Chapter 9: Letting Go

92 4 1
                                    


Chapter 9

Letting Go

Marahang ibinukas ni Win ang mga mata ngunit mabilis niya rin itong isinara ng masilaw sa ilaw na nasilayan. The last thing he remembered ay ang pagkakatayo niya sa gitna ng kalsada at ang matinding takot sa maaaring mangyari kung sakaling babangga sa kanya ang paparating na sasakyan.

"Win? Okay ka lang?" tanong ni Mix.

Nang marinig ang boses ng kaibigan ay pinilit niya na ang sariling dumilat. Saka tiningnan ito na parang nagtatanong kung nasaan ba siya. Hindi kasi pamilyar sa kanya ang lugar. Nakahiga siya sa isang tila malaking sofa. Malamig naman sa lugar at tila maayos iyon. Maganda ang kwarto.

"Nasaan tayo?" di na niya mapigilang tanungin ang kaibigan.

"The restaurant's conference room yata to," sabi ni Mix habang tinitingnan ang paligid. "Dito ka dinala nina Kid nung hinimatay ka," paliwanag nito.

"Anong nangyari?" tanong ni Win sa kaibigan.

Mix breathed heavily saka nagsimulang magkwento, "Muntik ka na ngang masagasaan. Buti na lang ang galing ng reflexes nung driver ng van. Pero kung hindi, Win, it could've been fatal. Pero siguro sa sobrang takot mo, nahimatay ka na. And right now, halos mag-fifteen minutes ka ng walang malay. Buti na lang nasa malapit na lang kami ng kuya mo. Kasi nga minessage kami ni Kid kanina kung saan kayo kakain. We were planning to join both of you. Pero nagulat na lang kami nung sinabi nga yung nangyari sayo," mabilis ang pagsasalita ni Mix, may bahid ng pag-aalala ang tinig.

"Nasaan si Kuya?" tanong ni Win dahil tanging si Mix lang ang kasama niya roon.

"Kakalabas lang nila ni Kid. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan," sabi ni Mix, tila nag-aalangan kung itutuloy ang pagkukwento.

"Bakit? Ano nangyari?" tanong ni Win kay Mix. Kilala niya na ito, siguradong may nangyari base sa expression ng mukha nito.

"E kasi, bestie... Galit na galit ang kuya mo nung malaman kung bakit ka naglalakad ng wala sa sarili," Mix said, still estimating.

"And? What did he do?" Win asked.

"Sinapak niya si Bright e. Tapos pinagtabuyan niya. Umalis si Bright after that. Pero natakot ako, Win, kasi ang kuya mo ayaw magpaawat. Ngayon ko rin lang nakitang ganun kagalit yun," Mix expressed, worry in his face.

Matapos sabihin ni Mix iyon ay siya rin namang pagpasok nina Earth at Kid sa loob ng kwarto kung nasaan sila. Nang makita ni Earth na may malay na si Win ay agad itong pumunta sa tabi nito.

"How are you feeling, bun? Punta tayo sa ospital?" nag-aalalang tanong nito.

"I'm okay, Kuya. Huwag ka na mag-aalala," sabi naman ni Win upang mapayapa ang kapatid.

"Are you sure?" tanong muli ni Earth.

"Yes, kuya. Where's Bright?" tanong ni Win.

Napansin agad ni Win ang pagpapalit ng mukha ng kapatid, galit na ito ngayon. "Pinaalis ko na," tiim ang bagang na sagot ni Earth.

"Why did you hit him?" Win asked. His tone is more of a concerned one for his brother.

"He deserves it," sagot ni Earth, nagtitimpi pa rin.

"Kuya, no. I deserve what's coming to me. Galit siya sa akin and valid naman ang reason niya. May ginawa ako sa kanya and I should pay for that," Win said.

My Rumored LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon