Kabanata 8

4.4K 236 5
                                    

YEJIN

"Hmm. Hindi pala pwedi yung kambal at si Daverro kaya ang pagpipilian na lang ay sina Prinsipe Terrence at Kaden. Ang kaso parehong tahimik at may pagka-masungit."

"Ate!"

"Sabagay, may pagka-masungit ka rin naman. Sino ba sa dalawa ang gusto mo?"

Sinamaan ko ng tingin si ate Ylenna. Kanina pa siya ganyan. Para siyang si Zainah nakaraan sa pagdiriwang.

Kaya nya nasabi na hindi pwedi si Zanlex, Dylan at Denver ay dahil sa Aquarian ang mga ito at kapwa Aquarian rin dapat ang kanilang kapareha. Sa kaso naman ng Mahal na Prinsipe ay ang kailangan niyang asawa ay mula sa Ician at si Kaden naman ay Ician din. Kaya silang dalawa lang ang pwedi.

Kaya rin hindi ako tumanggi nung sinabi ni Zainah na si Zanlex ang isayaw ko dahil wala namang kahulugan iyon.

"Alam mo, Yejin. Wala naman talagang kaso sa akin kapag isa sa kanila ang nakatuluyan mo. Pero mas gusto ko maging prinsesa ka hahaha."

"Gusto kitang makita na may korona." Aniya at kumuway pa na iniisip na ganun ang gagawin ko. Napailing na lamang ako.

"Imposible yan, ate."

"Walang imposible. Alam mo bang nakita ko na ang pagpipilian ng mapapangasawa ng Mahal na Prinsipe. Wala akong makitang lutang sa lahat ang awra, presensya at ganda."

"Alam mo kasi ang katangian ng isang mapapangasawa ng susunod na Hari ay agaw-pansin, angat, naiiba, napakaganda, malakas, matalino at ma---"

"Maharlika." Dugtong ko na ikinatango niya.

"Mukha ka namang maharlika." Sambit niya at tumawa. Napangiti na lamang ako. May bahagi talaga siyang ganito, mapaglaro at masiyahin. Isa sa gusto ko kay ate Ylenna.

"Halika na. Hahatid pa tayo ng pagkain ng mga Prinsipe at Prinsesa."

Sumunod ako sa kanya at pagkapasok namin sa Silid ay nakita ko roon ang kaninang mga tagapagsilbi. Nang makita nila kami ni ate Ylenna ay nagsimula na naman silang magbulungan. Hinayaan ko na lamang at dumiretso kami sa may kusina.

Naroon na ang mga hinandang pagkain at si Lady Rema na sinusuri ang mga ito. Dumami na rin ang mga tagapagsilbi sa kinaroroonan namin. Naghihintay sa ihahabilin ng Lady.

Napagilid ako nang may sumagi sa akin at yung kaninang mga tagapagsilbi. Nginisihan pa ako at nang magawi kay ate Ylenna ang tingin ay agad na umiwas.

"Sa balkonahe magtatanghalian ang mga Mahal na Prinsipe at Mahal na Prinsesa. Kasama nila ang Elitian. Ylenna, Kayla at kayong apat ang magdadala at magsisilbi sa tanghaliang iyon."

Hindi ako kasama sa napili at pabor na rin iyon sa akin. Mabilis namang sumunod sila ate Ylenna at ang mga bumangga sa akin sa pagbuhat ng mga pagkain. Natira ako at ang ilan.

Napatingin sa akin si Lady Rema. Akala ko ay uutusan niya ako pero wala siyang sinabi at umalis na rin. Napabuntong hininga ako. Anong gagawin ko ngayon?

"Iha?"

Napalingon ako at nagulat kay Lady Rema na nasa harap ko.

"Samahan mo akong pumunta sa pamilihan."

"Po! Opo." Agad akong sumunod sa kanya. Inayos ko pa ang mukha at nagpagpag ng kasuotan. Inayos ko rin ang pagkakatali ng buhok at sinuklay ito gamit ang kamay.

Nang makalabas kami ng Palasyo ay tahimik lamang si Lady Rema. Nakasunod lamang ako sa kanya at nang sa tulay na kami ay bumagal siya sa paglakad at binalingan ako.

"Ano ang iyong pangalan, iha?"

"Yejin po."

"Frost."  Bulong niya na hindi ko gaano naintindihan kaya napakunot ako ng noo.

"Po?"

"May naalala lang ako." Ani nito at ngumiti. Nagulat naman ako roon. Bakit kaya? Ano kaya ang naalala niya?

Nang makarating kami sa pamilihan ay panay lang ang sunod ko sa kanya. Naging tagabitbit ako ng mga pinamili niya. Hindi naman gaanong mabigat. Nawiwili rin akong magmasid masid at minsan ay nakikita ko siyang pinagmamasdan ako at kapag nakikita ko ay umiiwas siya. Nawirduhan na tuloy ako sa kanya.

"Iha!" Natigil kami sa paglakad nang isang matandang babae ang tumawag sa akin. Nagtitinda ito ng mga palamuti at ipit para sa mga babae.

Muli itong kumuway sa akin kaya napatingin ako kay Lady Rema na sinenyasan akong lumapit sa babae. Lumapit naman ako at nagulat ako nang maglahad ito sa harap ko ng isang ipit.

"Tanggapin mo, iha. Nababagay ito sa napakaganda mong itsura."

"Po?"

"Wala iyang bayad." Aniya at lumapit sa akin at inilagay sa buhok ko. Ngumiti siya sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ay tanggapin. Napatingin ako sa salamin at nakitang maayos naman ang pagkakalagay nito.

"Maraming salamat po." Ngumiti ako sa kanya na ikinabigla niya. Niyaya na ako ni Lady Rema at agad na akong nagpaalam sa matanda at muling nagpasalamat.

Nang makalayo na kami ay hinawakan ko ang ipit at napangiti. Natigil lang nang makita kong nakatingin sa akin si Lady Rema. Natapos na siya sa pamimili kanina at ngayon ay pabalik na kami sa Palasyo.

Kahit sa malayo pa lang kitang kita ko ang mga maharlikang nasa tulay at nakatambay. May mga grupo ng mga lalaki at meron ding mga grupo ng mga babae na ang tinitingnan ay ang balkonahe sa ikalawang palapag ng palasyo.

Nakayuko lang ako habang nakasunod kay Lady Rema. Nung malapit na kami sa may bukana ng Palasyo at dulo ng tulay ay napatigil kami ni Lady Rema.

"Lady Rema, sino po iyang kasama nyo?"

Grupo ng mga mahaharlikang mga lalaki. Mga Ician at Aquarian.

Seryoso ko naman silang binalingan at ganun na lamang ang gulat at pagkamangha nila sa akin. Iniwas ko ang tingin at tinuon sa daan.

"Sekreto." Mapagbirong ani ni Lady Rema at nagtuloy sa paglakad. Sumunod naman ako at natawa sa sinabi nito. Hindi ko na binalingan ang mga lalaki na sa tingin ko ay sa akin pa rin ang titig.

"Miss, anong pangalan mo?"

Pahabol pa nila pero tuloy tuloy lang ang lakad ko at nahihiya sa nangyari. Palagay ko nga ay namumula ang mga pisngi ko. Umangat ang tingin ko at ganun na lang ang gulat ko ng makita ang Elitian na nakatingin sa pwesto namin, sa akin.

Nagbaba ako ng tingin at nagmadaling makasunod kay Lady Rema. Nang makarating kami sa gilid ng Palasyo at tuluyang makapasok ay tumigil siya at nilingon ako.

"Mukhang nakuha mo ang atensyon ng mga maharlika. Mag-iingat ka, iha." Napangiwi naman ako.

"Agaw-pansin talaga ang ganyang itsura."

Pumasok na ito at ako naman ay sumunod rin matapos mapabuntong hininga. Hindi ko tuloy alam kung magmamaskara ba ako para hindi na nila makita ang mukha ko o ano.

Sa hapon ay nasa kusina at labas lang ako napupunta para maglinis at tumulong. Hindi na ako nautusan sa ibang parte ng Palasyo na ikinatuwa ko naman. Medyo di lang nabago yung masamang tingin sa akin nang kaninang grupo ng mga tagapagsilbi.

Ramdam ko namang ayaw nila sa akin dahil siguro'y nasasapawan ko ang ganda nila. Biro lang. Medyo masama lang daw talaga ang ugali nila sabi ni Ate Ylenna. Nakakaaway na rin daw yan sila ni Yessa at Yurika.

Na-kuryuso tuloy kung anong klase sila mag-away dahil medyo pareho sila ng ugali pagdating sa akin. Baka nga magkasundo pa sa pag-away sa akin. Pero ayos lang naman sa akin. Hindi naman ako kawawa kung sakaling pagtulungan nila ako. Kaya kong idepensa ang sarili at hindi naman ako ganun kahina para apihin lang.

*****
-btgkoorin-

Icy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon