Kabanata 30

4.5K 182 11
                                    

Huling kabanata para sa kwentong ito. Salamat sa suporta nyo.♡

💧TERRENCE LUXIARA

"Elitian, ito pala si Yejin." Pakilala ni Zainah sa babaeng kumuha ng atensyon namin.

Bago lang siya sa paningin ko at talagang nakuha niya ng buo ang paningin ko. Dahil bago siya hindi lang sa akin ay halos sa kanya ang tingin ng iba. Agaw-pansin ang katangiang pisikal. Ang singkit na mga mata na kapag tumingin ay nakakadulot ng kaba dahil sa natural na talim ngunit nakakaadik pagmasdan.

Unang tingin pa lang ay mararamdamang may tinatagong lakas. Kalmado at alerto. Tahimik at mukhang masungit pero kapag ngumiti't tumawa ay tulad ng isang dyosa.

Yejin Namero. Labing siyam na taong gulang. Mula sa pamilyang Namero na tagapagsilbi sa aming palasyo. Isang gabi lang na nagmistulang maharlika ngunit ang totoo ay isa lamang palang tagapagsilbi.

Magandang tagapagsilbi.

"Pinuntahan namin siya kahapon kina Lady Lorraine ngunit ang kaibigan lamang nito ang nakita namin. Ani nito narito daw sa Palasyo, nagsisilbi." Tuwang pahayag ni Zanlex.

Sa iba't ibang usapan namin lagi kaming nauuwi tungkol sa kanya simula nang makita namin siya. Si Zanlex ang palaging nag-uumpisa ng usapin. Laging inaasar ni  Denver na nakasayaw lang daw ay laging bukambibig na.

Kahit na naguguluhan ay hindi maiwasang hindi makaramdam ng inis dahil pinapalandakan niyang bagay sila ng babaeng pinag-uusapan kahit di naman talaga sila pwedi sa isa't isa. Napabaling ako sa pinsang masama rin ang tingin kay Zanlex.

Nandito sila sa silid ko dahil sa kagustuhan ni Zanlex na tumambay rito dahil nalaman niyang tagapagsilbi ko si Yejin Namero. May klase kami maya-maya kaya't nagbakasakali siyang baka pumunta rito sa silid. Hindi niya alam pinapunta ko rito matapos kong makita sa silid ng kapatid ko.

Tatlong katok ay napunta ang atensyon naming lahat sa pintuan ng aking silid. Naghihintay kami sa papasok pero lumipas na ang ilang minuto ngunit wala pa rin. Tumayo ako at lumapit rito. Binuksan ang pinto at nakita siyang nasa harap ngunit ang tingin ay nasa pasilyo sa kanyang kanan.

"Hindi na nga nabiyayaan ng ganda, di pa bumawi sa ugali." Mahinang ani nito at saka umikot ang mga mata.

Hindi ko maiwasang hindi ngumisi sa pinapakita niya. Palaban. Ngunit hindi nakakalagpas sa akin kapag kinakabahan siya sa presensya ko. Ramdam ko rin ang mga titig niya minsan.

"Sa titig nyong dalawa, mukha kayong interesado sa kanya." May halong pang-aasar na puna sa aming dalawa ni Kaden ni Zanlex. Nakangisi ito na sumingit sa pagitan ng ulo namin ni Kaden.

Nakatutok ang paningin namin sa laban nito at ito ang unang beses na makikita namin siyang lumaban. Tinotoo niya ang sinabing hindi gagamit ng kapangyarihan at nanalo pa rin sa huli.

"Walang imik? Ibig sabihin, oo."

Hindi ko siya pinansin. Oo ang sagot ko pero hindi ko na kailangang sagutin siya.

"Ako rin." Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

Mas napatunayan namin ang lakas niya nang kalabanin niya si Kaden. Isa rin sa dahilan kung bakit gusto ko siyang angkinin.

Nakauwi na ito at ganun rin si Zainah kaya kaming lima na lang ang natitira sa kaninang pwesto namin pagdating dito sa bahay nila Kaden. Tahimik lang ako at binabalik sa isip ang napakagandang itsura nito suot ang kanyang battle armor.

Icy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon