mo ma'am," ani Aling Mercy.

Walang ganang tumungo lang ako. "Busog na po ako."

"Dalawang kutsara lang iyung kinain mo kanina ma'am." paalala niya pa na hindi ko kinibo.

Bumalik ako sa kama at ini-on ang TV. Narinig ko naman ang malalim na pagbuntung-hinga ng bago kong yaya.

"Alalang-alala na sa iyo ang kuya mo pati ang daddy mo ma'am. Magkakasakit ka na sa lagay na iyan. Ang payat-payat mo na nga."

Hindi pa rin ako kumibo. Mas binigyan ko nalang ng atensiyon ang paghahanap ng mapapanood sa Netflix. Kahit na ang totoo ay ang asshole ang naalala ko kapag nagni-Netflix. Bakit kasi ang daming mga bagay na nakapag-paalala sa akin sa kanya eh sandali lang naman kaming naging magkaboardmates.

"Do you want to get sick?"

Walang ganang nagtaas ako ng tingin sa kakapasok lang ng kwarto kong si Luke.

"I thought you want him gone?" he's now smirking. I want him to shut up but too tired to voice it out. Wala akong energy para patulan ang pang-iinis niya sa halip ay binigyan ko lang siya ng matalim na tingin.

"Want to borrow my phone?" pagpapatuloy pa niya sa pang-iinis.

Hindi pa din ako sumagot ni hindi ko siya tiningnan. Ano naman ang sasabihin ko kung tatawagan ko ang asshole? Why he left? Gaga pala ako eh. Pinaalis ko nga diba?

Ilang minuto na ang lumipas at wala pa rin akong mahanap-hanap na palabas na gustong panoorin sa Netflix. Narinig ko naman ang malalim na buntung-hinga ni Luke na nakaupo sa single couch.

"May gusto kang kainin? Ice cream? Pizza? Or Jollibee?"

Muli akong umiling-iling.  Wala akong gana sa lahat. I just want to be alone.

Narinig ko siyang bumulung-bulong at saka tumayo. Di pa man siya tuluyang nakalabas ng kwarto ko ay kaagad ng bumukas ang pintuan at niluwa roon ang walang kangiti-ngiting si Diego.

"Halos di ka daw kumakain?" bungad niya.

Imbes na sagutin ay blankong tiningnan ko lang siya. Kapagod magsalita kung alam mo namang walang patutunguhan.

Napabuntung-hinga ito. "Tell Mercy what you want to eat para mapaluto natin kay Diday."

Nanatili lang akong walang kibo. Nakita ko namang may inabot siya sa aking papel. "Anyway, you'll continue your studies in USC."

Gulat na nanlaki ang aking mga mata. Tama naman pagkadinig ko?

"Fill all the needed information there and sign it at the bottom." turo niya sa hawak ko na ngayong papel. "Luke will be the one enrolling you tomorrow."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon