Mari's POV
"Hannah! Hey, wake up!"
*sigh*
It's really hopeless. Who would have thought na mag-aalaga ako ng isang baby. Tapos nakisali pa tong si Hannah.
Never I had imagine myself carrying a baby tapos may kasama pang lasenggera.
Now where here at my condo. Wala naman akong alam na pwedeng pagdalhan sa kanila. Even this baby beside me, kahit gusto ko siyang dalhin sa ampunan. Habang nag-aayos pa ko ng sales kanina sa office, bigla na lang akong nakarinig ng katok sa labas. Then I saw this baby in a basket in front of the door. The usual thing na ginagawa ng mga magulang na hindi kayang palakihin ang bata.
Nung una hindi naman ako nagdadalwang isip na dalhin siya sa ampunan, pero mas naisip ko na hanapin na lang yung magulang nitong batang to habang nasa pangangalaga ko.
Ang mahirap lang, dumagdag pa si Hannah sa pagiging alagain.
Habang tulog si baby, si Hannah naman ang inasikaso ko. This woman needs to change her dress. Dahil ako naiinitan sa itchura nya ngayon eh.
Kumuha ako ng maligamgam na tubig at bimpo. Dahan-dahan kong inayos siya sa pagkakahiga. I don't know how to start. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko yung mapula't manipis nyang labi. I still have this urge to kiss her kahit na masakit pa rin sa akin yung ginawa niya noon.
Slowly I pull up her shirt, habang nakapikit.
"Manyak! Rapist! Tulong!!! Tulungan niyo ko ma-" nagulat ako sa sigaw niya kaya tinakpan ko agad yung napakaingay nyang bunganga.
"Ano bang pinagsasasabi mo?! Wag ka maingay baka magising si baby!"
mahinang pasigaw ko sa kanya.
Bigla nyang inalis yung kamay ko sa bibig nya at aligaga sa sarili. "Nasan ba ako? Bakit nandito ka? Anong nangyare? Sinong baby?" sunud-sunod nyang tanong.
"Well, first pwede ba umayos ka muna, para kang bata ang likot mo!" ang oa lang kasi umarte, akala mo kinidnap kung makapaghysterical. "Nandito ka sa condo ko, can't you remember? Ikaw tong iinom inom tapos hindi mo naman pala kaya, kaya bigla kang hinimatay sa resto kanina." sagot ko
agad sa kanya.
Natahimik siya na may iniisip, then biglang sinampal yung noo nya. "Naalala mo na?" dagdag ko.
"Eh yung baby? Kaanu-ano mo siya?" madaling tanong niya.
"I don't know. But he's in my room, sleeping." sagot ko.
Pinagmasdan ko siya at putlang-putla pa din siya. Sasagot na sana siya pero dahan-dahan siyang humiga ulit sa sofa. "Thank you, Mari." sambit nya.

BINABASA MO ANG
Another Chance
RomanceSiguro nga may mga taong dumarating sa buhay natin para mahalin tayo, pero hindi sila yung mga taong itinadhana para sa atin. May mga taong darating at darating sa buhay natin para sirain tayo at may mga darating din para buuin yung nasirang "ikaw"...