Chapter 7
Yes!
"Parang masyadong malakas yung sa part nung chorus. Baka pwede natin lagyan ng konting harmony para mag balance lang yung tunog?" tanong ni Earth kay Bright.
It's the second to the last part of the recording of the theme song for Bright and Win's series at nasa studio sina Bright, Gun, at Foei. At dahil freelance sound engineer ang kuya ni Win ay napakiusapan ito ni Kid to oversee this stage of the production ng theme song.
Currently, Earth and Bright are talking musical jargons pero nag eenjoy ni Win na panoorin ang kapatid kasama si Bright. After what they found out about Bright's apology, iniyak ni Win ang lahat ng dapat iiyak sa kuya at best friend niya. He told his kuya about his plan of taking revenge on Bright and he got some real scolding.
Earth also told Win that he needs to make up for what he did. If he truly feels something for Bright daw ay dapat niyang sabihin iyon sa binata. He agreed to this, pero nagsabi siya sa mga ito na gagawa siya ng sorpresa. Ang plano kasi niyang paghihiganti ay nauwi na sa plano ng pagsagot sa binata. He's willing to take that leap of faith with Bright. After all, alam ni Win that it has always been Bright, no one else filled that special part in his heart.
"Huy, matunaw naman," bulong ni Mix kay Win habang sinisiko ito.
Win smirked at Mix. Hindi rin niya alam bakit sumama pa ito sa kuya niya sa recording studio. Wala naman kasi itong role doon.
"Bestie, wag ka ngang epal. Sabit ka na nga lang dito e," sagot naman ni Win dito.
"Ay, palaban si tanga. Sige, ginaganyan mo ako? Hindi na kita tutulungan mag-isip kung paano magiging epic ang pag-yes mo dyan sa future jowa mo!" banta ni Mix.
"Grabe, di ka naman mabiro," nakangiting sabi ni Win. Umabrisiyete pa siya sa best friend para lambingin ito.
"Ayan... Kapag may kailangan parang ahas kung makalingkis. Malambing ka lang pag may gusto ka ipatulong e. Buti pa yung kuya mo, laging malambing," nakangising sabi ni Mix kay Win.
"Ay winner!" napalakas ang sabi ni Win sa kaibigan kaya tuloy naglingunan ang lahat sa kanila ni Mix.
Win just made a peace sign to all of them and instructed them to go back to what they are doing.
"Ikaw kasi! Ang landi mo!" bulong ni Win kay Mix.
"Luh, bat ako? E ikaw yung sumigaw," pang-aasar ni Mix.
"E kasi ang landi mo. So, nandito ka kasi binabantayan mo si kuya?" tanong ni Win sa kaibigan.
"Grabe naman sa binabantayan. Hindi ba pwedeng jowa ako, tapos ininvite na sumama kasi di makatiis na di ako makita?" natatawang sabi ni Mix.
"Leche ka. Ang landi mo," balik ni Win dito.
"Hoy, enough of me. Mag-usap tayo ng matino diyan sa revenge revenge plan mo," sabi ni Mix.
"Shh... Yung bibig mo. Baka marinig ka ni Bright," sabi ni Win sa mahinang tinig.
"Okay sige. Halika nga, doon tayo sa CR mag-usap. Naiihi na rin ako e," yaya ni Mix kay Win.
Matapos magpaalam kina Bright at sa lahat ng mga naroroon ay tumungo na sina Mix at Win sa comfort room malapit lamang sa studio. That's where they started talking.
"O sige, klaruhin mo. Ano na nangyari dun sa plano mong pagkalat ng scandal video ni Bright na kinunan mo?" tanong ni Mix kay Win.
"Yun nga yung unang plano diba? Gusto ko talagang maramdaman niya kung ano man iyong naramdaman ko noong naging katatawanan ako sa mga fans niya. Galit na galit kasi ako noon e. Pero yun na nga. Wala na lahat yun. Hindi ko nga alam bakit ko ba naisip yun in the first place," paliwanag ni Win sa kaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/288709438-288-k519200.jpg)
BINABASA MO ANG
My Rumored Lover
Fiksi Penggemar- a BrightWin AU where Win is Bright's die hard fan, but because of a night of scandal, Win suddenly turned into Bright's fans clubs' worst enemy - a year after, Win returned, this time though as Bright's co-actor in a series Wil Bright remember Win?