Part 38

499 12 6
                                    

Part 38

(Playboy + Manhater =Escape)

Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay hindi pa rin humupa ang pagngi-ngitngit ko mula sa paggawa sa aking isang katatawanan ng playboy.

   Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay agad na akong sinalubong ng tsismosa naming katulong, na walang iba kundi si Dora.

Yes, tumagal siya sa akin kahit anong gawin kong pagsusungit sa kanya.

   Iyun na nga ang pinagtaka ko at kahit sa sobrang katarayan at kamalditahan ko ay nagawa pa ring manatili sa aking tabi ng loka. Kunsabagay, ang laki ba naman ng pansahod ni daddy para lang may magbabantay sa mga kilos ko. Tssk.

"Maam ganda--," kaagad ko siyang sinansala.

"Dont talk to me Dora kung ayaw mong mapagbalingan ng inis ko."

Nakukonsiyensiya din naman kasi ako minsan sa tuwing ito ang napagbalingan ko ng inis sa tuwing tinotopak ako na madalas na nangyayari.

   Dumiritso kaagad ako sa dirty kitchen para uminum ng malamig na tubig baka ng sa ganoong paraan ay lumamig man lang ang ulo ko ng kunti.

   Walang tigil pa rin sa pagkulo ang dugo ko dahil sa nangyari.

   Ngunit imbes na lumamig ang ulo ko ay siya namang pag-alsa nang mga alaga kong kuto sa ulo ng makita kung sino ang prenteng nakaupo sa wooden chair sa dining area at umiinum ng lemon juice.

"Potcha naman oh!" hindi ko napigilang bulalas.

Makakita ba naman ako ng aswang sa ganito katirik na araw at talagang right timing siya huh dahil ngayon pa talagang mainit ang ulo ko.

"Oh Dayne dear, glad youre home!" halos mapunit na ang labi nito sa laki ng ngiti na binati ako.

I quickly rolled my eyes. Agad nangangamoy kaplastikan ang paligid. At kung makatawag to sa akin ng 'Dayne' akala mo close kami.

"Manang?" tawag ko sa aming kusinera.

Agad namang sumulpot ang katulong na naka-apron pa at basa pa ang mga kamay mula sa pagluluto.

"Maam Alecx, bakit?"

"Baka lang kasi nasusunog na iyung niluluto niyo. Nangangamoy plastic eh," sabi ko ng nakatingin kay Gidget.

Si Gidget na nakilala lang ni Diego sa eroplano dahil sa pabalik-balik nitong pagbiyahe sa Cebu para bisitahin ang mga kalokohan ko sa buhay. By the way, Gidget is a flight attendant na malapit ng magretire dahil sa edad nito. At siya na naman ang flavor of the season ng playboy kong ama.

    Sadyang manhid o di na talaga ito tinatablan dahil hindi man lang ito naapektuhan sa sinabi ko at ayun kuntudo pa rin ang pagngiti. Gosh!

"Im sorry mam ganda, ipaalam ko sana sa inyo na nandito ang lover ng daddy mo pero hindi mo ako pinapasalita kanina eh," bulong ni Dora na hindi ko namamalayang nakasunod pala sa likod ko.

    Dalawang Potcha! May aswang na nga sa harap ko may multo namang nakabuntot sa likod. At nangangatwiran na hindi pa man kinukompronta. Ang galing din.

    Tiningnan ko lang ng matalim si Dora bago itinuro dito ang refrigerator.

"Ikuha mo ako ng tubig," agad naman itong tumalima.

"Oh dear, what do you want for dinner? Ipagluluto kita, kayo ng daddy mo," biglang salita ng aswang. I really hate her tattoed kilay, its so destructing dahil hindi perfect pagkagawa.

Kanina ko pa pinipigilan ang sarili simula pagkakita sa kanya na huwag itong kalmutin.

God! This woman is irritating as hell. Sa lahat ng mga babae ni Diego ay ito ang pinakamalala. Pinakamalala kung kumapit eh dinaig pa ang mighty bond sa lupit. Bigla-bigla nalang itong sumusulpot sa bahay at si Diego naman na babae ang kahinaan ayun pumapatol din kaagad.

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon