Kabanata 5

4.8K 241 1
                                    

YEJIN

"Anong ganap?" Agad nabaling ang tingin ko kay Zainah na kakabalik lamang at tumayo.

"Magpapaalam sana ako Zainah. Babalik na ako sa mesa namin. Naghihintay na sa akin si Lia at Lady Lorraine."

"Ay ganun ba. Sige." Lumapit siya sa akin at niyakap ako na ikinabigla ko. Agad rin syang bumitaw.

"Maraming salamat." Ngumiti ako at yumuko rin sa ibang kasama sa mesa.

Agad akong tumalikod at napansin ko pa ang ngisi ni Zanlex na sinamaan ko lang ng tingin at mabilis na naglakad papunta sa mesa namin nila Lia. Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila.

Nang makarating ay inulan pa ako ng asar nila Lia at Lady Lorraine kaya't ang pamumula ko ay lumala. Napayuko na lamang ako. Hiyang hiya ako sa nagawa ko kanina. Buti ay si Zanlex lang ang may alam.

"Gumagabi na, kailangan na nating magpaalam." Ani ni Lady Lorraine na agad na nagpagulat sa amin ni Lia.

Agad kaming tumayo at naghandang tatlo. Sumunod kami ni Lia kay Lady Lorraine na patungo sa kinaroroonan ng mga magulang ni Zainah na nasa mesa pala nila Zainah at kausap ang Mahal na Prinsipe.

Nang makalapit kami ay agad na humingi ng pasensya si Lady Lorraine sa pagsingit sa usapan at nagpaalam. Sabay naman kaming nagpasalamat ni Lia. Akmang lalapit pa si Zainah sa akin ay nginitian ko na lamang siya at nagbigay galang rin kami sa Mahal na Prinsipe na hindi ko matingnan ng maayos.

Nang makalabas kami ng kanilang bahay at tarangkahan ay napabuntong hininga na lamang ako.

Ang lahat ng nangyari kanina ay mananatili lamang dito sa tahanan ng Pamilyang Daverro.

Pasensya na, Zainah, Zanlex. Masaya akong nakasalamuha ko kayo at ng buong Elitian kahit sa panggap at kunwaring katauhan ko. Sa sunod na pagkikita natin ay natitiyak kong magbabago ang pakikitungo nyo sa akin.

Nang makarating sa kina Lady Lorraine ay naghiwalay na kami ng daan ni Lia.

Nang makarating sa bahay ay ang bukas na ilaw na lamang ay ang sa sala. Nang pumasok ako ay bumungad sa akin ang tinuturing kong ina.

"Pasensya na ina, hindi ako nakapagpaalam dahil biglaan kaming isinama ni Lady Lorraine sa isang pagdiriwang." Ngumiti ito sa akin at nilapitan ako. Pinagmasdan ang itsura at kasuotan ko.

"Nasiyahan ka rin ba?"

"Opo." Sagot ko at ngumiti.

"O'sya matulog na tayo." Tumango ako at dumiretso sa aking silid.

Agad akong nagpalit ng suot at nahiga sa aking kama. Napaisip sa mga bagay-bagay. Namula sa kahihiyan. Nalungkot sa katapusan.

Bakit kaya ang bilis ng oras kapag masaya tayo at mabagal naman kapag malungkot tayo. Siguro kasi kapag masaya tayo ay hindi natin namamalayan ang oras at nakapokus lamang tayo sa bagay na nagpapasaya sa atin at kapag malungkot naman tayo ay lagi tayong nakatingin sa orasan, na habang pinagmamasdan ang paglipas nito ay palagay natin ay napakabagal.

May isang imahe ang sumakop sa isipan ko at hindi ko maiwasang hindi mamula. Nakatulog yata akong hindi maalis ang taong iyon sa utak ko.

Maaga akong nagising kinabukasan. Linggo pa lang at bukas pa ako pupunta sa palasyo. Dahil hindi ako nakapagpaalam kay Lady Lorraine ay ngayon ko na lang gagawin. Bago ako nag-asikaso ay gumawa muna ako ng gawaing bahay.

Wala na sila ina, ama at ate Ylenna at malamang ay nasa Palasyo na ito. Naiwan ang dalawang tulog pa na ikanaginhawa ko. Mabilis akong kumilos at nang matapos ay nagpalit na ng kasuotan at umalis ng tahimik.

Icy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon