Kabanata 23

4.1K 185 30
                                    

YEJIN

"Bakit pala napaaga ang dating nyo?" Kuryoso kong tanong sa kanila. Bumaling ako kay Lia at tinaasan ito ng kilay.

"Hindi ka pa uuwi?" Umiling ito sa akin.

"Nakalimutan mo na yata na nagpapasama ka sa akin pumunta sa bahay ni Master Vinz." Kumunot ang noo ko at nang maalalang sinabi ko ito sa kanya kahapon ay napatango na lang ako at napabuntong hininga.

"Para saan at bakit ka pupunta roon?" Seryosong tanong ni Terrence. Sa halip na sagutin siya ay tumingin ako ulit kay Lia.

"Sa linggo na lang ng hapon."

"Sige, sige."

"Yejin, tinatanong kita."

Napabaling ako kay Terrence at isang biro na naman ang pumasok sa isip ko.

"Magpapakonsulta dahil hindi ko magamit ang kapangyarihan ko ngayon." Seryosong pahayag ko na ikinagulat nilang lahat. Napansin ko naman ang pag-aalala nila matapos magulat. Akmang lalapit na sa akin si Kaden nang magsalita ako.

"Biro lang." Ani ko at ngumiti sa kanila.

"Yejin!" Sabay na banggit ng magpinsan sa seryoso at malamig na boses.

"Ang pangit ng biro mo talaga kahit kailan." Napahilamos si Zanlex sa kanyang mukha. Problemado sa akin. Napatawa naman ako.

"Saan ba ang lakad ngayon? Ayos lang sa akin na umuwi ng gabi." Sabi ko.

"Sama ako!" Ani ni Lia saka kumawit sa braso ko. Nakita ito ni Zainah kaya gumaya sa kabilang braso ko. Nakasanayan na nilang dalawa ang kumawit sa akin.

Napatingin naman ako sa dalawa na masamang nakatingin sa magkabilang braso ko na okupado ng dalawang babae.

"Malay sa dalawang 'to." Tukoy ni Zanlex sa magpinsan. Nasa kanila tuloy ang atensyon namin.

"Depende sa kanya." Tulak naman ni Kaden sa akin. Napa-angat naman ako ng kilay. Nung mga nagdaang araw ay pumupunta lang kami sa tambayan nila o kaya sa lugar na walang gaanong tao at pagkatapos nun ay inihahatid na nila ako sa bahay. Hindi ko nga lang sila pinapalapit masyado.

"Parang nakaraan lang kayo pa ang nauuna mag-aya sa Bahay-Aliwan---" Sumama ang tingin ko kay Zanlex. Binalingan ko ang dalawa at nang magsasalita ito ay tumalikod ako at nasama naman ang dalawang sa magkabila ko saka nauna nang lumakad. Tahimik naman ang dalawa sa magkabila ko.

"Yejin!"

"Bahay-Aliwan pala ah." Madiing sambit ko na ang nakakarinig lang ay ang dalawa. Natawa ito sa akin pero hinayaan ko na lang dahil nakaramdam ako ng mabigat sa nalaman kay Zanlex.

"Pumupunta pala sila doon. Kaya siguro hindi nahihiyang magpakita ng pagkagusto sina Khiela, Saphira sa kanila kasi nagkikita sila doon." Sambit ni Zainah na nagpasama pa ng loob ko lalo.

"Nilalandi nila si Prinsipe Terrence at Kaden?" Tanong ni Lia.

"Palagay ko nga ay sumaya sila na wala na si Yejin sa Palasyo. Sila mismo lumalapit sa dalawa. Medyo nakakasar lang kasi kapag sa akin ay masama ang tingin pero kapag sa dalawa ay makangiti, wagas."

Icy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon