Chapter 10: We Were Made for Each Other

160 7 0
                                        


Chapter 10

We Were Made for Each Other

Hingal kabayo na si Bright dahil sa lakad takbong ginagawa niya. Narinig na kasi niya ang last call for boarding ng passengers ng flight kung saan sasakay si Win. He heard Win's name being called sa PA system ng airport.

Pakiramdam niya'y anumang sandali ay mawawalan siya ng malay sa sobrang kabang nararamdaman niya. He cannot let Win go without telling him what he feels. Baka kasi umalis si Win ng masama ang loob. Hindi niya kayang isipin na araw-araw niyang iisipin na binigyan niya si Win ng sama ng loob. Sure, he can always message him, pero kailangan niyang maramdaman ni Win ang sincerity niya. It would bring peace of mind to him because he's been an asshole saying bad things to Win.

Nang marinig ni Bright ang salitang airport kanina ay parang gusto niyang mag teleport papunta doon ora mismo. Para siyang biglang kinakapos ng paghinga dahil sa nalaman. Knowing that Win will be leaving the country sent a multitude of fears to him - isang pakiramdam na alien sa kanya until now. Gusto niyang hilahin ang distansya sa pagitan nila ni Win. Gusto niyang sabihin ditong huwag umalis, pero napipigilan siya ng thought na sinaktan niya si Win. Pero sinabi niya rin sa sarili right then and there na hahakbang siya papalapit kay Win. Bahala na kung pagkatapos noon ay piliin pa rin ni Win na hindi siya tanggapin. Bahala na kung pagkatapos noon ay kailangan nilang maghiwalay ng matagal.

Mas binilisan pa ni Bright ang pagtakbo nang mapansin niyang malapit na siya sa boarding gate ng flight ni Win. Muntik nga lang siyang madapa ng paghakbang niya ay matapakan din niya ang natanggal niyang sintas. Tangina. Napamura na lang siya sa isip sa inis. Humakbang siyang muli ngunit talagang natatapakan niya ang sintas. Tinanggal niya na ang sapatos at medyas para makatakbo siya ng maaayos. Inisip niyang iaabot kay Foei ang mga iyon pero hindi niya na kasi ito matanaw. Matapos kasi niyang sabihing sumunod ito ay wala na siyang pakialam sa kung nasaan na ito. Basta't tumakbo na lang siya ng tumakbo.

When he finally landed in front of the boarding gate, he immediately saw Win's back. Naglalakad na ito papasok sa boarding gate. Mas lumapit pa siya sa dito at humihingal na sumigaw, "Babylove!"

Dahil sobrang lakas ng sigaw ni Bright ay mabilis na naglingunan ang mga mangilangilang taong naroroon. Pero hindi yata siya narinig ni Win dahil hindi ito lumingon sa direksyon niya. Ubod ng lakas siyang muling sumigaw, "Win! I love you!"

***

Mabigat ang mga paa ni Win na lumalakad, halos hilahin niya na nga ang mga iyon para lang makarating siya sa pinto ng boarding gate. Ayaw kasi talaga niyang umalis. Pero anong gagawin niya? Paano naman ang pakiusap ng kuya niya? Paano ang mom and dad niya? Would he be that selfish to just abandon them all kung wala namang kasiguraduhan ang lahat?

As he moved his feet once more, narinig niya ang boses ni Bright.

Babylove!

Hindi siya lumingon dahil baka nililinlang lang siya ng sariling pandinig. Bright might be too far by now dahil alam na rin naman nila ng kuya niya that Bright attended the meeting with their producers. Alam na rin ni Win ang lahat about First. Pero hindi niya na iyon pinagtuunan ng pansin because there are far more important things that troubles him than First.

Muli niyang inihakbang ang mga paa niya nang marinig niyang muli ang boses ni Bright.

Win, I love you!

Doon na siya nag desisyon lumingon because now he's sure that it's really Bright. Nang malingunan niya nga si Bright ay agad ang pag-akyat ng bikig sa lalamunan ni Win. Hindi niya alam bakit parang may umaapaw mula sa dibdib niya pataas. At tuluyan na ngang pumatak ang mga luha niya ng finally ay masilayan ang mukha ni Bright.

My Rumored LoverMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon