Chapter 3: Taken By His Charms

148 7 0
                                        


Chapter 3

Taken by His Charms

Malakas ang palakpakan at hiyawan ng mga staff at iba pang mga members ng production staff for the TV series, "You Got It All." Ang TV series na pagbibidahan nina Bright at Win. They are currently in the studio to do a workshop, and Bright, the most sought-after star of this country, just arrived and announced to the staff na sagot nito ang lunch for today. Nagpaka-cater daw ito.

Win cannot help himself from smirking. Ang yabang. First day pa lang pa-impress na? Ganito ka pala talaga, Bright. Hindi ako nagkamali ng akala sayo. He cannot believe na napaka-aga naman magpa-impress nito. Come to think of it, hindi pa man sila nagsisimula'y nanunundo na agad ito sa airport. Win clearly remembered his conversation with Kid after that stressful night.

"Bakit ba kasi nandun agad yun? Wala bang agreement na walang airport interviews?" naiinis na tanong ni Win kay Kid. Hindi naman siya naiinis sa kaibigan. He made it clear to both his kuya and Kid na kay Bright at sa mga reporters siya naiinis.


"Yun naman talaga ang agreement, Win. Kaya lang, nag-insist daw si Bright to pick you up. Courtesy daw niya. E hindi na napigilan ng management. Kaya din dumami yung reporters kasi nakita sa socmed niya na papunta siya ng airport," mabilis na paliwanag ni Kid, tila ba takot na tuluyang mabadtrip si Win sa kanya.

"Simula pa lang ha? Masyado yata siyang atat na magpa-publicity. Nakakainis!" malakas ang boses na sabi ni Win.

Mabilis naman niyang naramdaman ang pagsiko ng kuya niya, tila ba sinisignalan siya na maging maingat sa pananalita. Hindi kasi alam ni Kid ang tungkol sa kanila ni Bright. Ang tanging alam nito ay nakilala niya na ang binata dati.

"Bakit parang inis na inis ka kay Bright, bun?" walang malay na tanong ni Kid. Nakasanayan na rin nitong tawagin siyang 'bun' kagaya ng sa kuya niya.

"Ha? Ah-- Hindi naman. Naiinis lang ako sa nangyari. Kasi diba? Pagod nga kami ni Kuya tapos ganun pa?" Win was stuttering while saying the words. That's why Kid didn't buy it.

"Sure ka? I'd like to remind you that the filming of the series will run for months. Baka hindi maging maganda ang chemistry niyo if naiinis ka na sa kanya ngayon pa lang," paliwanag ni Kid kay Win.

Chemistry. Doon nabalik sa kasalukuyan ang isip ni Win. Paano nga kami magkaka-chemistry kung bawat action ng lalaking yun e kinaiinisan ko? Win is thinking to himself, kailangan kasi niyang gawing solid ang plano niya.

Ang pagganti kay Bright ang umukopa sa buong gabi ni Win. Hindi siya halos nakatulog dahil nga pinaplano niya kung paanong gagantihan ito. At the end of his thoughts, isa ang naging matimbang kay Win. He wants Bright to be hated by people, para maramdaman nito ang naramdaman niya. How he hated himself, how he blamed himself, at lalong kung paanong dumating siya sa puntong awang awa sa sarili dahil sa mga pangyayari. That was the lowest point of his life, nang maramdaman niyang tila ba hindi siya kahit kailan pwedeng mahalin ng mundo.

Bigla ang pag-ahon ng kaba kay Win nang mapansin niya si Bright na papalapit sa direksiyon niya. Iniwan na kasi siya ni Kid sa venue dahil buong araw ang workshop. Sabi nito'y marami itong kailangang asikasuhin.

"Hey, babylove," tawag ni Bright kay Win.

"Don't call me that!" mabilis ang sagot ni Win. Nagtinginan tuloy ang mga staff sa direksyon nila ni Bright dahil napalakas ang tinig niya.

Bright's laugh was the next sound that was heard. Itinaas pa nito ang dalawang kamay na tila ba sumusurrender sa kanya. "Hey, relax! I was just starting a conversation. This is a workshop and the goal is for us to be comfortable with each other, right?" Bright said, still with that annoying grin on his face.

My Rumored LoverMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon