Chapter 8

77 4 0
                                    

Hannah's POV


Pinipilit ko pa ding matulog pero gising na gising na yung diwa ko. Kung kailan ka naman talaga walang pasok saka ka nagigising ng maaga. Habang nakahiga at nakatingin sa kisame, pinagtataka ko pa din kung bakit nagmamadaling umalis si Franz kagabi. Nung pagkahatid niya kasi sa akin kahapon dito sa condo ko, umalis din agad siya dahil may aasikasuhin daw siya sa office niya at nung pagkabalik nya ng hapon, dito ko na siya pinagdinner pero pagkatapos noon ay umalis din agad siya.


Kahapon lang naman siya naging busy, dahil nung mga nakaraang araw halos araw-araw nasa resto siya at sinusundo ako lagi. Pero ngayon parang may kakaiba sa kanya.


Tumayo na agad ako sa higaan at naghilamos, nagbihis ng pang-jogging para makapag exercise na din kahit minsan.


Medyo madilim pa kaya kokonti pa lang ang tao dito sa park. Yung iba'y kasama pa yung mga alaga nilang aso, yung iba'y mga magkasintahan na magka holding hands pa habang tumatakbo, at yung iba naman ay mga walang pakielam sa paligid dahil may mga nakasuksok na earphones sa mga tenga nila.


Sa may di kalayuan ay may nakita akong stroller at napansing walang nagbabantay dito. Agad kong nilapitan at nanlaki ang mga mata ko.


"Baby?!" sambit ko nang makita yung baby na inaalagaan ni Mari na mag-isa dito sa park. Nilingon-lingon ko sa paligid kung makikita ko si Mari pero wala ni anino niya akong napapansin.


Sa kabutihang palad ay walang nangyaring masama kay baby, sa isip-isip ko. Bakit basta na lang iniwan ni Mari dito si baby? Nasaan kaya yun? Wala naman akong contact number niya para matawagan man lang siya kung nasaan siya.


Mag-iisang oras na pero wala pa ding Mari na lumilitaw sa harapan namin. Umiiyak na si baby at mukhang gutom na. Mabuti nalang at nandito sa stroller nya nakasabit yung bag, kaya naipagtimpla ko siya ng gatas. Pero maya't - maya ay umiiyak pa din ito. Nang chineck ko yung diaper, may pupu na pala. Hindi na ko nagdalawang isip na iuwi muna sa condo ko si baby dahil kanina pa kami nandito pero wala pa din siya.


Habang pinagmamasdan ko matulog si baby nang mahimbing, hindi nawawala sa labi ko ang mga ngiting ang dahilan ay ang imahinasyon na para kaming isang masayang pamilya. Na isa akong butihing may-bahay at si Mari ang nagsisilbing haligi ng aming tahanan. Yung ipagluluto ko siya nang agahan bago pumasok sa trabaho, magbobonding kami nang anak ko habang hindi pa ito nag-aaral, sasalubungin si Mari sa kanyang pagbalik galing sa trabaho at kung anu-ano pa. Ang saya. Ang sayang isipin. Pero hanggang imahinasyon na nga lang ba?


Pero, back to reality na nga muna tayo. Kailangan kong tawagan muna si Pinky para itanong yung contact number ni Mari.


"Hello, Pinky? Nasa resto ka ba? Nandyan ba si Ma-, Boss Mari?" tanong ko agad pagkasagot nya ng phone.


"Wala pa siya rito, pero tinawagan ko siya kanina dahil may tinanong ako tungkol sa mga aplikante. Pero mukhang nagmamadali kasi siya kaya di ko natanong kung pupunta siya rito ngayon. Bakit?" mahabang sagot niya sa akin.


"Pwede bang mahingi na lang yung contact number niya? Urgent lang, please?" sana lang wag nang bigyan ng malisya nitong babaeng to yung sinabi ko.

Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon