Franz's POV
"So, nasan na nga ako?" tanong ko sa kanya.
"Wala ka pa ngang sinasabi eh" sabay irap nya sa akin.
"Wala pa ba? So shall we start?" sagot ko.
Nag-umpisa siyang magtanong tanong nga mga bagay-bagay tungkol sa akin. Saan ako nakatira. Saan ako nag-aral. Ano ginawa ko sa states. Kung ilan naging girlfriend na ba. Etc.
Nakakasawa yung mga ganyang tanong. Tuwing sineset up ako ni mommy sa mga blind date na ganito, paulit-ulit lang yung tanong eh. Kaninang umaga pa ko kinukulit ni mommy na idate ko daw tong anak ni Vice Mayor. Kahit anong posisyon pa nila wala akong pake doon. Basta ako ineenjoy ko pa pagkabinata ko.
Well, wala din naman akong magawa sa office kaya mabuti na din na lumabas ako ngayon. Mamayang hapon pa naman out ni Hannah kaya papalipas muna ako ng oras. Napakarami naman kasing tanong nitong babaeng to kahit mga walang katuturang bagay itatanong pa. Kaya sobrang tipid na lang din ng mga sagot ko sa kanya. Straight to the point na sagot, tapos oo o hindi, ganun lang.
Nakakawalang gana kaya mas mabuting mag COC na lang muna ako. XD
"Ano ba ang tipo ng babae ng isang Franz Villanueva?" nakataas na kilay na tanong nya.
Bigla akong napatigil sa ginagawa ko dahil yang tanong na yan ang very common na tinatanong nila sa akin. Pero isang tao agad ang pumasok sa isip ko ngayon nang marinig yung tanong nya.
—
Hannah's POV
Sobrang sakit na ng ulo ko! Nakakastress tong araw na to ah! Pinipilit ko na lang na ngumiti sa harap ng mga customers kahit sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko. Magpapaalam sana ako kay Boss Mari na kung pwedeng maaga ako mag-out ngayon, pero alam kong hindi niya icoconsider yung reason ko. Kasi naman tong ulong to! Bakit ngayon pa nakisabay kung kailan opening eh!
"Eto oh, inumin mo muna at magpahinga ka na muna sa loob. Baka gumawa ka pa ng eksena dito eh." abot sa akin ni Mari ng gamot at lumakad papunta sa mga customers.
Siguro naawa na din sa akin yun dahil kanina pa ko lamyang lamya kumilos dito. Buti naman nagmagandang loob siya sa akin ngayon. At napangiti naman tuloy ako sa ginawa niya. At pasalamat din ako dahil kanina nung nakita nyang kausap ko si Franz habang oras ng trabaho, hindi na nya kami pinansin at bumalik siya sa table nya.
Habang nagpapahinga dito sa loob, hindi ko pa din maiwasang isipin kung totoong nagkaamnesia siya eh. Gusto ko pa din talaga siya kausapin at linawin yung mga nangyari noon bago kami maghiwalay. Kung ano nangyari sa mag-ina niya, kung magkakasama ba sila ngayon, kung bakit nya nilihim sa akin yung tungkol dun, kung ano namamagitan sa kanila ni Ma'am Hannah ngayon, kung kamusta na siya ngayon, kung nakikilala nya pa ba ako, kung nakalimutan nya na ba ako, kung mahal nya pa ba ako. Pero malabo yun, na mahal nya pa ako. Pero hindi pa siguro ito yung tamang oras, kita mo nga, napakasungit nya sa akin ngayon, paano kami makakapag-usap ng maayos nyan.

BINABASA MO ANG
Another Chance
RomanceSiguro nga may mga taong dumarating sa buhay natin para mahalin tayo, pero hindi sila yung mga taong itinadhana para sa atin. May mga taong darating at darating sa buhay natin para sirain tayo at may mga darating din para buuin yung nasirang "ikaw"...