Kabanata 19

4.1K 216 12
                                    

YEJIN

"At saka, mag-aasawa na ako at magpapakalayo na kami upang manirahan sa ibang bahagi ng Wisteria."

Matapos kong sabihin iyan ay inalis ko na ang atensyon sa kanila at natawa ng di sinasadya at mahina nang makitang nadapa ang isa sa kasamahan nila Saphira.

"Lampa." Pahayag ko.

Natigil ako nang may maramdaman akong mabigat na awra mula sa gilid ko. Galing ito sa Elitian. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba dahil sa dulot nito. Napakalamig.

"Paulit ng sinabi mo, Yejin Namero." Hindi ito galing kay Zanlex, ngunit sa Mahal na Prinsipe. Napakalamig at madiin.

Humarap ako rito at sinalubong ang malamig at seryoso nitong tingin. Namutla naman ako at tumindi ang kaba. Napaiwas ako ng tingin pero nang magkasalubong kami ni Kaden ay ganun rin ito.

"N-nasa tamang e-edad naman ako k-kaya ayos lang na m-mag-asawa na a-ako." Mas lalo yatang nadagdagan ang sama ng awra nila. Napangiwi ako.

Ano bang problema nila sa sinabi ko?

Napabaling ako sa pag-urong ng katabi kong grupo kaya umurong din ako. Hindi na ako muling bumalik ng tingin sa Elitian at hinayaan na lang sila kahit na hindi pa rin bumabalik ang awra nila.

Wala naman silang alam na kung mag-aasawa ako sa nasa dalawa lang, nasa magpinsan lang ang pipiliin ko.

Ang grupo nila Zainah ay nabawasan rin ng isang puntos tulad kina Saphira. Ang sumunod kina Zainah ay yung katabi kong grupo na mas madaming nabawas na puntos dahil sa mga kinakabahan, halos natatamaan at natagalan makarating sa dulo. Naging maingay din sila kapag natatamaan o nagugulat. Kaya halos ang iba sa kanila ay may mga pasa.

Kahit bawal gumamit ng kapangyarihan ay lumapit ako sa kinaroroonan nito. Nagulat pa sila sa akin. Dahil alam nilang ako yung nag-aasikaso sa nasusugutan ay pumayag silang lapatan ko ng lunas. Tinapalan ko ng yelo ang may mga pasa at nang matapos ako ay nagpasalamat sila sa akin.

Umalis na ako para pumunta sa simula nang obstacles. Nang makarating ako sa harap nito ay pinagmasdan ko ito at napangisi.

Pagkatapak ko pa lang ay naging mabilis ang kilos ko sa paghakbang pag-iwas at pagyuko. Naging tulad ng hangin sa lambot at linis ng bawat galaw ko hanggang sa makarating ako sa dulo. Nang makabalik sa simula ay ginawa ko ang laging nakasanayan na parang sumasayaw lang sa pag-iwas at paglakad. Ganun lamang ang ginawa ko at naging madali sa akin matapos ang pang-apat na balik. Nakakaramdam ako ng pagod  matapos ito at nang makita ko sina Saphira na masama ang tingin sa akin ay ngumisi ako.

Ang huli kong pagsubok ay naisip ko ang ginagawa ni Master Vinz na sinasangga ang bawat tatamang kahoy. Hindi naman ito matulis kaya ayos lang na sanggain kung kaya ng pisikal na lakas.

Nung una ay sinasabayan ko lang ang agos nito ngunit nang sa gitna na ako ay nagsimula na akong sanggain ang mga ito at mag-iba ng direksyon ang mga ikot. Naging mabilis ang ginawa kong kilos at bawat sangga ko rito ay nagdudulot ng malakas na tunog. Nang malapit na ako sa dulo ay tumihaya ako ng ayon sa tantiya kong mas mababa kunti sa sasalubong sa aking kahoy. Saktong pag-angat ko ay nasa labas na ako.

Tahimik ang paligid at dalawang palakpak ang umibabaw. Napatingin ako rito at una kong nakita si Lia at nadako sa ikalawa na si Prinsesa Thiana. Nakangiti ito sa akin.

Napatigin ako kay Master Vinz na nakangisi sa akin at napalakpak rin. Ang mga nanonood ay napalakpak rin. Napatingin ako kay Ate Ylenna na ngiting ngiti kaya napangiti na rin ako. Pero saglit lamang iyon dahil napunta ng tingin ko sa dalawang magpinsan na seryoso at malamig pa rin.

Umalis na ako at pumunta sa tabi ng grupo na tinulungan ko kanina. Nakatingin ito sa akin at namamangha.

"Tapos na ang unang bahagi ng inyong pagsusulit sa araw na ito. Ang unang grupo ay may limang puntos, ang ikalawa at ikatlong grupo ay apat, ang ikaapat na grupo ay tatlo, ang ikalima na grupo ay may dalawang puntos at ang ika-anim na grupo ay may limang puntos."

Hindi ko maiwasang mapangisi sa resulta.

"Ang huling bahagi ay ang matira-matibay. Hahatiin sa dalawang bahagi, ang una ay para sa mga lalaki at ang ikalawa ay para sa mga babae. Ang puntos ay base sa grupo pa rin. Kung sino-sinung miyembro ng grupo ang matira sa loob ng tatlompung minuto ay makakatanggap ng perpektong puntos na sampo at ang mga bagsak na grupo ay makakatanggap lamang ng limang puntos."

"Ang patakaran ay walang gagamit ng kapangyarihan. Ang tanging pwedi lamang ay ang pisikal na kakayahan. Kung sino mang lumabag nito ay magkakaroon ng bagsak na grado ang kinabibilangang grupo para sa kabuuan ng pagsusulit."

"Kailangan nyo lang patumbahin ang inyong kalaban. Kapag hindi ito makatayo sa loob ng tatlong segundo ay kusa itong mailalabas sa harang upang matira ang mga nakakalaban pa."

Pagkatapos magsalita ni Master Vinz ay may lumabas na tubig na harang sa kaninang kinalalagyan ng obstacles. Nakabuo ito ng malawak na hugis parisukat. Sa taas nito ay ang gawa sa tubig na kapangyarihan na orasan. Ang bilang nito ay nasa tatlumpong minuto.

"Maari nang pumasok ang mga lalaki sa loob ng harang."

Nang nasa loob na sila ay napansin ko ang pag-atras ng ilan habang nakatingin sa Elitian. Ganun pa rin ang awra ng dalawa na sinamahan ni Zanlex. Sa sobrang seryoso at lamig ng mga ito ay nakakatakot sila lapitan.

Nakakarinig din ako ng pagtataka kung bakit naging ganyan sila. Ang ilan naman ay paghanga dahil sa mas lalong nagiging gwapo sila. Napangiwi na ako dahil baka dahil sa kanina pa rin.

Isang hudyat ay nagsimula nang gumalaw ang oras. Nagpapakiramdaman naman ang mga nasa loob ng harang nang mabilis na kumilos ang mga Elitian at pinatumba ang mga malapit sa kanila. May mga nakaiwas at ang ilan ay natatakot sa ipinapakita lalo na ng tatlo.

Napangiwi ako dahil sa nakakatakot talaga sila. Hanggang sa pwesto ko ay ramdam ko ang tensyon. Tingin ko rin ay malalakas ang epekto ng sipa at suntok na pinapakawalan nila sa natatamaan.

Nadako ang tingin ko kay Matt na ganun rin ang ginagawa sa malapit sa kanya pero ang hindi niya inaasahang pagharap ay ang suntok ng Mahal na Prinsipe sa tiyan niya na nagpatalsik at tumba sa kanya. Napanganga ako.

Ang dami na ng nasa labas ng harang at napatingin ako sa oras. Walong minuto pa lang ang nakakalipas at mukhang wala pang sampung minuto ay tatapusin na ng Elitian.

Silang lima na lang ang natira pagka-siyam na minuto. Nadako ang tingin ko kina Prinsipe Terrence at namutla nang makita sila na nakatingin ng seryoso sa akin. Napansin ko pa ang pagngisi at pag-iling nina Dylan at Denver na may pinapahiwatig.

Napuno ng palakpakan ang lugar. Ako naman ay umiwas ng tingin at saktong pagharap ko sa kanan ko ay nakita ko si Zainah na nakatingin sa akin. Nabigla ako pero agad na inalis ang tingin sa kanya. Natapat malapit sa kanya, kay Hestia na kasama nya pala sa grupo. Masama ang tingin nito sa akin. Inalis ko sa kanya ang tingin at binalik kay Master Vinz.

"Para sa ikalawang bahagi, maari nang pumasok sa harang ang mga babae." Anunsyo ni Master Vinz. Hinintay ko naman na makapasok lahat at saka ako sumunod.

Habang naglalakad ay ramdam ko ang titig sa akin mula sa Elitian. Nakaramdam man ng kaba ay patuloy ako at naging seryoso nang makita ang ayos ng bawat grupo. Lahat sila nasa gilid at walang nasa gitna. Napahinto ako at nilibot ang tingin sa kanila.

Tumigil ako ng tingin kina Saphira na nakangisi sa akin. Halatang may balak gawin. Nagpatuloy ako sa paglakad at pumwesto sa gitna. Napatingin sa oras at naghihintay ng hudyat.

Alam ko. Ramdam ko. Ang ilan sa kanila ay ako ang balak unahin at alisin rito sa harang. Nais nilang pagtulungan ako.

Isang hudyat ay naramdaman ko ang pagsugod sa likod ko pero bago niya pa ako matamaan ay yumuko ako at umikot sa likod niya saka pinatama ng malakas ang bente sa likod niya na ikinatalsik niya at napaatras ang mga nasa harapan ko kanina. Ang sumunod na sumugod naman ay nilusutan ko sa gitna sa pamamagitan ng pagliyad kaya't muntik na silang masubsob. Tatlong segundo ay nawala ang unang sumugod. Nag-angat ako ng tingin sa kanila at napangisi.

"Isa na."

*****
-btgkoorin-

Icy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon