Kabanata 18

4.1K 243 23
                                    

❄YEJIN❄

"Malapit na tayo!" Galak na pahayag ni Lia habang nakapaikot ang kamay sa aking braso at hila ako.

May mga nakasabayan din kaming papunta roon at humahalo kami rito. May napapatingin sa amin ni Lia pero isinawalang bahala na lang namin.

Nakikita na namin yung harang para sa mga manonood ng pagsusulit. Maliit lamang ang espasyo dahil sa may harang na yelo ang palibot sa gaganapan. Nang makalapit kami sa daanan papunta sa loob ay hinila ako ni Lia malapit sa bukana.

Bago ako lumingon sa gaganapan ng paligsahan ay nadako ang tingin ko sa iilang Maharlika na palagay ko ay magulang ng ilan. Naroon din ang Prinsesa Thiana at Prinsipe Tyrell. Malapit sa kanila ay nakita ko sina ate Ylenna, Yurika at Yessa.

Bumaling na ako sa loob ng harang at nakita ang kumpol na maharlika at sa harap nila si Master Vinz.

"Hindi ka pa ba lalapit?" Nilingon ko si Lia. Hindi ako sumagot at muling ibinalik ang tingin kina Master Vinz. Umatras ako palikod at medyo natago sa katabi namin at ni Lia.

"Maari na kayong pumunta sa kanya-kanyang grupo. Dapat ay anim kayo na grupo." Anunsyo ni Master Vinz.

Gumalaw naman sila at nagkanya-kanyang pwesto. Tulad ng inaasahan ay magkakasama ang Elitian. Nadako ang tingin ko kay Zainah na nasa isang grupo ng Aquarian. At bumaling sa grupo na puntirya ko ngayon. Nagtatawanan ito at mapapansin ang mapangmata nito sa ibang grupo at pagpapansin sa Elitian dahil pumwesto ito sa tabi ng Elitian.

Napangisi naman ako nang makitang ayos na ang limang grupo. Napalingon sa akin si Lia, nagtataka.

"Nasaan si Yejin Namero?" Malakas na tanong ni Master Vinz na nagpatigil sa kanyang mga estudyante. Napansin ko pa ang paglinga ni Zainah wari'y hinahanap ako.

"Manood ka, Lia." Ngumisi ako sa kanya at pumasok sa daanan palapit kina Master Vinz. Tulad ng palagi kong ekspresyon ay seryoso akong naglalakad papunta sa bakanteng pwesto, sa pinakagilid sa kanang parte.

Huminto ako sa harap ni Master Vinz at yumuko.

Dahil madadaanan ko ang lahat ng grupo ay nang matapat ako sa grupo nila Saphira ay nginisihan ko sila. Naging masama naman ang tingin nito sa akin pero hindi man lang naalis ang ngisi sa labi ko para sa kanila.

Pansin ko rin ang atensyon ng Elitian sa akin maging ang ibang grupo. Nang makarating ako sa pwesto ay tumayo na ako at seryosong humarap kay Master Vinz.

"Para sa unang bahagi ng inyong pagsusulit sa araw na ito, kayo ay isasalang sa gawa sa kahoy ng mga obstacles na nasa likod ninyo."

Napalingon kami sa aming likod at nakita ang inaayos na sinabi niyang obstacles. Mahaba ito at maraming mga umiikot na mga maaring tumama sa dadaan rito.

"Ang unang pagsubok upang tukuyin ang kakayahan ng iyong pisikal. Ang gagawin nyo ay dapat lahat kayo sa grupo ay makatawid. Ang hindi makakagawa sa inyong grupo ay kabawasan sa inyong puntos." Pahayag ni Master Vinz. Nahinto ito nang may tumaas ng kamay.

"Master, paano po si Yejin? Isa lang sya hindi po ba madaya iyon?"

"Hindi. Limang beses siyang dadaan sa obstacles. Ang pagpuntos ay ganun rin." Seryosong sagot ni Master Vinz na ikinatahimik nung nagtanong. Napatingin sila sa akin pero ako ay walang pakialam kung ganun man ang gagawin ko.

Hindi naalis ang tingin ko kay Master Vinz. Alam niyang madali lang sa akin ang pagsubok na iyon dahil iyon ang nakasanayan kong gawin pagkatapos niyang magsanay sa akin sa tuwing pupunta ako sa bahay niya. Pero mas maganda na rin dahil mas ginanahan ako.

Icy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon