Kabanata 21

4.4K 238 78
                                    

YEJIN

"Saan tayo?" Seryosong tanong ko sa tatlo. Ako na lang natirang nakatayo sa amin dahil nasa kanya-kanyang pwesto sila dito sa sala na pinuntahan namin.

Malawak ito na gawa sa yelo at maganda ang disenyo. Sa labas ng bintana ay ang kulay asul na---. Natigilan ako at lumapit sa bintanang malapit sa akin. 

Napanganga nang may dumaang kumpol ng isda. Ang bintana ay may harang na yelo kaya kahit nilabas ko ang kamay ko ay hindi ako nababasa ng tubig. Isa lang ang naiisip ko. Nasa ilalim kami ng dagat.

Bumaling ako sa tatlo at ganun na lamang ang gulat ko nang makitang sa akin ang tingin nila. Naramdaman ko ulit ang kaninang awra nila na malamig at seryoso.

"B-bakit nyo ako dinala rito? Ibalik nyo ako kay Lia. May gagawin at pupuntahan pa kami."

"Zanlex!" Madiin kong tawag rito pero seryoso pa rin ito. Nakakapanibago siya dahil hindi sya ganyan nang mga nakalipas na araw.

"Dito ka lang." Aniya na ikinakunot-noo ko.

"Bakit? Ano bang problema niyo at sinama nyo ako dito? Wala naman akong ginawa."

"Ginawa? Wala. Sinabi? Meron." Napabaling ako kay Kaden na tulad rin ni Zanlex ang ekspresyon.

Naguguluhan na ako sa kanila. Saka sinabi? Yung biro ko? Hindi pa rin ba nila nakakalimutan? Yun ba ang dahilan kung bakit sila ganyan?

"Biro lamang iyon. Pwedi nyo na ako ibalik kay Lia."

"Hindi." Si Prinsipe Terrence.

"Biro lang nga iyon. Bakit ayaw nyo ba maniwala sa akin? Naiinis na ako sa inyo." Lumamig ang pagkasabi ko sa huling parte. Napansin ko ang pagkabigla nila kaya naisip ko na ganun ang gagawin kong pagkausap sa kanila.

"Ano pa bang kailangan nyo?"

"Mananatili ka rito." Sinalubong ko ng seryosong tingin ang Mahal na Prinsipe.

"Sa tingin mo ba, papayag kaming maunahan sa iyo? Sa mga pinakita mo, walang aangkin sa iyo?" Napanganga ako at napaatras sa dinagdag nito.

"Hindi mo man pansin pero ang iba sa mga lalaki kanina ay may gusto sayo. Kaya nararapat lang sakanilang bumagsak sa pagsusulit kanina." Si Zanlex.

"Nakakagalit ang sinabi mo kanina, alam mo ba yon?" Si Kaden.

Muli akong napatras at hindi makapaniwala sa kanilang tatlo. May ideyang pumapasok sa isip ko pero ayaw kong paniwalaan hangga't hindi nila mismo sinasabi ang eksaktong kataga.

"Sa amin ka, Yejin simula pa lang nang makita ka namin."

"Pinaglalaruan niyo ba ako? Hindi nakakatuwa."

"Ang magiging kasintahan at asawa mo ay sa amin lang manggagaling. Walang iba, Yejin. Kung hindi mo pa rin naiintindihan, gusto ka naming tatlo."

"Anong sinasabi mo, Zanlex? Hindi tayo pwedi dahil magkaiba tayo ng angkan na pinanggalingan."

"Alam ko iyon, Yejin. Kaya ang nais ko ay isa sa kanilang dalawa ang maging asawa mo. Ngayon, pumili ka sa kanilang dalawa."

Hindi ko mapigilang matawa. Napunta na naman ako sa sitwasyong pinapapili ako sa dalawa.

"Ilang beses na ba ako pinapapili sa kanilang dalawa?" Binalingan ko ang magpinsan.

"Sa tingin nyo ba mag-aasawa ako na hindi galing sa Elitian? Hindi ganun kababa ang batayan ko para kumuha na lang ng iba at gawing asawa. Kaya lang, hindi kayo pwedi sa akin." Sumama ang tingin ng dalawa, di nagustuhan ang huling sinabi ko.

Icy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon