Chapter 8
Damages and Heartaches
Win didn't know na may kapasidad pala siyang tanggapin ang lahat ng sakit matapos ang lahat ng nangyari sa loob lang ng ilang oras. Up until now, his senses are wide awake. Para siyang hindi kahit kailan dadalawin ng antok. Hindi na rin niya halos mabilang kung ilang beses siyang bigla na lang iiyak. Regret, pain, anger, and the feeling of being left alone - all enveloping his whole body. Para siyang bumalik sa araw nang masaktan siya sa mga ginawa ni Bright sa kanya. And for some ironic circumstances, Bright's the reason kung bakit siya ganoon. Only now, alam ni Win that it's his fault.
Kasalanan niya ang lahat ng nangyari sa kanya. Walang kahit na sinong dapat na sisihin. Plinano naman kasi talaga niya lahat pero hindi niya nakita ang bahaging ito. Ibig sabihin hindi niya napag-isipan lahat ng mga maaaring mangyari. Masyadong siyang nagpadala sa lahat ng galit na nararamdaman niya, kaya bumalik din lahat sa kanya ang sakit.
Bumangon si Win sa kanyang kama para kumuha ng maiiinom. He looked at the bedside clock and saw that it's 3:05 a.m. Madaling araw na pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok kakaisip sa mga nangyari. Nakailang messages na rin siya kay Bright pero kahit isa sa mga iyon ay hindi nito sinagot. Pawang seen lamang ang mga ginagawa nito. And that added to the pain he's feeling. Hindi na ba siya talaga mapapatawad nito kahit kailan?
He walked his way towards the kitchen where the fridge is. Hindi na siya nag-abalang magbukas ng ilaw dahil mabilis lang naman siya. He opened the fridge's door and took one carton of sterilized milk. Matapos ilagay ang straw sa butas niyon ay sinimulan niya na iyong inumin. He was walking back to his room nang bumukas naman ang pinto ng kwarto ng kuya Earth niya. Halatang nagulat ito pero kita rin ang pag-aalala sa mukha nito.
He told Mix and his kuya to sleep together for now dahil ayaw niya munang makipag-usap kahit na kanino. Pinagbigyan naman siya ng mga ito. And after that, he never heard anything from the two kahit pa nga alam niyang naiistorbo ng mga pag-iyak ang dalawa. Hindi naman kasi ganoon kakapal ang dingding sa pagitan ng mga kwarto nila kaya malamang na narinig siya ng mga ito.
"Bun," Earth said. Yun lamang ang namutawi sa bibig nito.
Pero sapat na yun para bigla na namang mag-unahan ang mga luha sa mga mata ni Win. It was as if may kung anong sumuntok sa dibdib niya. Earth, when he saw Win's face, ran to his baby brother and hugged him very tight.
"Sshh... It's okay, bun. It's okay," paulit-ulit nitong sabi kay Win habang hinahagod ang likod ng huli.
"I - -, I-- didn't mean to, kuya. Hindi ko naman tinuloy," utal utal na sabi ni Win sa kuya niya habang patuloy na umiiyak.
"Shh... I know, bunbun. I know. Kuya is here. Shh.., sige lang, let it all out," Earth said, still rubbing Win's back.
"Bakit ganun, kuya? Ayaw niya maniwala sa akin," Win started crying really loud.
"Give him time, Win. It's not easy to process all of this," sagot naman ni Earth.
Dito na bumukas muli ang pinto ng kwarto ni Earth at iniluwa si Mix na pupungas pungas pa. Nang mapansin naman nito kung ano ang nangyayari ay agad din itong lumapit sa magkapatid at nananantiyang tumabi kay Win.
"Pero kuya, what if ayaw niya na talaga sa akin? What if that's it?" tanong muli ni Win sa kapatid, pinanghihinaan na ng loob.
"Papayag ka bang ganito na lang kayo?" tanong ni Mix sa best friend.
Win raised his eyes on Mix at umiling, "Ayoko. I can't, bestie," buong tanggi ni Win.
"Then, don't allow that to happen. Make him fall for you again. Mahal ka nun," sabi ni Mix, puno ng confidence. "Hurt lang siya ngayon, bestie. Pero kapag lumipas na yung galit niya, I'm sure, babalik kayo sa dati," Mix explained.
BINABASA MO ANG
My Rumored Lover
Fanfiction- a BrightWin AU where Win is Bright's die hard fan, but because of a night of scandal, Win suddenly turned into Bright's fans clubs' worst enemy - a year after, Win returned, this time though as Bright's co-actor in a series Wil Bright remember Win?
