Chapter 4: 3, 2, 1, Action!

110 4 0
                                    


Chapter 4

3, 2, 1, Action!

Tatlong araw ang mabilis pang lumipas matapos ang unang workshop activity nina Bright at Win. And today is an important day for both of them because they will be starting the filming of some of the scenes for the TV series. Na-meet na rin nila ang buong cast, and all of them are just wonderful additions to the whole production.

Bright is really looking forward to this day dahil unang beses niyang makakatrabaho si Win sa mga eksena. Totohanang shoot na ito kumbaga. And he cannot help but get too excited about this.

Aaminin ni Bright na refreshing ang mga sandaling nakakatrabaho niya si Win. Sa loob kasi ng tatlong araw, mabilis niyang nakapalagayan ng loob ang binata. There's something akin to how he is as a person, para bang matagal na sila nitong magkakakilala.

Bright wouldn't deny the attraction he feels for Win, too. Hindi lang naman ngayon. Naramdaman na kasi ni Bright ang attraction kay Win noong una pa lang niya itong makitang naglalakad sa isang fashion runway sa Canada. He was there at that time, pero hindi pa naikakasa ang project nila together. The network was just eyeing him pa lang. Kaya nang timing namang mapadpad siya sa Canada para sa isang show ay sinamantala niya na ang pagkakataon na bistahan ito. And he would admit that he liked Win.

May air of lightness nga kasi ang binata. Parang ang gaang lang ng pakiramdam niya pag nakikita niya itong ngumingiti. From then on, he made sure na kay Win mapupunta ang kontrata para sa series na iyon. He told the network na hindi niya gagawin ang project kung hindi si Win ang makakapareha.

"O, ang aga mo naman yata? Excited much?" bungad ni Ate Eed kay Bright nang mapansin siya nito sa location ng shoot sa araw na ito.

"I woke up early. So, sabi ko agahan ko na para mabilis ako ma-make up-an," paliwanag naman ni Bright sa manager.

"Hmmm... If I know, gusto mo lang makita si Win," nagbibirong sabi nito.

For three days now, Ate Eed has become a BrightWin shipper, kaya lahat ng opportunity para asarin si Bright ay hindi nito pinapalampas. She's like a second mother to Bright, though. Kaya kahit anong pang-aasar nito kay Bright ay hindi naman ikinagagalit ng huli. The respect Bright has for this woman goes beyond and above the plains of blood relations. Malalim na rin kasi ang pinagsamahan nila. Kaya nga everytime Ate Eed would give him advices, tine-take seriously niya iyon.

"Ate ha? Panay na asar mo sa akin kay Win. Baka marinig ka nakakahiya," sabi ni Bright sa manager.

"Okay lang sa kanya yun. Ako'ng bahala. Close na kami e," sabi ni Ate Eed matapos iyon ay nag thumbs up pa.

"Ewan ko sayo," umiiling na lang na sagot ni Bright dito.

Tumuloy na siya sa dressing room nila ni Win para magsimulang maghanda para sa unang eksenang kukuhanan. This is something new, too. Hindi kasi pumapayag si Bright na may kasama sa dressing room hanggang maaari. But he immediately lowered that standard when he started working with Win. Ngayon payag na siyang share sila sa kwarto because he wanted to establish an even greater rapport with Win.

Medyo kinakabahan si Bright dahil challenging ang unang eksenang kukunan nila ni Win - it's a kissing scene. Nakakatawa nga ang strategy ng direktor nila, dahil gusto nitong unahin daw iyon habang pareho pa silang may kaunting awkwardness sa isa't isa. Mas authentic daw kasi ang feel kung sakaling merong kaunting hiya pa mula sa kanila.

Ang eksena kasi ay ang unang kiss ng mga characters nila. It's also a long kiss ayon sa script dahil parang tinuturuan ng karakter ni Bright ang karakter ni Win kung papaano ang tamang paghalik, at dahil virgin and naive ang character ni Win sa series ay masyadong naiilang ito sa mga pangyayari. Perfect daw diumano ang gayong eksena para sa estado ng relasyon nina Bright at Win sa ngayon dahil iilang araw pa lamang daw silang magkatrabaho.

My Rumored LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon