Hanna's POV
"Hannah?"
Tanong sa akin nitong napakagwapong lalaking nasa harapan ko.
OO! Napakagwapo! Hindi ko na talaga madeny, pero sa panahong ito sobrang namangha ako sa itchura nya ngayon. Parang bumalik ako sa dati nung una ko siyang makita at makilala. Yung Mari na mabait, masiyahin, gentleman, malakas ang dating dahil halos lahat ng mga school mate namin napapalingon pag siya yung dumadaan. Mahangin. Yan ang pakiramdam ko ngayon nang makita ko ulit siya. Hindi yung mahangin na mayabang o maangas ha? Mahangin na parang may anghel na dumaan sa harap mo.
Biglang bumalik sa realidad yung isip ko nang bigla akong kurutin sa tagiliran nitong sadista kong kaibigan, then i gave her "Humanda ka sakin mamaya Lisa" look.
"Ah, Ma-" bigkas ko nang may biglang
"Mariiii!!!" sigaw nung babae galing sa likod namin.
Nilingon namin siya pareho ni Lisa.
"Ma'am Hannah?" tanong ni Lisa na may pagkagulat. So ibig sabihin siya yung tinawag ni Mari na Hannah? At hindi ako? Pano naman sila nagkakilala kaya?
"Oh Miss Dela Cruz, Miss Evangelista, bakit nandito pa kayo? Pauwi na ba kayo? Saan ba daan niyo?" daming tanong, di maipagkakailang HR siya.
Siya si Miss Hannah Racquel Mae Guevarra, ang masungit na HR manager ng restaurant nila Pinky. Gaya-gaya ng pangalan noh? Pero maganda naman siya, actually lahat naman ng Hannah na nakilala ko magaganda.
Alam namin hindi siya pabor na bigyan kami ng trabaho dito, halata naman nung interview palang eh, sobrang hirap nung mga sitwasyon na binigay niya samin para sagutin, pero syempre hindi ako nagpakabog, sinagot sagot ko siya based sa experience ko nung nanunuod ng interview sa company namin. Feeling niya kasi wala akong alam sa mga business na ganyan eh. At kung hindi lang kami kaibigan ni Pinky baka sa malamang binagsak kami nyan sa interview.
"Ahh, eto po kasing si Mar-" pigil ko sa sasabihin niya.
"S-si Mark po kasi hihintayin sana namin, kaso bigla po naming nakita na nakasakay na pala ng bus. Actually pauwi na nga po kami, sige po mauna na kami." sagot ko sa kanya.
"If you want you can take a ride with us, if i'm not mistaken pa-north din kayo, right?" mataray na tanong nanaman niya, seriously hindi ko alam kung bakit napakasungit niya sa amin ni Lisa, samantalang sa ibang staff naman hindi? Tapos ngayon nagmamagandang loob? Psh.
"Opo, pero, uhm, thank you nalang po pero kasi may dadaanan pa po kami ni Lisa. Salamat nalang po." gustuhin ko mang sumabay dahil curious ako kung anong meron sa kanila ni Mari. Napansin ko lang din bakit parang hindi niya kami kilala? Kanina ko pa napapansin na wala siyang imik na kaharap ako ngayon after that incident. Ano? Nakalimutan niya na agad ako? Porket may pamilya na siya? Kamusta na kaya sila? Urgh! Nafufrustate na ko! Ang dami nanamang tanong na pumapasok sa isip ko.
Hanggang sa may humintong sasakyan sa harapan namin at pinagbuksan ni Mari si Ma'am Hannah ng pinto. Hanggang ngayon hindi pa din nawawala yang pagkagentleman niya, na feeling ko ako yung pinapasakay niya sa kotse.

BINABASA MO ANG
Another Chance
RomanceSiguro nga may mga taong dumarating sa buhay natin para mahalin tayo, pero hindi sila yung mga taong itinadhana para sa atin. May mga taong darating at darating sa buhay natin para sirain tayo at may mga darating din para buuin yung nasirang "ikaw"...