Kabanata 28

3.4K 175 8
                                    

❄YEJIN❄

"Yejin, nakahanda na ang umagahan natin." Nilingon ko si ate Ylenna at tumango. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko at ngumiti dahil sa maumbok na ito. Nagpapahiwatig na lumalaki na ang laman ng sinapupunan ko.

Tatlong linggo. Ganun na ang lumipas na panahon simula nang mangyari ang gabing iyon.

Sa kung paano ako nakaligtas sa ganung sitwasyong meron ako ay dahil habang inaala ko ang dalawa ay may umudyok sa aking lumaban pa para mabuhay. Nanlalamig na ako sa tubig nun at nanghihina pero dahil sa kagustuhan ng isip ko ay ang  kapangyarihan ko mismo ang kumilos para makaalis ako sa pagkakatali at gumaling ang nga sugat. Matapos kong madala ang sarili sa mga batuhan ay nawalan ako ng malay.

Tulad ng bilin na ibinukong ko kay ate na hanapin ako ay tinupad niya iyon, inabot siya ng tatlong araw bago ako mahanap dahil na rin sa hirap ng pinaglalagyan ko at dahil na rin sa sitwasyon nila.

Inalis sila sa dating bahay namin at nilipat sa malayong kabahayan. Inalis bilang tagapagsilbi sa palasyo at hindi hinahayaang makalapit sa sentro. Ang mahalaga sa akin ay walang lubhang nasaktan sa kanila at nagsisimulang ulit.

Hindi pa nakakauwi sa kanila si Ate Ylenna simula nang mahanap nya ako sa batuhan malapit sa bangin. Sa takot niyang balikan ang lugar na ito nang may gawa sa amin, napilit niya akong maglakbay. Abutin ang pinakamalayong lugar sa norte ng Wisteria. Ilang araw din ang naging paglalakbay namin. Wala akong reklamo dahil gusto ko rin na makalayo dahil manganganib ang buhay ko, ang buhay nila at ang buhay ng anak ko.

Ang bahay na naitayo namin ni ate Ylenna ay gawa sa yelo na siyang kapangyarihan ko. Ngunit ang mga gamit ay hindi purong gawa sa yelo dahil may ibang gawa sa kahoy na kami mismo ang gumawa at bumuo.

Tahimik. Simple. Payapa. Ganun ang buhay rito. Nanggaling sa sapang malapit sa bahay namin ang pinagkukunan namin ng isda at mula naman sa gubat ang iba naming pagkain.

Gusto ko rin kumilos para mag-asikaso pero hindi ako hinahayaan ni at Ylenna. Sinasabi niya na lang sa akin huwag daw tapos magdadahilan na...

"Hindi dapat napapagod ang mahal ng Mahal na Prinsipe. Dapat magpahinga ka lang para malusog ang munting prinsipe."

Pinipilit niya ring lalaki ang nasa sinapupunan ko dahil sa gusto nya rin ng lalaking pamangkin. Wala na nga daw kasi kaming kapatid na lalaki kaya pati ba naman ang anak ko ay babae pa rin. Kung sa akin naman ay wala namang kaso kung babae o lalaki. Ang mahalaga, ang ama niya ay ang dalawa.

Wala rin akong balita sa dalawa tulad ni ate Ylenna na walang masabi sa akin. Pakiramdam ko tuloy ang naging pag-anunsyo. Baka nga pinaghahandaan na ang kasal nila o baka ikinasal na? Ayaw ko isipin na maging iyon ay tuloy. Lalong hindi ko mapapatawad ang Mahal na Reyna kapag nangyari iyon.

Kung hindi lang delikado para sa akin at sa mga nakapalibot sa akin ay babalik ako.

Pero naisip ko. Dito ko gustong palakihin ang anak ko. Malayo sa panganib na dulot ng Mahal na Reyna at ng mga Daevons.

"Siguro, Yejin. Huwag na ikaw bumalik sa bayan. Hindi sa itatago na natin sa dalawa ang tungkol sa anak nila at ang katotohanang buhay ka pa pero hanggat nandun ang Mahal na Reyna at ang Daevons, manganganib ang buhay mo at ng anak mo."

"Sige, ate Ylenna."

"Naalala mo? Yung gusto kong ako ang mag-aalaga sa anak nyo. Gustong-gusto ko nang mangyari yon kaya sana bumilis ang oras at lumaki na agad!"

Tumawa na lang ako sa kanya.

Lumipas pa ang mga araw, hanggang sa mag-ilang buwan. Positibo kami ni Ate Ylenna na hindi lang isa ang nasa sinapupunan ko kundi dalawa. Nagsimula na rin akong mahirapan dahil medyo mabigat kumilos kaya lagi na lang akong nakaupo. Minsan ay naglalakad.

Icy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon