Kabanata 2

5.3K 271 6
                                    

❄YEJIN❄

"Yejin, sigurado ka bang hindi ka maharlika? O baka galing ka talaga sa maharlikang pamilya kaya't ganyan ka kaganda."

"Hindi ko alam."

"Lagi na lang ganyan sagot mo. Malay mo lang diba. Baka nga galing ka talaga sa maharlikang pamilya kaso may inggitira kang kapamilya kaya sanggol ka pa lang ay nilayo ka na sa mga magulang mo tapos tinapon ka at yung nagtapon sayo dinala ka sa mga Namero."

Nginiwian ko na lamang siya sa mga sinabi niya. Hindi ko naman kasi talaga alam ang tunay kong pagkatao pero Yejin talaga raw ang totoo kong pangalan sabi ni ina at ama.

"Kung buhay pa ang mga magulang ko sigurado namang makikilala nila ako at hahanapin diba."

"Tama ka naman...pero malay mo maharlika ka talaga." Ang kulit talaga.

Kanina pa kami nagsara at alas singko na ng hapon ngayon. Tapos na rin kaming mag-ayos at hinihintay na lamang namin si Lady Lorraine.

Sinasanay ko pa ang sarili ko sa magandang bestidang suot ko dahil nga unang pagkakataon ito at sinasanay din ang paglalakad kasi medyo hindi ako sanay sumuot ng may takong. Kanina pa rin akong puring puri kay Lia na akala mo'y hindi rin sya maganda.

Sa katunayan ay gusto kong makipagpalit sa napili niya kasi ay palagay ko, agaw-pansin ang napili ko at sa kanya ay simple, inosenteng tingnan at di nawawala ang pagka elegante.

Pero siguro naman may mas agaw-pansin pa kesa sa kasuotan ko.

Naglagay din kami ng pampaganda. Si Lia ang naglagay sa akin dahil marunong siya. Maganda rin ang kinalabasan at bagay sa kasuotan namin. Hindi nga aakalain na mula kami sa mahirap.

"Tapos na ba kayo?"

"Opo, Lady Lorraine. Maraming salamat po rito sa kasuotan at pagsama sa amin."

"Maraming salamat po."

Sagot naming dalawa sa kanya. Nagpapasalamat talaga.

"Napakaganda n'yong dalawa. Siguradong pag-uusapan kayo kaya't kapag tinanong kayo kung kaano-ano nyo ako ay sabihin nyong tita nyo ako."

"Po? Ayos lang po ba yun?"

"Oo naman. Pareho naman tayong magaganda kaya di sila magtataka hahaha. O 'sya halika na at nariyan na ang sasakyan natin."

Nakangiti kaming sumunod kay Lady Lorraine palabas ng saradong tindahan niya. Isang karwahe na pagmamay-ari niya mismo ang sasakyan namin. Magkatabi kami ni Lia at sa harap namin si Lady Lorraine.

Ilang kabahayan na ng mga Aquarian ang nadaanan namin bago kami huminto sa engrandeng tarangkahan. Sa itaas ng tarangkahan nakasulat ang apelyido ng pamilyang Daverro.

Ang pamilyang Daverro ay isa sa mga maharlikang pamilyang Aquarian. Sa pagkakaalam ko ay mas mayaman ang pamilyang ito kesa sa pamilya ni Lady Lorraine.

Isang imbitasyon ang ibinigay ni Lady Lorraine sa guwardya at pinayagan na kaming pumasok. Kumapit sa braso ko si Lia at tulad ko'y mangha rin sa nakikita sa paligid ng tahanan ng pamilyang Daverro.

Pinapasok rin kami sa malaking pinto ng bahay. Hindi pa kami tuluyang nakahanap ng pwesto ay halos daanan kami lahat ng paningin ng mga naroon. Titingin kay Lady Lorraine, kay Lia at titigil ang titig sa akin.

Nanginginig ang kamay ko at pasalamat akong hindi iyon halata. Hindi ako sanay na pagtinginan.

Dumiretso kami sa pamilyang Daverro na nakatayo sa harap upang bumati. Kaarawan pala ng nag-iisa nilang anak na babae.

Icy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon