Kabanata 24

3.8K 177 8
                                    

Naging busy ako sa research defense namin kaya di ako nakapag-update.

Btw, huyy😭 Walang continuation ng spg part sa Kab 23 dito sa Kab 24. Nabasa ko mga comments nyo.

*****

❄YEJIN❄

Araw ng linggo ngayon at napaaga ako ng gising. Alam kong gising na kanina pa sina ina dahil naririnig ko ang mga galaw sa kusina at sala.

Kahapon ay hindi ko nakasama ang magpinsan dahil sa abala raw ang mga ito sa Palasyo. Pumunta ako sa bahay nila ate Fauna na ako lang at kahit hinanap niya ang kasintahan ko ay ipinagtapat ko na lamang sa kaniya ang totoo.

Wala namang pinagbago sa mga reaksyon, ganun din siya. Pinaalalahanan ko na lang na kung maari ay siya lang muna, sa kanya lang muna ang kaalamang iyon.

Pagkatapos ng unang araw na may nang-yari sa amin nina Terrence at Kaden ay naulit iyon. Nakikita ko rin ang pagbabago sa dalawa kapag kasama ako o kaya'y kapag kami lang. Ngumingiti at tumatawa na sila pero mas malakas pa rin ang dating sa akin kapag masungit at malamig ang tingin nila.

Hindi man nila aminin pero napapansin kong pagdating sa gusto ay kadalasang nasusunod ang akin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa isiping iyon lalo na kapag naalala ko kung paano sila bumuntong hininga kapag di nila ako mapigilan kapag may nais ako.

Akmang bubuksan ko na ng malawak ang pinto ng aking silid ay natigilan ako nang marinig ang seryosong boses nila ina at ate Ylenna sa sala.

Nakasilip ako sa maliit na siwang habang sila naman ay nakaupo sa sala habang may tinatahing tela si ina.

"Ina, nag-aalala ako. Paano na si Yejin? Alam kong masasaktan siya kapag nalaman niya."

Napakunot ako ng noo. Anong ibig sabihin ni ate Ylenna?

"Nagbabala na ako tungkol sa pagkakagusto nila sa Mahal na Prinsipe ngunit hindi ko inakala na magkakaroon sila ng relasyon ni Yejin. Wala na tayong magagawa pa roon. Kailangan ni Yejin tapusin ang relasyon nila."

"Pero ina---"

"Hindi sila pwedi. Hindi na matutuloy ang paligsahan sa paghanap ng asawa ng Mahal na Prinsipe dahil sa dumating ang isa sa maharlikang Pamilya sa Ician. Itinakda na ang mapapangasawa ng Mahal na Prinsipe. Nandoon ka nung hindi pormal ipinagkasundo ang mga ito kaya't alam mo ang sinasabi ko."

Alam na ni ina? Ipinagkasundo? Kelan? Kahapon?

"Alam mong lagi kong pinagbibigyan si Yejin sa gusto nito. Pero gusto kong pigilan siya sa bagay na meron sa kanila."

"Pero ina, si Yejin dapat ang mapapangasawa ng Mahal na Prinsipe."

Ha?

"Oo bilang kasunduan sa pagitan ng magkabilang kaharian. Ang Mahal na Prinsipe ay para lamang sa Icy Princess. Ang titulong iyan ay nabuhay nang ipanganak si Yejin ng dating Mahal na Reyna."

"Hindi kailangang maging asawa ni Yejin ang Mahal na Prinsipe para hirangin siyang Icy Princess dahil una pa lang siya na ito."

Hindi ko namalayan na napaupo na ako dahil sa panghihina ng tuhod sa mga narinig.

"Hindi na siya Prinsesa, Ylenna. Wala na sa kanya ang titulong iyon simula nang maglaho ang sariling kaharian ng angkan natin dahil sa kasalukuyang Reyna. Namatay ang mga magulang ni Yejin dahil sa gusto nitong ipanatili ang kaharian ng angkan natin ngunit tumaliwas ang kasalukuyang Reyna at nakipagsabwatan sa maharlikang pamilya para ibagsak ang pamilyang Frost at maging ang pamilya natin. Maharlika tayo pero dahil sa tapat tayo sa pamilya ni Yejin ay inalisan tayo ng yaman at ginawang tagapagsilbi ng kasalukuyang Reyna." Bakas ang galit ni ina sa mga sinabi niya.

Icy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon