Chapter 1: Crossed Paths
Bright - The Star
Ang malakas na palakpakan at mga naghihiyawang kabataan ang naging pangwakas sa successful concert ng pinakasikat na celebrity sa bansa ngayon, si Bright.
He's the country's highest-selling recording artist at ang may pinakamataas na talent fee sa mga artistang lalaki. Most sought-after din ito sa lahat ng mga proyekto. Lahat halos ng mga leading ladies ay ito ang pinapangarap na makatrabaho. Ilang beses na rin kasi itong nanalo sa mga International Awards para sa mga performances nito.
Hindi rin ilang mga international products ang kumuha sa serbisyo nito sa pag modelo. Anything that he promotes in his social media accounts ay agad na tumatabo ng milyong likes at shares. His power as an endorser remains incomparable even to this date.
"Are we doing an encore?" tanong ni Bright sa musical director nila.
Hindi naman kailangang sumagot ng direktor dahil naghiyawan ang mga tao ng "more" kaya napilitan si Bright na lumabas muli. Nang magbukas ang ilaw ay agad siyang nagsalita.
"Dahil mahal na mahal ko kayong lahat, here's one last song for all of you. And I hope you will always remember me whenever you hear this song," Bright's expression lightened matapos niyang sabihin iyon.
Sanay na siya sa kalakaran. Hindi ito ang unang concert niya kaya alam na niya kung paanong mababaliw ang audience. It's just that one reaction - he winked at them. And as usual, the crowd went crazy. Parang may kung anong sumasabog sa loob ng concert hall sa sobrang lakas ng mga hiyawan ng mga audience.
It's his birthday concert kaya napakahaba ng programa ng concert. Pagod na siya pero alam niyang kailangan niyang gawin dahil bayad din naman siya para dito. That's probably one of the great things about being a celebrity. Hindi siya gumagastos tuwing birthday niya. Instead, siya pa ang makakareceive ng libo-libong mga regalo. Pupusta siyang sa isang kwarto sa building na iyon ay naroon ang mga regalo ng fans.
Nang magsimulang tumugtog ang banda ay agad niyang ininom ang tubig na nasa tabi niya, clearing his throat while the intro of the song started playing. Habang tumutugtog ang banda'y sumisigaw ng 'Happy Birthday, Bright!' ang audience. Then, he opened his mouth at the right time to start the song.
Nang finally ay matapos ang concert ay bumaba na si Bright sa entablado at agad dumiretso sa private room na in-allot sa kanya ng producer ng show. That's his only request every time he performs. Ayaw niya ng may kasama sa kwarto and because he's very popular ay ibinibigay naman agad ito sa kanya. Kahit pa nga noong isang beses na naging bahagi siya ng isang concert kasama ang pinakamalalaking mga artista sa bansa ay ganoon pa rin ang set up, tanging siya lang ang hindi isinama sa kahit na sinong artista.
He went to check his phone for the text message at agad siyang napangiti sa message ng mga kaibigan. Natawa siya sa mga sinasabi ng mga ito. May regalo daw ang mga ito sa kanya. Foei was the one who initiated the message. He's the oldest in the group pero pinakamaloko. Sinegundahan naman iyon ni First, ang pinakabata pero pinakatalentado sa kanila pagdating sa music. At siyempre, hindi papahuli si Gun, ang pinakatamad. Mayaman kasi ang pamilya nito kaya wala itong trabaho o kahit na anong pinagkakaabalahan. He plays the drums though, kaya pag gagawa ng kanta si Bright ay kasama niya ang mga ito. Pawang mga musicians kasi sila. Ito rin ang pinakabanda niya sa mga kanta niya.
Hindi niya kasama ang mga ito ngayon dahil hindi ito ang na-hire para sa concert niya. Isang malaking banda kasi ang gustong tumugtog ng producer kaya hindi niya na nailaban ang mga kaibigan.
Nang basahin muli ni Bright ang messages ng mga ito'y lalo siyang natawa dahil nagbigay ng address ang mga ito. Happy Birthday, Bro! Vermont Hotel, Room 203. We have a surprise for you. Alam niya na ang ibig sabihin niyon. They probably hired someone. Noong nakaraang linggo pa nila usap-usapan iyon. Ang sabi ng mga ito'y papatikimin daw siya ng sariwang putahe. Minura lang niya ang mga ito.
BINABASA MO ANG
My Rumored Lover
أدب الهواة- a BrightWin AU where Win is Bright's die hard fan, but because of a night of scandal, Win suddenly turned into Bright's fans clubs' worst enemy - a year after, Win returned, this time though as Bright's co-actor in a series Wil Bright remember Win?