Chapter 2
Hearts in Pieces
"Tangina kasi, pre, sinabi ko naman sa inyo na huwag na. Ang kulit niyo kasi e. Tingnan niyo tuloy ngayon, kailangan ko pang mag paliwanag tungkol sa nangyari," naiinis na sabi ni Bright sa mga kaibigan.
Kasalukuyan silang nasa recording studio dahil may ire-record silang kanta para sa isang event na gagawin sa susunod na linggo. Nag-break muna sila at napagdesisyunan ngang kastiguhin ang mga kaibigan. It's been a day since the incident in the hotel.
After what happened to Bright and that man, maraming mga news channel ang naglabas ng balita tungkol sa umano'y "mystery lover" niya. He paid no attention to them dahil mas malaki ang problemang kakaharapin niya sa management agency niya. Meron kasing agreement sa contract ng isang product na ineendorso niya na hindi siya maaaring magkaroon ng public admittance ng anumang relasyon mayroon siya. This is primarily because he's being paired to another actress, and as a publicity stunt, kailangang maging single silang pareho - parte ito ng mga marketing strategies para sa pairing nila ng artistang babae.
"Eto kasing si Foei. Wala naman sanang problema kung tama lang ang pinagbigyan ng keycard ng room mo," paliwanag pa ni Gunsmile.
"E, malay ko bang sa panyo ko pala naisingit yun? Eto namang binayaran ko, di man lang nagsabi na wala siyang keycard sa room na yun. Bigla na lang hindi nag message. Nawala na rin sa isip kong nasa akin nga pala yun," paliwanag din ni Foei.
"To begin with, kung nakinig kasi kayo kay Bright nung una pa lang e di sana walang problema," sabi naman ni First. "Basta, sinabihan ko rin kayo ha?" pagtatanggol pa nito sa sarili.
Kanina pa nagtatalo ang tatlo at matamang nakikinig si Bright habang mayamaya ay nagbibigay din ng opinyon. Ayon kay Foei ay in-instruct niya daw ang babaeng inupahan na pumunta sa room number niya, pero sa di malamang dahilan ay hindi nga ito sumipot. Ang buong akala naman ni Foei ay pinapasok naman na ni Bright ang babae kaya hindi na siguro big issue ang keycard. Pero nagulat na lamang daw ang mga ito ng lumabas sa news ang pagkahuli kay Bright kasama nga ang mystery "lover" nito.
"So, paano nga iyan? Anong pinapagawa sayo ng mga boss mo?" tanong ni First kay Bright.
"Sa ngayon, wala. Ang sabi, hayaan daw muna mamatay ang issue. So, walang i-issue na mga statements," paliwanag ni Bright.
That was the last instruction that he received. He needs to keep mummed about it for now. When it blows out of proportion ay doon daw sila mag release ng statement. Kailangan niya lang magreport sa company ng product na ineendorso para magpaliwanag ng nangyari.
Sa totoo lang, hindi sang-ayon si Bright sa desisyon ng management. And there were many times in his career na na-question na rin niya ang kumpanya sa mga strategies nito sa pag-resolve ng issues. Pero tali kasi ang kamay niya for now because he still has a contract with them for a year. Pero, nag-note na siya na lilipat ng management company matapos ang kontrata.
Hindi kasi niya talaga gusto ang mga desisyon ng mga ito. Right now, he wanted to speak about the issue. Gusto niya kasi talagang klaruhin na wala silang relasyon ng lalaking naka-make out niya. He wanted to clear his name because a lot of people are now hurling stones at him. Bugbog na ang lalaki sa mga pangungutya ng mga taong wala namang kinalaman sa buhay nila.
Pinahahanap niya na rin ang lalaki para makapag-apologize dito ng personal. Hindi kasi nahanap ng mga bashers ang profile ng lalaki. Malamang ay nag private or nag deactivate na ito ng mga socmed accounts niya. Hindi naman ito masisi ni Bright dahil sobrang masasama ang mga ibinabatong akusasyon dito.
BINABASA MO ANG
My Rumored Lover
Fanfiction- a BrightWin AU where Win is Bright's die hard fan, but because of a night of scandal, Win suddenly turned into Bright's fans clubs' worst enemy - a year after, Win returned, this time though as Bright's co-actor in a series Wil Bright remember Win?