Hannah's POV
I'm tired. I feel so tired. Hindi ko rin maintindihan pero kahit konti pa lang nagagawa ko sobrang pagod na ako. Pero baka na rin dahil sa emotions ko these past few days.
Since nung makabangga ni Franz si Ma'am Hannah nun sa resto ni Cade, tapos nakita ko pang kaholding hands nito si Mari, dun nagsimula yung pakiramdam ko na laging malungkot, wala sa mood, madaling mapagod. Depression.
Nakwento pala sa akin ni Franz na si Ma'am Hannah pala yung kablind date nya nung tanghaling yun. Masyadong bossy yung attitude daw kasi ni Ma'am Hannah kaya hindi nya to nagustuhan. Kaya pagkatapos nung insidenteng yun, nag sorry lang si Franz sa kanila at hinatak agad ako papunta sa sasakyan nya. Ni hindi na din ako nakabati sa kanila dahil sa bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Hindi na kami nakapag late dinner nun dahil sabi ko gusto ko na magpahinga.
Nitong mga nakaraang araw palagi pa rin pumupunta si Franz sa resto para abutan ako ng bulaklak. Minsan tuloy nahihiya ako pag pauwi, dahil pag hindi nya ako nahahatid, mag-isa lang ako umuuwi. Medyo busy din si Lisa at Pinky sa resto. Alam nilang wala ako lagi sa mood kaya pinapauna na nila ako umuwi para makapagpahinga.
And one of the reasons, i think, kung bakit ganito yung nararamdaman ko ay dahil na din kay Ma'am Hannah. Tuwing lunch lagi siya nandito sa resto namin. At balita ko sa closing, sinusundo pa siya ni Mari.
Hindi ko dapat nararamdaman tong selos na to eh. Mahirap magselos lalo na kung wala ka naman nang karapatan. Pero sa tuwing natatanaw ko sila na kumakain sa loob ng office ni Mari, i still wish na ako na lang sana yung kasama nya doon sa loob. Ako na lang sana yung nakakapagpangiti sa kanya. Ako na lang sana yung dahilan ng kasiyahan nya.
Pero iba na ngayon. Gustuhin ko man maibalik yung dating Mari na sa akin, na pag mamay-ari ko na noon, pero mahirap nang ibalik yun ngayon. Kahit magkalapit lang kami, pakiramdam ko napakalayo nya pa din dahil parang hangin lang ako sa kanya na hindi niya pinapansin.
"Bespren! Tulaley ka nanaman dyan! Okay ka lang ba talaga? Gusto mo samahan kita sa doktor?" bumalik sa realidad yung isip ko nang biglang tumabi sa akin si Lisa.
Napangiti lang ako at tumayo para bumalik na sana sa labas. Nagpahinga lang ako saglit pagkatapos mag lunch break.
"Friend kung may problema ka alam mo namang nandito lang kami diba?" tanong ni Lisa sa akin habang nakahawak sa braso ko.
Ngiti pa rin ang sinagot ko sa kanya at tinanggal yung kamay niya sa braso ko, "Salamat Lisa. Pero wala pa talaga ako sa mood magkwento ngayon eh." ni magkwento sa kanila hindi ko pa magawa.
Naglakad na ako palabas at hindi ko pa din maiwasan na hindi sumilip sa loob ng office ni Mari. Di naman na ako nagulat nang makita kong masayang nag-uusap yung dalawa sa loob. I just fake a smile nang mapansin ako ni Ma'am Hannah na dumaan. Pagtingin ko sa entrance, nandito ulit si Franz at inabutan nanaman ako ng bulaklak at tsokolate. "Franz, thank you. Pero sana wag mo naman araw-arawin tong mga flowers na to. Mukha na kayang garden yung condo ko." sambit ko agad pagkaabot nya ng bulaklak sa akin. Puro mga synthetic flowers naman yung mga binibigay nya sa akin kaya hindi sila nalalanta kahit iwan ko sila sa condo. It is a sign din daw kasi na his feelings for me doesn't wilt kahit kailan.
BINABASA MO ANG
Another Chance
RomanceSiguro nga may mga taong dumarating sa buhay natin para mahalin tayo, pero hindi sila yung mga taong itinadhana para sa atin. May mga taong darating at darating sa buhay natin para sirain tayo at may mga darating din para buuin yung nasirang "ikaw"...