Mari's POV
"On the way na ko bro. Oo kabisado ko na yung pyesa. Baka maiyak ka pa kapag ako tumugtog, tignan mo lang. Haha."
Papunta na ako ngayon sa reception ng kasal ng kaibigan ko. Kada anniversary kasi nila, nagpapakasal ulit sila. 3rd year anniversary nila ngayon at first time kong pumunta dahil nga nasa states ako noong mga nakaraang taon, kahit nung first wedding nila hindi ako nakapunta kaya kailangan ko daw bumawi ngayon, at kinuha nya kong guitarist habang sumasayaw sila.
—-
"Galingan mo bro. Wag kang nenerbyosin ha?" sabay tapik sakin ni Adrian sa balikat.
"Sus. Bakit naman ako nenerbyosin? O sige punta na ko dun." sabay alis papunta sa stage. Susunduin nya pa kasi si Carla na ineentertain yung mga bisita nila.
Magsisimula palang sana akong bumati sa mga guests nila Adrian at magpakilala nang bumukas yung pinto sa hall. Nakayukong babae papunta dito sa stage, siguro siya yung kakanta sa tutugtugin ko.
"Magandang hapon. Ako nga pala si Mari Asuncion. Adrian is my college buddy and this is my first time to attend their wedding. I'm a bit nervous but i hope magustuhan niyo yung performance namin." sabay lingon sa gaganap na singer ngayon.
Hannah's POV
"Magandang hapon. Ako nga pala si Mari Asuncion..." at bigla akong napatigil sa paglalakad.
Sino daw?! Siya daw si Mari?! So ibig sabihin kaming dalawa ang magpeperform ngayon habang sumasayaw sila Carla?! Oh, sh*t! Kabarkada nga pala ni Adrian si Mari. Bakit di ko naisip yun kanina?
Nakatalikod pa din ako sa kanya, dahil baka mamukhaan nya kasi ako. Yung nangyari kasi kagabi, ganito. Nung papalapit na si Ma'am Hannah sa table namin, bigla nalang siyang natumba, baka sa kalasingan na din siguro, pero buti nalang nasalo agad siya ni Mari. Sinulit na namin yung oras para makaalis na kami dun, kaya tumakbo na agad kami papunta sa labas, pero nung nilingon ko sila, nakatingin si Mari sa akin!
"Excuse me, Miss? Pwede na ba tayong magstart?" pabulong na tanong sakin ni Mari.
Unti-unti akong humarap sa kanya habang nakakunot noo. At ang expression nya? Edi syempre pagkalaki laking mata. O.O mas malaki pa nga dyan eh.
"I-ikaw?!" nabasa ko lang sa buka ng bibig nya, wala naman kami magagawa alangan mag back-out kami bigla. Nagkibit balikat nalang ako at pumunta sa gitna ng stage at saka niya kinuha yung gitara at umupo sa gilid ko.
Let the bough break, let it come down crashing
Let the sun fade out to a dark sky
I can't say I'd even notice it was absent
BINABASA MO ANG
Another Chance
RomanceSiguro nga may mga taong dumarating sa buhay natin para mahalin tayo, pero hindi sila yung mga taong itinadhana para sa atin. May mga taong darating at darating sa buhay natin para sirain tayo at may mga darating din para buuin yung nasirang "ikaw"...