Hannah's POV
"As the new manager of this brach, I'll take this moment to introduce myself. I'm Mari Asuncion from Rosco's Apparel, a clothing company from L.A." panimula ni Mari sa kanyang speech. At dahil dun nagsimulang magbulung-bulungan yung mga kasamahan namin dito. "Malayo yung connection diba? But may bacground din naman ako tungkol dun since Business Management is my course before and I have a little bit experience in managing." sunud-sunod namang nagtanguan yung ibang mga staffs. Pero may iba pa ring hindi convinced sa sinabi niya.
Kanina ko pa tinitignan si Pinky at nung nakita nya kong nakatingin sa kanya, tinaasan ko siya ng kilay na parang nagtatanong ng "Anong kalokohan 'to?
Bakit di mo sinasabi sa akin?" pero natuwa naman ako sa sagot niya. Nginitian lang namin nya ko sabay tawa ng tahimik. Katuwa diba?
Pagkatapos ng speech ni Mari, agad nanaman siyang umalis. Bakit ba lagi nagmamadali yun? Kung makaasta akala mo one-minute-man eh.
Tinuloy na ni Pinky yung pageexplain nya ng pasikot-sikot dito sa bagong branch. Medyo maliit siya kumpara dun sa main. Mas marami pa din namang naiwan staffs dun kaya konti lang kaming pinalipat dito.
Tanghalian na nang matapos kami dito. Sakto kaya nag-aya naman si Pinky na kumain kami sa labas. Bukas pa naman daw yung grand opening kaya makakapagpahinga pa kami.
--
"Nakakatawa talaga yung itchura mo kanina pagpasok ni Mari sa resto! Ang epic, friend! Hahaha!" juice colored! Sa dinami daming kaibigan na ibibigay nyo sa akin, bakit ganitong klase pa! >.
"Grabe ka sakin friend! Wala akong kaide-idea na siya pala kukunin nyong manager! Mukha ba kong Madam Auring?!" kaloka tong babaeng 'to! Buti sana kung nagbigay siya ng clue noon diba?!
"Haha! Bespren, baka ganun yung itchura mo kanina nung tinignan ka ni Pinky kaya ganyan makatawa ngayon! Hahaha!" parang siya hindi wagas kung makatawa! Mabilaukan sana kayo!
*mpft*
"Waiter! Water please!" sigaw ni Lisa dahil nagdilang anghel ako. Nyahahaha!
"Grabe, ang bilis ng karma ngayon noh? Haha!" pang-aasar ko tuloy sa kanya.
Tinuloy na namin yung diskusyunan tungkol sa pagkakakuha nila kay Mari bilang manager. Kaibigan pala ni Tito Julius yung daddy ni Mari. Kagabi lang din nalaman ni Pinky yung tungkol dito at di na niya sinabi agad sa amin para surprise daw.
--
*kriiiing* *kriiiing*
Lintek na! Madaling araw palang, sino ba 'tong tumatawag na 'to? Istorbo!
"Hello?!" irita kong sagot sa cellphone ko habang naninigkit pa mata ko
"Bispreeeeeen! Ano ba ginagawa mo?!" sigaw ni Lisa sa kabilang linya.

BINABASA MO ANG
Another Chance
RomanceSiguro nga may mga taong dumarating sa buhay natin para mahalin tayo, pero hindi sila yung mga taong itinadhana para sa atin. May mga taong darating at darating sa buhay natin para sirain tayo at may mga darating din para buuin yung nasirang "ikaw"...