Prologue

491 8 5
                                    

Prologue

Tago dito, tago roon. Takbo dito, takbo roon.

Ang saya lang talaga makipaghabulan sa sandamakmak na tauhan ng daddy ko. At ang pinaka nakapagpasaya sa akin ay dahil hindi lang ako mag-isa ang hinahabol nila, kundi kaming dalawa ng fiance ko.

Oo. Today is supposed to be our wedding day, at sobrang hadlang ng daddy ko kaya gusto nya akong ipadampot para hindi matuloy ang kasal namin. Pero makakapayag ba naman ako nun? Syempre hindi!

"Kaya mo pa bang tumakbo? Malapit na tayo." alalang tanong ni Mari sa akin habang tumatakbo kami. Sobrang hingal na hingal na ko, gustuhin ko mang mag retouch, kaso wala naman ng oras at lalong wala naman akong dalang gamit.

"Sandali! Sandali!" pagtigil ko sa kanya at sabay tanggal ng 4-inch stilleto ko. Sana pala kanina ko pa ginawa ito, at nang di ako nagkapaltos paltos ng ganito. >.<

Mabuti nalang at napabilis ang takbo namin kaya hindi na nila nakita kung saan kami nagsususuot nitong mahal ko. "Hahaha!" sabay na tawa naming dalawa habang hinihingal. Sa wakas at natunton din namin ang simbahan kung saan pangarap ni Mari na ikasal kami. Nagmimisa sa loob at nasa kalagitnaan ng sermon ng pari nang bigla kaming pumasok ni Mari.

"...minsan ay may mga bagay na di natin inaasahan, at ang pagdating nito ay maaaring ipagpabago ng ating buhay..." napatigil ang pari sa panenermon nang makita kaming papalapit sa altar.

"Mr. Asuncion, sigurado ka na ba sa gagawin mong ito?" pabulong na tanong ng pari na wari ko'y alam na niya ang plano namin dahil family friend siya nila Mari.

Tumalikod si Mari sa altar at hinarap ang mga tao sa misa, "Kung ipagpapaumanhin niyo po, nais lamang po naming magpakasal sa oras na 'to. May mahalagang rason po kami kaya biglaan nalang po gaganapin ang kasalang ito. Maraming salamat po sa pag-unawa niyo at sana ay gabayan at patnubayan kayo ng poong may kapal." biglang umingay ang loob ng simbahan ng dahil sa bulung-bulungan ng mga tao, na iniisip sigurong nahihibang na kami dahil sa ginagawa naming 'to.

"Minamahal kong Mari Asuncion at Hannah Evangelista, sa binyag at kumpil nakiisa kayo sa buhay at pananagutan ng panginoon..." ang bilis ng kaba sa dibdib ko habang sinisimulan ng pari ang pangangaral niya sa amin. Ito ang araw at oras na pinakahihintay ko, ang makaisang dibdib ang nagiisang Mari Asuncion ng buhay ko.

Biglang nagflashback sa utak ko ang mga pinagdaanan namin simula noong magkakilala kami. Yung simula palang na hinahadlangan na talaga ni daddy dahil ayaw niyang maikasal ako sa kanya at planong ipakasal ako sa anak ng business partner niya.

"Bukal ba sa inyong loob ang inyong pagpaparito upang makaisang-dibdib ang isa't-isa na inyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?" pagsisimula ni father sa pagtatanong niya sa amin na magpapatibay sa aming kasal.

"Opo, father!" sabay na sagot namin ni Mari.

"Hannah Evangelista, tinatanggap mo ba si Mari Asuncion na maging asawa, alinsunod sa batas mga alintuntunin ng ating banal na simbahan?"

"Opo, father." mabilis na sagot ko sa kanya habang napapangiti.

Tuloy-tuloy na tanong ng pari sa amin para mapadali na at may misa pa kasi itong tatapusin.

"Bilang tagapatunay ng simbahan, pinapagtibay ko at binabasbasan ang pagiisang-dibdib na inyong pinagtipan, sa ngalan ng ama, ng anak, at ng espiritu santo..."

"Amen." sagot namin ni Mari at ng mga nagmimisa.

Iniharap ako ni Mari sa kanya at itinaas ang belo ko para mahalikan.

Ang sarap lang sa pakiramdam na simula ngayon, isa na akong Mrs. Mari Asuncion. Maisasatupad na namin ang mga pangarap namin ng matiwasay, magpaplano ng sabay, malalagay sa tahimik dahil sigurado ako wala ng magagawa ang daddy dito.

Lumabas na kami ng simbahan dala ang ngiti sa aming mga labi, nang biglang namataan namin na nasa labas na pala yung mga humahabol sa amin kanina. Dali dali kaming tumakbo ni Mari at naghanap ng matataguan. Saktong may nagbababa ng pasahero ang taxi sa may kanto nang hinatak ako ni Mari at biglang sinakay sa likod ng sasakyan. Nasa labas pa din ang driver kaya mabilis na inunahan ito ni Mari para maitakas ang taxi.

Mabilis niyang pinaharurot ang taxi pero natanaw pa din namin sa side mirror na sinusundan pa din kami ng mga asungot na yun. Wala nang pakielam si Mari kung green o red ang signal ng mga stoplight, basta't tuloy pa din siya sa pagapak sa gasolina. Nang hindi namin namalayan na may truck na papasalubong sa amin sa gitna ng crossing na naging dahilan ng pagkawala ng malay ko.

---

(a/n: first timer palang po ang lola niyo kaya pagpasensyahan nyo na po kung mejj lame yung story. Sorry din if maraming typo, aaminin ko inaantok na talaga ako, maipush ko lang ipost ngayon 'to. dahil kahapon ko pa pinagiisipan kung paano 'to sisimulan. :) maraming salamat at sana patuloy niyong suportahan yung mga updates and if ever, mga idadagdag kong stories.)

Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon